Project Gutenberg's Rizal sa Harap ng Bayan, by Pilar J. Lazaro Hipolito This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org Title: Rizal sa Harap ng Bayan Talumpating Binigkas sa Look ng Bagumbayan Author: Pilar J. Lazaro Hipolito Release Date: May 4, 2006 [EBook #18306] Language: Tagalog Character set encoding: ISO-8859-1 *** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK RIZAL SA HARAP NG BAYAN *** Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino. [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] =Si RIZAL sa HARAP n~g BAYAN= TALUMPATING BINIGKÁS SA LOOK N~G BAGUMBAYAN N~G BINIBINING =PILAR J. LAZARO HIPOLITO= Ika 30 n~g Diciembre n~g taong 1906 LIMBAGAN Daang Carriedo Bl.101 Ni, =FAJARDO AT KASAMA= =SI RIZAL SA HARAP N~G BAYAN= Talumpating Binigkas N~g Bb. Pilar J. Lázaro Hipolito Sa Look N~g Bagumbayan, Alang-alang Sa Ika Sampung Taón Nang Pagkakabaril Sa Ating Bayani. Bayan cong pinacaiirog: Ang unang pinasasalubun~gan n~g maligayang pagbati at pagpipitagan, sampu n~g lahat n~g m~ga napipisan, lalong lalo na ang m~ga ginoong bumubuo n~g pagpapaonlac sa caran~galán n~g dakilang Rizal na casalucuyang ipinagdidiwang n~g capuluang Filipinas, cayo'y hinahandugan n~gayon n~g di mabilang na pasasalamat, sanhi n~g pagcatanim sa kaibuturan n~g puso n~g araw na itong di co rin nililimot. Baga man culang pa sa tapat na cagulan~gan ang cutad na pag-iisip sa tungculing n~gayo'y ipinamahala, datapuwa, pinagtamanan cahit anong hirap, macatupad lamang sa adhica n~g m~ga capatid sa mabigat na pasaning aco'y maging isa sa magpapaonlac, sa pamamag-itan n~g bigcás, gayon sa pamimintuho sa Bayan cong kinamulatan. Cung ang pupulas sa labi sa oras na ito ay culang sa timyas, ang madlang nai-ipon na ang macatataroc n~g lalim n~g aking pagcapahat, n~guni magi-ging isang pamucaw, isang pagcantig sa pintuan n~g calooban, bagay sa caramihang nagwawacsi pa n~g tunay na damdamin at sumasampalataya sa hiduang aral n~g m~ga nagcucubling halimaw na nag aanyon mabait, bago'y caaway n~g cagalin~gan, na di pa nasiyahan sa tinalicdang pagtatamasa n~g m~ga cahirapan, cundi bagcus namamalagtas sa lalong pag-api at pagdustang nacalalagim sa isang hindi nan~gimi sa camatayan macapagbucás sa tulóg na loob n~g canyang cababayan, at naging mananacop n~g Filipinas sa paghahayin n~g buhay n~g icatutubós sa tanán, n~guni, ¡anong hapding salan~gin! ¡anong pait namnamin! cung madilidiling yuco sa dating caugalian ang pinaghabinlang ilán n~g canyang m~ga talinghaga. ¿Ibig ninyong makilala? ¡ah! wala acong carapatang tumurol at sucat na lamang ipatalastas ang nacapanghihilacbot na usapan n~g m~ga lahing Lacandula rin, upang man~gakilalang sila'y dapat pacasumpain, na anila'y: _Si Rizal ang tunay na may casalanan at nagcalat n~g caguluhan at cahirapang tinatangkilic n~gayon n~g Bayan_, m~ga pan~gun~gusap na di napag labanan n~g puso cong iwi at naramdamang lumuha n~g dugó, at naipucol naman tuloy ang wicang: _bakit hindi man~gatal at mapipi ang cumacatal n~g walang catotohanan_; datapua't n~g macapaghunos dili sa paglalatang n~g galit sa sumandaling iyon ay dagling binawi at pinapaghari ang capatawarang naisigao ang mahalagang bigcas n~g Póong si Jesús, n~g napapaco sa Cruz n~g casalanan: _Dios co sila'y patawarin mo sapagcat hindi nalalaman ang canilang guinagawa_ (Palacpacan). Talastas n~g lahat ang Bayan sinilan~gan n~g ating ipinag-gagalac n~gayon, iyang dacong sinisicatan n~g maliwanag na araw, na pinamumutictican n~g m~ga bagong silang na pagmamalasakit, diyan sa Calamba, niyong ika labing siyam n~g Junio n~g taong isang libo, walong daa't anim na pu't isa, sa macatuid, ganap na apat na pu't limang taon limang buan at labing isang araw n~gayon, at buhat naman n~g gupuin ang canyang iniin~gatang buhay n~g m~ga lihim na caaway, ay sampung taon n~gayon walang culang. Bakibaki-in m~ga napipisang caguinoohan cung anong tabác n~g mapanglupig ang lumagpac sa ulo n~g m~ga Bayaning nagsipagnasang humawi n~g m~ga calihimang mapagparusa, panaho'y tumatacas at tumatacbong matulin n~g wala pang ninicat na pag-asa, iyang pag-asang pag-aagawanan pa cung totoong mapa atin na. Siya'y hindi nalulupaypay cahiman nauumang sa bagsic n~g paratang, nagpatuloy sa layong pawang icagagaling natin, n~guni hindi kinilalang utang na loob n~g m~ga sumasamba sa capangyarihan n~g m~ga mapagbalat cayóng wari ay catulong bago'y tunay na calaban. Bahagya pang tumutuntong sa guhit n~g pagbibinata, ay nagpakilála na si Rizal n~g nacahahan~gang catalasan n~g pagiisip, caya't minarapat n~g magagandang pusong canyáng magulang na