The Project Gutenberg EBook of Florante at Laura, by Francisco Baltazar This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org Title: Florante at Laura Author: Francisco Baltazar Release Date: May 17, 2005 [EBook #15845] Language: Tagalog Character set encoding: ISO-8859-1 *** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK FLORANTE AT LAURA *** Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Special thanks to Matet Villanueva, Pilar Somoza and Ateneo Rizal Library-Filipiniana Section.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g. Mistakes in the original published work has been retained in this edition.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit. Hinayaang manatili sa edisyong ito ang mga pagkakamali sa orihinal na pagkakalimbag.]
Nang kalahatian ng 1906, na lumabas sa larangan ng Panitikang Tagalog ang mahalagang aklat ng "Kun sino ang kumatha ng Florante", ni G. Hermenegildo Cruz, ay sinasabing may mga 106,000 nang salin ng "Florante at Laura" ang naipalilimbag ng iba't iba; at sapul noon hangga ngayon ay marami na ring taón ang nagsipagdaan, at sa loob ng panahong iyan—lalo na nga't kung aalagataing siyang panahon ng kaunlaran ng Panitikang Tagalog at ng kasiglahan sa pagbabasá at ng pag-uumalab na lalo ng pagmamahal sa ating walang kahambing na Makatang Francisco Baltazar—ay walang alinlangang sa datihang bilang ng 106,000 ay di na rin kakaunti at di na iilang libo ang naparagdag pa.
At sa harap ng kasiglahang iyan ay mapaghahalatang nagkaroon din ng ibayong sigla ang nagsisipagpalimbag. Isa't isa ay gumagawa ng kanikanyang kaya, upang mapalitaw na kalugodlugod ang "Florante at Laura". Ngunit sa likod ng kasiglahang iyan at kapuripuring pagpupunyagi ay kasakitsakit sabihing wari'y naipagwawalang bahala kung minsan ng ilan yaong tagubiling:
"Di co hinihinging pacamahalin mo tauana,t, dustain ang abang tula co gauin ang ibigui,t, alpa,i, na sa iyo ay houag mo lamang baguhin ang verso".
Naipagwawalang bahala? Walang alinlangan. Pinatutunayan ng mga pangyayari. Nguni't maaari namang paniwalaang hindi sa atas ng masamang hangad na "paalatin ang matatamis na tula" kundi bagkus pa ngang sa magandang nais, na lalo pang mapatamis. Lalong mapasarap. Lalong mapabuti. Lalong maitumpak. Gayon man, at maging gaano man kabanalang ganyang nais, ay di rin maipagkakailang tunay na pagwawalang bahala sa tagubilin at tunay na ipinagkakamit ng malubhang kasalanan ni Sigesmundong dinadaliri ng dakilang Makata.
Kailangan ngang kung ano ang akda ng dakilang Makata ay siyang papanatilihing buhay magpakailan man, walang munti mang pagbabago, sa maging labis man o kulang, kahi't mali mang nakikita. Ni isang titik, ni isang kuwit—maliban na nga lamang kung hindi maiwasan dahil sa makapangyarihang atas ng panibagong alituntunin sa pagsulat.