papag-aralin dito sa Maynila, at hindi naman nalaon at nagpamalas n~g catalinuhan, at sa catotohana'y lalabing tatlong taon pa lamang ang gulang ay sumulat at cumatha n~g melodramang tula, na pinamagatan n~g: _Junto al Pasig_, at saca isinunod ang _A la Juventud Filipina, El consejo de los Dioses_ at iba pang nacalulugod. Tayo naman, lalo na cayong m~ga cabinataang dumog sa pag-aaral, cunang halimbaua ang canyang m~ga pagsisicap. Si Rizal, hindi dito lamang sa Filipinas tinuclas ang caaya-ayang carunun~gan, cundi naglacbay sa España, niyong taong isang libo, walong daa't walong pu't dalaua, sa pang-ulong bayan nito, sa Paris, sa Bruselas sa Berlin, sa Londres, sa Gante at sa m~ga pan~gulong Ciudad n~g Rhin at doon natutuhan ang ucol sa pangagamot, «Filologia», «Etnologia», «Filosofía» at «Letras». Iniwagayway ang nacamtan sa pagtitiyaga sa Capuluang ito, n~guni agad hinarang n~g m~ga malicmatang mapagpahirap, sapagca't hindi maglalaon cung pababayaang magpapatuloy, at lilitaw ang itinatago-tago at kinikipkip na calayaan n~g Filipinas, gayon man, hindi tumudla n~g macamandag, at sucat n~g tinugon ang pan~gun~gusap nila n~g papaganito: «Na ang lahat n~g m~ga lahi n~g tao ay nagcacaiba iba lamang sa canilang m~ga anyo, n~guni alinsunod sa Psicologia, ang maputi, ang abo-abo, ang madilaw, ang cayumangui at ang maitim ay magcacaisa n~g caramdaman, nagcacawan~gis ang m~ga umu-udyoc na budhi at hilig na magpapatiboc n~g puso, ang pinagcacaibhan lamang ay ang paraan n~g pagsasaysay ó pag-gawa.» «Na walang napagkikilala ang m~ga Antropologo cundi ang m~ga lahi; na ang napagmamalas lamang n~g m~ga mapagmasid n~g m~ga pamumuhay n~g bawa't nación, ay ang pagcacaiba't iba n~g calagayan, n~g mayama't mahirap, n~g mahal at timawa. Na sa m~ga nayong lalong m~ga paham n~g Francia at Alemania, ang lalong marami sa m~ga nananahan doo'y casing pantay rin n~g calagayan n~g pag-iisip n~g m~ga tagalog, at ang culay n~g balat, pananamit at wicang guinagamit ang bilang caibhan lamang.» «Na ang pag-iisip ay tulad sa m~ga cayamanan at cung may m~ga naciong mayaman at mahirap, ay may m~ga tao ring mahirap at mayaman: Cung may nagbabalac na taong siya'y ipinan~ganac na pagdaca'y mayaman, ang gayong tao'y namamali, sapagca't siya'y sumilang n~g hubad na cawan~gis n~g alipin at iba't iba pang lubhang mahahalaga, (Noli me tangere dahong icapito).» Pinag-inutan din niyang sinulat ang _Noli me tangere_ na naghahayag n~g sari-saring halimbawa, na isinawicang frances n~g taong isang libo, walong daa't walong pu't siyam n~g man~gan~galacal na capisanan ni Stock, gayon din ang isinulat ni Dr. Morga na canyang dinagdagán n~g m~ga paliwanag n~g siya'y macapangaling sa Japón at Norte America na nanahan sa Londres. Sa Madrid ay nagbukas n~g isang pahayagan n~g taong isang libo walong daa't siyam na pu at pinamagatang _Solidaridad_, pahayagang tuwing ica labing limang araw, at ang m~ga catulong sa pagsulat ay sina guinoong Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Dominador Gomez at iba pa. Dito'y mahihinuha na ang canyang catalinuhang calakip ang pagsasangalang sa Bayan, sapagcat tumanghal ang canyang pan~galan sa pamamag-itan n~g pakikibaca sa m~ga calapastan~ganang cumacalat sa m~ga paglulubog sa matwid hangang binawiang buhay n~g hindi sa sakit cundi sa bilis n~g punlong pamatay ¡Oh catiwalian n~g panahon! Bahagya pang umuusbong ang larawan iguinuguhit sa dulo n~g m~ga sandata ay isinabog na ang apoy n~g capahamacan n~g isang namamahalang nacuha sa kintab n~g cayamanan, dinaig n~g capangyarihan at nagwasac n~g mahusay na pananangkilic. ¿Natupad caya ang nais na hadlan~gan ang bawa't tun~go ni Rizal? ¡ah! hindi n~ga at lalong nagsigla, bagcus nag alab ang sidhi n~g namumuksa, sumulac ang dugo at mandi'y iniukit sa pitac n~g dibdib, caya't hindi tinugutan hangang sa maibagsac ang pamamahalang walang matuid na pinananangnan ang sulsol at hicayat n~g ilang malabis nating kinapopootan. Sa guitna n~g di maulatang pagpipighatí at pakikipanayam cay Simoun, ay nagsalita nitong sumusunod. «Isang Dios ang nagpaparusa sa caculan~gan n~g pananampalataya sa pagcagumon sa masamang hilig, sa casalatán natin n~g dalisay na pagsinta sa kinamulatang lupa at sa madalás nating pagpapaunlac sa m~ga cababayang nabubuhay sa pagpapahirap sa m~ga duc-ha, carapat dapat n~ga, lubha n~gang carapat dapat na ating tiisin ang bun~ga n~g ating m~ga cagagawan at tiisin naman n~g ating m~ga anac, iyan n~ga ang Dios n~g kalayaan, guinoong Simoun na siyang sa ati'y pumipilit na ating iruguin ang calayaang iyan, upang hwag na lubhang magbigay cabigatan