Sinasabing ni saan man ay wala na ngayong matatagpuang isa mang salin ng "Floranteng" limbag noong buhay pa si Balagtas, at may paniwalang ang iniingatan ni Dr. Pardo de Tavera ay siyang matanda sa lahat nang nakatago ngayon; nguni't sa kagandahang palad ay sumakamay namin ang isang salin ng lumabas noong 1861, linimbag sa papel Tsina ng "Imprenta de Ramirez y Giraudier", at sa kanyang takip na papel katalan—takip na ilinagay lamang ng maingat na may-ari—ay nakatitik ito: "Es propiedad de Don Jose Dioniso de Mendoza". Si Balagtas ay namatay noong ika 20 ng Pebrero ng 1862, sa gulang na magpipitongpu't apat na taón. Kaya, maliwanag, na buhay pa si Balagtas ng limbagin nina Ramirez ang "Floranteng" sumakamay namin, at matanda pang di hamak sa iniingatan ni Dr. Tavera, sapagka't ang kanya ay limbag lamang noong 1870 ng "Imprenta de B. Gonzales Mora" sa Binundok. Siyam na taón nga ang katandaan dito. At kung aalagataing buháy pa nga si Balagtas noong 1861 ay walang alinlangang dahil sa pagpipitagan man lamang sa noon pa ma'y itinuturing nang "Hari ng mga Manunula", ang sumakamay namin ay di pa "napanghihimasukan ng kamay ni Sigesmundo",
Ang saling iyan ay wala na sa amin, pagka't hindi amin. Naipagparanya lamang sa amin—dahil sa paglabas noong 1906 ng "kun sino ang kumatha ng Florante"—ng noo'y nag-aaral pa sa "Escuela de Derecho" at ngayo'y abogado Alfonso Mendoza, masugid na demokrata; at sa likod ng ilang buwang pag-iingat at pagsipi namin ay pinagpilitang bawiin ng nagpahiram, dahil sa minamahal daw mabutí ng kanyang ama, palibhasa'y sa mga nuno pa nila minana. Isinauli rin nga namin, sa likod ng kung makailang pagwawalawalaan.
At kamakailang maitanong namin uli sa abogado Mendoza ay ganito ang isinagot:
—Aywan bagá kung saan na naroon. Tila sira na ang mga unang mukha.
Kaya, nang paroonan ni Epifanio ay aywan kung nakuha niya o hindi....
Si G. Epifanio de los Santos—ang dalubhasang istoriograpo, ang guro, ang akademiko, ang sumakastila ng "Florante"—ay siyang tinutukoy. Kami ang sa kanya ay nakapagpahiwatig, upang mapawi ang maling paniwala, na "wala na ngayong Floranteng limbag nang buháy pa si Baltazar." At dahil diyan ay walang salang nagdumaling paroon, upang makuha—sa paano man—ang mahalagang hiyas ng Literaturang Tagalog na pinakamamahal niya. Sakaling nakuha niya, kahi't na nga sira-sira, ay dapat ipagpasalamat, sapagka't parang napalagay sa "kabang may pitong susi"; nguni't kung hindi, at kung natuluyan na ngang nasira, ay tunay na kahinahinayang.
Kahinahinayang! Tunay na kahinahinayang!...
Sakaling nasira na nga.
Nguni't gayon man ay may sukat na rin tayong dapat ikaaliw; ang siping naingatan namin. Pagkakapag-ingat, na maituturing nating isa na ring tunay na kapalaran, at siping walang munti mang pagbabago, palibhasa'y pinag-ingatan naming ilagay pati ng kanyang maliliwanag na kamalian sa limbagan at di dinagdagan, ni kinulangan, ng kahi't na ano.
At ang siping iyang sa huli'y linagyan namin ng mga paliwanag ay siyang ngayo'y inihahandog namin sa tanang magiliwin at mapagmahal sa walang kamatayang "Florante at Laura".
Maipaliliwanag naming buháy pa ang dakilang Makata ay nasasaulo nang mabuti ng kanyang mga anak ang "Florante at Laura". Paanong di magkakagayon ay sa pati ng iba't iba pa niyang akda'y nasasaulo rin? Ang "Florante" pa nga ba ang di mapapakintal sa kanilang ulo? At ang "Floranteng" nalalaman nila at mapahangga ngayo'y sariwa pa sa isipan ay isang saling ayon din sa kanilang ama ay siya niyang tunay na gawa. Dito natin mapagkukuro kung bakit walang kamalian sa mga huling labas ng "Florante", na di ang di mapupuna nila.
Kaya, nang ang ilang kabaguhang napuna namin, dahil sa masusing pagsusumag sa "Kun sino ..." at sa siping nasa amin ay maipakitang isaisa kay G. Victor Baltazar—anak na lalaki ng Makata at siyang pinakamatanda sa tatlong nabubuhay pa hangga ngayon (Victor, Isabel at Silveria), na laging nasa amin, tumitigil ng buwanan at lingguhan, dahil sa kalimitan nilang magpagamot dito sa Maynila, gayon din ang dalawang apong dalaga ni Balagtas, na sina Pepita at Vicenta[I.], anak ng Victor[II.]—; ang mga kabaguhang nadaliri ay pinatunayang "iba nga at di siyang nasa matandang nasasaulo nila". Nguni't, hindi naman napagpakuan namin ng tingin ang lahat, kundi ang madla lamang lalong mahalaga. Ni ang mga kamalian man ng pagkakalimbag sa siping nasa aming kamay ay di rin napag-usapan.
At ang lahat nang kaibhang iyan at kamalian ay siyang naging sanhi ng mga paliwanag namin sa dakong huli.
CARLOS RONQUILLO
Maynila, 10 Septiembre 1921.
[I.] Namatay noong ika 21 Sept. 1921.
[II.] Namatay noong ika 12 Dis. 1926.
-Alberta Balmaseda, asawa ni Victor, namatay noong Marso, 1921.
Sa dakong huli ay may mga paliwanag na makikita, na aming ginawa, bukod pa sa mga sariling paliwanag ni Baltazar sa kanyang akdang ito. Lahat nang may bilang na ganito ay siyang amin, na pinagsunodsunod sa dakong huli. At ang paliwanag sa bilang na ito (1) ay makikita sa unahan ng lahat nang paliwanag namin.
Cong pag saulang cong basahin sa isip[2]
ang nan~gacaraang arao n~g pag-ibig,
may mahahaguilap cayang natititic
liban na cay Celiang namugad sa dibdib?
Yaong Celiang laguing pinan~gan~ganiban
baca macalimot sa pag-iibigan;
ang iquinalubog niyaring capalaran
sa lubhang malalim na caralitaan.
Macaligtaang co cayang di basahin[3]
nagdaáng panahón n~g suyuan namin?
caniyang pagsintáng guinugol sa aquin
at pinuhunan cong pagod at hilahil?
Lumipas ang arao na lubhang matamis
at ualáng nátira condi ang pag-ibig[4],
tapat na pag suyong lalagui sa dibdib
hanggang sa libin~gan bangcay co,i, maidlip.
N~gayong namamanglao sa pan~gon~golila
ang guinagaua cong pag-alio sa dusa
nag daang panaho,i, inaala-ala,
sa iyong laraua,i, ninitang guinhaua.
Sa larauang guhit n~g sa sintang pincel
cusang ilinimbag sa puso,t, panimdim,[5]
nag-íisang sanláng naiuan sa aquin
at di mananacao magpahangang libing[6].
Ang caloloua co,i, cusang dumadalao
sa lansan~ga,t, náyong iyóng niyapacan
sa ilog Beata,t, Hilom na mababao
yaring aquing puso,i, laguing lumiligao.
Di mámacailang mupo ang panimdin
sa puno n~g mangang náraanan natin,
sa nagbiting bun~gang ibig mong pitasín
ang ulilang sinta,i, aquing ináaliu.
Ang catauhang co,i, cusang nagtatalic
sa buntong-hinin~ga nang icao,i, may saquit,
himutoc co niyao,i, inaaring Lan~git
Paraiso namán ang may tulong silíd.
Liniligauan co ang iyong larauan
sa Macating ilog, na quinalagui-an[7]
binabacás co rin sa masayáng doon~gan,
yapac n~g paá mo sa batóng tuntun~gan.
Nag babalíc mandi,t, parang hinahanp
dito ang panahóng masayáng lumipas
na cong maliligo,i, sa tubig áagap,
nang hindi abutin n~g tabsing sa dagat.
Parang naririn~gig ang laguî mong uica
"tatlong arao na di nag tatanao tama"
at sinasagot co ng sabing may touâ
sa isa catauo,i, marami ang handa.