sa atin. Hindi ko sinasabing ating paghanapin sa patalim n~g sandata ang ating iguiguinhawa, sapagca't hindi cailan~gan ang espada sa icagagalíng n~g Bayan, datapwa't tutuclasin natin ang cagalin~gang iyan sa pamamag-itan n~g carapatan, sa pagbibigay unlac sa catwiran at sa sariling camahalan n~g isang tao, sa pag-sintang dalisay sa tapat na asal, sa ano mang bagay na mabuti at sa ano mang cadakilaan hangang sa ihayin ang buhay sa camatayan, at pagca dumatíng na ang Bayan sa gayong mataas na calagayan, ang Dios ang sa canya'y nagbibigay n~g sandata at nabubulíd ang m~ga nagpapasamba, nabubual ang m~ga tampalasan, catulad n~g pagcalansag n~g m~ga bahay bahayang baraja. Tayo rin ang may gawa n~g ating m~ga pagdaralita, hwag nating bigyan sala ang sino man cundi linilin~gap at pinababayaang tayo'y apihin n~g calupitan, sapagca't cung makita sana niyang tayo'y nahahandang makitungali at magtiis n~g cahirapan dahil sa pagsasangalang n~g ating catuiran, maniuala cayong ang di dumidin~gig na iyan ang siyang una unang magcacaloob n~g calayaan, datapwa't samantalang hindi tinataglay n~g Bayang Filipinas ang casucatang lacás n~g loob upang isigaw na nacatunghay ang noo at hubad ang dibdib sa canyang carapatang magtamó n~g catuirang makisalamuha sa lahat at papagtibayin ang catuirang iyan n~g canyang sariling dugó; hangang ating nakikitang ang m~ga cababayan nati'y sa sariling calooba'y nagdaramdam n~g hiya at dinirin~gig ang atun~gal n~g tinig n~g masamang budhi na nagn~gin~gitn~git at tumutol na sa hayag ay ayaw umimic at nakikisang-ayon sa nagpapahirap upang cutyain ang pinasakitan at pinarurusahan, samantalang nananatili ang ating m~ga carugo sa tacsil na asal na walang ini-ibig cundi ang sariling cagalin~gan; ¿bakit sila'y bibigyang calayaan? Na sa sa camay man at wala n~g iba, sila'y magcacagayon din at marahil ay lalong sasama pa sa dati. ¿Anong cabuluhan n~g «Independencia» cung ang m~ga busabos n~gayon ay siyang kinabucasa'y magmamalupit? At walang salang sila'y mananampalasan n~ga, sapagca't umiibig sa catampalasanan ang sa catampalasana'y sumusunod Guinoong Simoun, samantalang hindi nahahanda ang ating Bayan, hangang tumutun~go sa pakikihamoc ang ating m~ga cababayan dahil lamang sa sila'y dinaya ó ipinagsumulong, na walang maliwanag na pagcakilala n~g canilang dapat na gawin, ay malulugso ang lalong pantas at mabuting balac, at mabuti pa n~ga namang mawacsi, sapagca't.... ¿ano't ibibigay ang panali ó pangapos sa nan~gin~gibig sa canya, cundi din lamang tunay na sinisinta? (Noli me tangere, m~ga dahong 13,14 at 15.) Ating panimbulanan ang canyang m~ga sinabi, patuluyang sampalatayanan na siyang macapaghahatid sa ating icaguiguinhawa, at sumandaling pacaisipn ang m~ga macabubuhay na pananalita na dapat itanim cailan man n~g mahinang puso at tutupin ang dibdib at itanong sa sarili: ¿Taglay na baga natin ang kinacailan~gang tapang n~g loob, upang biglang pacaualan ang pinagtitipunan n~g bucal at minimithi? ¿Kupás na caya na di muling sisilang ang calimitang mangyari na hindi na nacatutulong sa pagtatangol n~g caran~galan ay nacabibigat pa sa pagdamay sa m~ga mapagparusa n~g paglibac at pag-oyam sa ibinaban~gong catuiran? ¿Nalipol na caya dito sa atin ang lahi ni Iscariote at ni Galalon na nagpahamac sa cabalat sa pamag-itan n~g carimarimarim na paglililo? ¿Pusó caya'y tumitiboc n~g naaayos at di napapatlan~gan sumandasandali n~g m~ga ibang damdamin? ¿Ang caual caya ni Cain na pumatay n~g lamán n~g caniyang lamán at dugo n~g caniyang dugo sa udyoc n~g mapan~ganib na pananaghili, ay wala na caya rito? ¿May pagyayacap na cayang maaasahan, yayamang dapat sa isang hirap ó ginhawa tayo mamahay? ¿Hindi na caya naghahari sa calooban n~g marami sa atin ang malupit na asal na mapagaling lamang ang canyang sariling catawan ay hindi na inaalintana ang cahabaghabag na kinasasapitan n~g lupang kinakitaan n~g unang liwanag? ¿Naubos na caya sa sangcapuluang ito ang m~ga nagsisi-irog sa caalipnan, caya sa caalipna'y nagsisisuco? ¿May dugo pa cayang may dun~gis na catacsilan sa ating m~ga calahi? ¡Ah! ang canilang loob ay hindi matuturin~gan hangan sa di naipamamalas sa gawa, pagcat cung aking pakimatyagan baga man sa harapang ito ay nagcacatusac ang nakikipagdiwang sa mabunying Rizal, may man~gilan n~gilan ding binabayo ang dibdib sa matinding pag cagalit na hindi lamang maibulalas pagcat daig sila sa bilang ¡oh cay saclap na matalos! Sayang ang bayang humahanap n~g icalalaya cung sa bawa't pulutong ay may nasisin~git na palamara. (Palacpacan). ¿Hindi dapat pagtachan, sapagca't ang dakilang Jesús ay