Ano pan~ga,t, ualang dî nasisiyasat,
ang pagiisipco sa touang cumupas
sa cagugunitâ, luha,i, lalagaslás
sabay ang taghoy cong "¡ó, nasauing palad!"
Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib?
ang suyuan nami,i, baquít dí lumauig?
nahan ang panahóng isá niyang titig
ang siyang búhay co, caloloua,t, Lan~git?
Baquit bagá niyaóng cami mag hiualay
ay dîpa naquitil yaring abáng búhay?
con gunitain ca,i, aquing camatayan[8],
sa puso co Celia,i, dica mapaparam[9].
Itong dî matiis na pagdaralitâ
nang dahil sa iyo, ó nalayóng touâ,
ang siyang umacay na aco,i, tumulâ
auitin ang búhay nang isang na abâ.
Celia,i, talastás co,t, malabis na umid,
mangmáng ang Musa co,t, malumbay ang tinig
di quinabahag-yâ cong hindí malait
palaring dinguin mo ng tainga,t, isíp.
Ito,i, unang bucal nang bait cong cutad
na inihahandóg sa mahal mong yapac[10]
tangapin mo nauâ cahit ualang lasáp
nagbúhat sa puso nang lingcód na tapát.
Cong casadlacán man ng pula,t, pag ayop
tubo co,i, daquila sa puhunang pagod,
cong binabasa mo,i, isá mang himutóc
ay alalahanin yaríng nag hahandóg.
Masasayáng Ninfas sa laua nang Bay,
Sirenas, ang tinig ay cauili-uili
cayó n~gayo,i, siyang pinipintacasi
n~g lubháng mapanglao na Musa cong imbi.
Ahon sa dalata,t, pangpang na nag liguid
tunuhan nang lira yaring abáng auit
na nag sasalitáng búhay ma,i, mapatid,
tapát na pag sinta,i, han~gad na lumauig[11].
Icao na bulaclac niyaring dili-dili,
Celiang saguisag mo,i, ang M. A. R.
sa Virgeng mag-Iná,i, ipamintacasi
ang tapát mong lingcód na si F. B.
Salamat sa iyo, ó nánasang írog,
cong halagahán mo itóng aquing pagod,
ang tulâ ma,i, bucál nang bait na capós,
paquiquinaban~gan nang ibig tumaróc.
Cong sa bigláng tin~gi,i, bubót at masacláp
palibhasa,i, hilao at mura ang balát
ngunit cung namnamín ang sa lamáng lasáp
masasarapán din ang babasang pantás.
Di co hinihin~ging pacamahalín mo,
tauana,t, dustaín ang abáng tulâ co
gauin ang ibigui,t, alpa,i, na sa iyó
ay houag mo lamang baguhin ang verso.
Cong sa pagbasa mo,i, may tulang malabo
bago mo hatulang catcatin at licô[12]
pasuriin muna ang luasa,t, hulô[13]
at maquiquilalang malinao at uastô.
Ang may tandang letra alin mang talata
dimo mauatasa,t, malalim na uicà
ang mata,i, itin~gin sa dacong ibabâ[14]
boong cahuluga,i, mapag uunauà.
Hangán dito acó ó nánasang pantás,[15]
sa cay Sigesmundo,i, houag ding mátulad
sa gayóng catamis uicang masasaráp
ay sa cababago nang tula,i, umalat.
(Sa cursiva o bastardilla)
Sa isang madilím gúbat na mapanglao[A]
dauag na matinic, ay ualáng pag-itan,
halos naghihirap ang cay Febong silang[B]
dumalao sa loob na lubhang masucal.
Malalaquing cahoy ang inihahandóg
pauang dalamhati, cahapisa,t, lungcót
huni pa n~g ibon, ay nacalulunos
sa lalong matimpi,t, nagsasayáng loob.
Tanáng mga baguing, na namimilipit
sa sangá ng cahoy, ay balót n~g tinic
may bulo ang bun~ga,t, nagbibigay sáquit
sa cangino pa máng sumagi,t, málapit.
Ang m~ga bulaclac n~g nag tayong cahoy
pinaca-pamuting nag ungós sa dahon
pauang culay lucsa, at naquiqui ayon
sa nacaliliong masangsang na amoy.
Caramiha,i, Ciprés at Higuerang cutád,[C]
na ang lilim niyaón ay nacasisindác
ito,i, ualang bun~ga,t, daho,i, malalapad,
na nacadidilím sa loob ng gubat.
Ang m~ga hayop pang dito,i, gumagalâ
caramiha,i, Sierpe,t, Baselisco,i, mad-la,
Hiena,t, Tigreng ganid nanag sisi sila,
ng búhay n~g tauo,t, daiguíng capoua.
Ito,i, gúbat manding sa pinto,i, malapit
n~g Avernong[D] Reino ni Plutong masun~git[E]
ang nasasacupang lupa,i, dinidilig[16]
n~g ilog Cocitong camandag ang túbig.[F]
Sa may guitnâ nito mapanglao na gubat
may punong Higuerang daho,i, culay pupás,
dito nagagapos ang cahabag habag
isang pinag usig n~g masamang palad.
Bagong tauong basal, na ang anyo,t, tindig[17]
cahit natatalì camay, paá,t, liig
cundî si Narciso,i,[G] tunay na Adonis[H]
muc-ha,i, sumisilang sa guitnâ n~g sáquit.
Maquinis ang balát at anaqui buroc
pilicmata,t, quilay mistulang balantók
bagong sapóng guinto ang cúlay n~g buhóc
sangcáp n~g cataua,i, pauang magca-ayos.
Dan~gan doo,i, ualang Oreadang Ninfas,[I]
gúbat na Palacio n~g masidhing Harpías,[J]
nangaaua disi,t, na acay lumiyag
sa himaláng tipon n~g caricta,t, hirap.
Ang abáng oyamin n~g dálita,t, sáquit
ang dalauang mata,i, bucál ang caparis,
sa lúhang nanatác, at tinan~gis-tan~gis
ganito,i, damdamin n~g may auang dibdib.
Mahiganting lan~git, ban~gis mo,i, nasaan?
n~gayo,i, naniniig sa pagcá-gulaylay
bago,i, ang bandilà n~g lalong casam-an[18]
sa Reinong Albania,i, iniuauagayuay?
Sa loob at labás, n~g bayan cong sauî
caliluha,i, siyang nangyayaring harî
cagalin~ga,t, bait ay nalulugamî
ininís sa hucay nang dusa,t, pighatî.
Ang magandang asal ay ipinupucól
sa láot n~g dagat n~g cut-ya,t, lingatong
balang magagalíng ay ibinabaón
at inalilibing na ualáng cabaong.
N~guni, ay ang lilo,t, masasamang loób
sa trono n~g puri ay inalulucloc
at sa balang sucáb na may asal hayop
maban~gong incienso ang isinusuob.
Caliluha,t, sama ang úlo,i, nagtayô
at ang cabaita,i, quimi,t, nacayucô,
santong catouira,i, lugamì at hapô,
ang lúha na lamang ang pinatutulô.
At ang balang bibíg na binubucalán
nang sabing magalíng at catutuhanan
agád binibiác at sinisican~gan
nang cáliz n~g lalong dustáng camatayan.
¡O tacsíl na pita sa yama,t, mataás![19]
¡o hangad sa puring hanging lumilipas!
icao ang dahilan n~g casamáng lahat[20]
at niyaring nasapit na cahabághabág.[21]
Sa Corona dahil n~g haring Linceo
at sa cayamanan n~g Duqueng Amá co,
ang ipinangahás n~g Conde Adolfo
sabugan n~g sama ang Albaniang[K] Reino.
Ang lahát nang itó, ma-auaing lan~git[22]
iyóng tinutunghá,i, anó,t, natitiis?[23]
mula ca n~g boong catouira,t, bait
pinapayagan mong ilubóg n~g lupít?