Dios n~g humirang n~g labing dalawa lamang na caniyang cacasamahin ay may nalahog na isang Judas, ¿gasino pa cayang hindi magcaroon n~g libo libo at lacsa lacsang namamayan? Tacpan ang panin~gin sa paglacad ay malaking camalian; gapusin ang camay, lalong cahiduaan at cung susian ang bibig sa paglalathala sa harap n~g may capangyarihan n~g ating lubos na cabihasnan at carapatán, ay isang bagay na hindi totoong catampatang pabayaan, sapagca't ang dilang nacacabit sa n~galan~gala ay tanda n~g pagcapahamac, pagca-alipusta sa pagcalubog n~g bayan, at cung walát na ang Bayan ay lansag-lansag na rin ang namamayan (Masigabong palacpacan). Hwag nawang magcaganito, n~guni ang sagabal n~g m~ga mapagpiguil ang siyang nacapagpapasindac at nacapagpapaudlot sa bawa't maguing bucal n~g loob ¡oh! sayang na buhay cung magcacaganitong man~gin~gilabot sa bantang sinun~galing, at cung tunay na namamayang may wagás na pag-ibig sa Bayang pinagcautan~gan n~g unang liwanag, ay macapag-wiwicang «minsan acong nabuhay ay «minsan naman acong mamatay sa harap n~g Bayan.» (Palacpacan.) N~gayo'y araw na calumbay-lumbay, araw na ipinagsaya n~g m~ga humatol na Ulupong at ang araw ding ito nang taóng isang libo, walong daa't siyam na pu't anim at sa bagong pamimitac, sa casilan~ganan n~g _Astrong_ tumatanglaw sa boong sangsinacpan, ang Bagumbayang itong ating kinaiipunan ay siyang naging sacsing tayo ay lalong inilucloc sa caran~galan, pagcat pinatay ang isang Rizal, hindi magtatagal at may sisipot pang dalawa, tatlo ó daan mang caloobang Rizal.--(Palacpacan at bravo.) Natulad n~ga ang umagang iyon sa culun~gan n~g mababan~gis na hayop na may mabibisang camandag ang look na itong n~gayo'y tanda rin n~g ating pagaalaala sa canya, siya'y naliliguid n~g m~ga artillerong buhat sa cuta n~g Santiago na inihatid dito, upang tuparin ang m~ga maling cahilin~gan at cahatulan, at pinanood n~g m~ga nag-gagandahang babaye na ang suot ay catulad ang m~ga pananamit n~g m~ga salaula n~g unang panahon sa Roma sa isang pagpipista sa Coliseo. (Palacpacan). ¡Oh lalong calupitan! sa biglang putoc n~g m~ga baril na pamatay ay sinabayan pa n~g hiyawang _viva_ at _bravo_ n~g m~ga caharap doon, n~g lumagpac na ang catawan n~g Bayani, at siya na yatang pinacadasal binyagang ipinailanglang sa lan~git. Nasunod ang pita, n~guni lalong ginhawa n~g matapos, sapagcat unti unti n~g sumilang ang maliwanag na tala n~g caginhawahan, siyang pagcahawi n~g pinid na itinabing sa ating m~ga mata at pagcawaldas n~g tanicalang iginapos. Ang panglao n~g umaga n~g taong iyon ay naging liwanag na mistula sa n~gayon, at cung ang canyang m~ga gawang magaling ay na sa sa puso nating lahat, asahang ang pagtatagumpay, hindi maglalaon at atin, atin, atin, atin. (Palacpacan). Si Rizal ang nag-ulat n~g m~ga catotohanan, si Rizal ang humarap sa lalong pinacapang-ulo n~g capuluan, si Rizal ang di nan~giming maghayag n~g canyang damdamin, si Rizal ang nagpakilala n~g matuwid na niyuyurakan at siya rin, si Rizal, si Rizal ang n~gayo'y nacacaharap, iyang kinainguitan n~g m~ga manlulupig. Hwag magugulantang m~ga capatid na nakikinig, dagdagan ang ating pagsisigla sa taón taón yayamang ang Norte América ma'y nalulugod din cung pinupuri ang bayaning nagligtas sa Bayan, sapagca't silá ma'y nagcaroon n~g isang Washington na ipinagdidiwang: ang culang lamang sa atin ay ang magcaroon naman n~g isang araw na caparis n~g canilang icaapat n~g Julio. ¡Oh cailan ca pa darating! (Palacpacan). Nakilala na ninyo ang m~ga catamisan n~g isang biyaya, caya huag magpabaya, papag-ibayuhin ang galac, huag ibaon sa limot ang caniyang m~ga habilin, siya'y huag hiualayan n~g papuri, yayamang ang dakilang Rizal na anac n~g Filipinas ang naguagayuay sa himpapawid n~g ating caligayahan. Dalan~ginan siya, pacamahalin, sambahin ang m~ga aral, masdan ang muchang iyan ni Rizal, iyang larawang Washington natin na tumuclas n~g sarisaring hiwaga na nacacubli sa mata n~g madla, na n~gayo'y hindi caila at kilala n~g calahatan. Sulong tayo, pagpisanpisan ang hiyaw na: «¡Mabuhay ang Filipinas!» ¡Mabuhay ang Norte América! ¡Mabuhay ang habilin ni Rizal! _Nasabi co na._ End of the Project Gutenberg EBook of Rizal sa Harap ng Bayan, by Pilar J. Lazaro Hipolito *** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK RIZAL SA HARAP NG BAYAN *** ***** This file should be named 18306-8.txt or 18306-8.zip ***** This and all associated files of various formats will be found in: http://www.gutenberg.org/1/8/3/0/18306/ Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino. Updated editions will replace the previous