Macapangyarihang cánan mo,i, iquilos,
papamilansiquín ang cáliz n~g poot,
sa Reinong Albania,i, cúsang ibulusoc
ang iyóng higantí sa masamáng loob.
Baquit calan~gita,i, bingí ca sa aquin
ang tapat cong luhog ay hindi mo dingín?
dí yata,t, sa isang alipusta,t, ilíng
sampong tain~ga mo,i, ipinan~gun~gulíng?
Datapua,t, sino ang tataróc caya
sa mahál mong lihim Dios na daquilà?
ualáng mangyayari sa balát n~g lupà
dì may cagalin~gang iyóng ninanásà.
¡Ay dî saán n~gayón acó man~gan~gapit!
¡saán ipupucól ang tinangis-tangis
cong ayao na n~gayong din~giguin ng Lan~git[24]
ang sigao n~g aquing malumbay na voses![25]
Cong siya mong ibig na aco,i, magdusa
Lan~git na mataás aquing mababata
iságì mo lamang sa púso ni Laura
aco,i, minsan minsang mapag ala-ala.
At dito sa laot n~g dusa,t, hinagpis,
malauac na luhang aquing tinatauid
gunitâ ni Laura sa naabáng ibig
siya co na lamang ligaya sa dibdib.
Munting gunam-gunam n~g sintá co,t, mutyâ
n~g dahil sa aqui,i, daquilâ cong touâ,
higuít na malaquíng hírap at dalita
parusa ng táuong lilo,t, ualang aua.
Sa pagka gapus co,i, cong guni-gunihín
malamig nang bangcay acong nahihimbíng[26]
at tinatan~gisan nang sula co,t, guiliu,
ang pagca-búhay co,i, ualang hangá mandin.
Cong apuhapin co sa sariling isip
ang suyúan namin nang pili cong ibig,
ang pag luhâ niyá cong aco,i, may hapis
naguiguing ligaya yaring madláng sáquit.
¡Ngunì sa abá co! ¡sauing capalaran!
anópang halagá nang gayóng suyúan
cun ang sin-ibig co,i, sa catahimican
ay humihilig na sa ibáng candun~gan?
Sa sinapupunan nang Conde Adolfo
aquing natatanáo si Laurang sintá co,
camataya,i, nahan ang dating ban~gis mo?
nang díco damdamín ang hirap na itó.
Dito hinimatáy sa pag hihinagpís
sumúcò ang püsò sa dahás nang sáquit,
ulo,i, nalun~gay-n~gay, lúhà,i, bumalisbís,
quinagagapusang cahoy ay nadilíg.
Mag mulâ sa yapac hangang sa ulunán
nalimbág ang ban~gís nang capighatían,
at ang panibugho,i, gumamit nang asal
nang lalong marahás lilong camatayan.
Ang cahima,t, sinong hindî maramdamin
cong ito,i, maquita,i, mag mamahabáguin,
matipid na lúhà ay pa-aagusin
ang nagparusa ma,i, pilit hahapisin.
Súcat na ang tingnàn ang lugaming anyo
nitong sa dálita,i, hindi macaquibô
aacaing bigláng umiyác ang púsô
cong ualâ nang lúhang sa mata,i, itúlô.
Ga-ano ang áuang bubugsô sa dibdib
nang may caramdamang ma anyóng tumitig
cun ang panambita,t, daing ay marin~gig
nang mahimasmasan ang tipon nang sáquit?
Halos boong gúbat ay na sa sabúgan
nang ina-ing-aing na lubháng malumbáy[27]
na inu-ulit pa at isinisigao
sagót sa malayò niyaóng alin~gao-n~gao,
¡Ay Laurang poo,i,! baquit isinúyò
sa iba ang sintang sa aqui pan~gacò
at pinag liluhan ang tapat na púsó
pinang-gugulan mo nang lúhang tumuló?
Dî sinumpa-án mo sa haráp nang lan~git
na dî maglililo sa aquing pagibig?
ipinabigay co namán