one--the old editions will be renamed. Creating the works from public domain print editions means that no one owns a United States copyright in these works, so the Foundation (and you!) can copy and distribute it in the United States without permission and without paying copyright royalties. Special rules, set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark. Project Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you charge for the eBooks, unless you receive specific permission. If you do not charge anything for copies of this eBook, complying with the rules is very easy. You may use this eBook for nearly any purpose such as creation of derivative works, reports, performances and research. They may be modified and printed and given away--you may do practically ANYTHING with public domain eBooks. Redistribution is subject to the trademark license, especially commercial redistribution. *** START: FULL LICENSE *** THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free distribution of electronic works, by using or distributing this work (or any other work associated in any way with the phrase "Project Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project Gutenberg-tm License (available with this file or online at http://gutenberg.org/license). Section 1. General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm electronic works 1.A. By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to and accept all the terms of this license and intellectual property (trademark/copyright) agreement. If you do not agree to abide by all the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession. If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8. 1.B. "Project Gutenberg" is a registered trademark. It may only be used on or associated in any way with an electronic work by people who agree to be bound by the terms of this agreement. There are a few things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works even without complying with the full terms of this agreement. See paragraph 1.C below. There are a lot of things you can do with Project Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic works. See paragraph 1.E below. 1.C. The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation" or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project Gutenberg-tm electronic works. Nearly all the individual works in the collection are in the public domain in the United States. If an individual work is in the public domain in the United States and you are located in the United States, we do not claim a right to prevent you from copying, distributing, performing, displaying or creating derivative works based on the work as long as all references to Project Gutenberg are removed. Of course, we hope that you will support the Project Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with the work. You can easily comply with the terms of this agreement by keeping this work in the same format with its attached full Project Gutenberg-tm License when you share it without charge with others. 1.D. The copyright laws of the place where you are located also govern what you can do with this work. Copyright laws in most countries are in a constant state of change. If you are outside the United States, check the laws of your country in addition to the terms of this agreement before downloading, copying, displaying, performing, distributing or creating derivative works based on this work or any other Project Gutenberg-tm work. The Foundation makes no representations concerning the copyright status of any work in any country outside the United States. 1.E. Unless you have removed all references to Project Gutenberg: 1.E.1. The following sentence, with active links to, or other immediate access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed, copied or distributed: This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org 1.E.2. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived from the public domain (does not contain a notice indicating that it is posted with permission of the copyright holder), the work can be copied and distributed to anyone in the United States without paying any fees or charges. If you are redistributing or providing access to a work with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or 1.E.9. 1.E.3. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted with the permission of the copyright holder, your use and distribution must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional terms imposed by the copyright holder. Additional terms will be linked to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the permission of the copyright holder found at the beginning of this work. 1.E.4. Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm License terms from this work, or any files containing a part of this work or any other work associated with Project Gutenberg-tm. 1.E.5. Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this electronic work, or any part of this electronic work, without prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with active links or immediate access to the full terms of the Project Gutenberg-tm License. 1.E.6. You may convert to and distribute this work in any binary, compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any word processing or hypertext form. However, if you provide access to or distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than "Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.org), you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other form. Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm License as specified in paragraph 1.E.1. 1.E.7. Do not charge a fee for access to, viewing, displaying, performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9. 1.E.8. You may charge a reasonable fee for copies of or providing access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided that - You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method you already use to calculate your applicable taxes. The fee is owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he has agreed to donate royalties under this paragraph to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation. Royalty payments must be paid within 60 days following each date on which you prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax returns. Royalty payments should be clearly marked as such and sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the address specified in Section 4, "Information about donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation." - You provide a full refund of any money paid by a user who notifies you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm License. You must require such a user to return or destroy all copies of the works possessed in a physical medium and discontinue all use of and all access to other copies of Project Gutenberg-tm works. - You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the electronic work is discovered and reported to you within 90 days of receipt of the work. - You comply with all other terms of this agreement for free distribution of Project Gutenberg-tm works. 1.E.9. If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm electronic work or group of works on different terms than are set forth in this agreement, you must obtain permission in writing from both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark. Contact the Foundation as set forth in Section 3 below. 1.F. 1.F.1. Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread public domain works in creating the Project Gutenberg-tm collection. Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic works, and the medium on which they may be stored, may contain "Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by your equipment. 1.F.2. LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all liability to you for damages, costs and expenses, including legal fees. YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE PROVIDED IN PARAGRAPH F3. YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH DAMAGE. 1.F.3. LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a written explanation to the person you received the work from. If you received the work on a physical medium, you must return the medium with your written explanation. The person or entity that provided you with the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a refund. If you received the work electronically, the person or entity providing it to you may choose to give you a second opportunity to receive the work electronically in lieu of a refund. If the second copy is also defective, you may demand a refund in writing without further opportunities to fix the problem. 1.F.4. Except for the limited right of replacement or refund set forth in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS' WITH NO OTHER WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE. 1.F.5. Some states do not allow disclaimers of certain implied warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages. If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by the applicable state law. The invalidity or unenforceability of any provision of this agreement shall not void the remaining provisions. 1.F.6. INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance with this agreement, and any volunteers associated with the production, promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works, harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees, that arise directly or indirectly from any of the following which you do or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause. Section 2. Information about the Mission of Project Gutenberg-tm Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of electronic works in formats readable by the widest variety of computers including obsolete, old, middle-aged and new computers. It exists because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from people in all walks of life. Volunteers and financial support to provide volunteers with the assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will remain freely available for generations to come. In 2001, the Project Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations. To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4 and the Foundation web page at http://www.pglaf.org. Section 3. Information about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit 501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal Revenue Service. The Foundation's EIN or federal tax identification number is 64-6221541. Its 501(c)(3) letter is posted at http://pglaf.org/fundraising. Contributions to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent permitted by U.S. federal laws and your state's laws. The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S. Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered throughout numerous locations. Its business office is located at 809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email business@pglaf.org. Email contact links and up to date contact information can be found at the Foundation's web site and official page at http://pglaf.org For additional contact information: Dr. Gregory B. Newby Chief Executive and Director gbnewby@pglaf.org Section 4. Information about Donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide spread public support and donations to carry out its mission of increasing the number of public domain and licensed works that can be freely distributed in machine readable form accessible by the widest array of equipment including outdated equipment. Many small donations ($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt status with the IRS. The Foundation is committed to complying with the laws regulating charities and charitable donations in all 50 states of the United States. Compliance requirements are not uniform and it takes a considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up with these requirements. We do not solicit donations in locations where we have not received written confirmation of compliance. To SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any particular state visit http://pglaf.org While we cannot and do not solicit contributions from states where we have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition against accepting unsolicited donations from donors in such states who approach us with offers to donate. International donations are gratefully accepted, but we cannot make any statements concerning tax treatment of donations received from outside the United States. U.S. laws alone swamp our small staff. Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation methods and addresses. Donations are accepted in a number of other ways including checks, online payments and credit card donations. To donate, please visit: http://pglaf.org/donate Section 5. General Information About Project Gutenberg-tm electronic works. Professor Michael S. Hart is the originator of the Project Gutenberg-tm concept of a library of electronic works that could be freely shared with anyone. For thirty years, he produced and distributed Project Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support. Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S. unless a copyright notice is included. Thus, we do not necessarily keep eBooks in compliance with any particular paper edition. Most people start at our Web site which has the main PG search facility: http://www.gutenberg.org This Web site includes information about Project Gutenberg-tm, including how to make donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks.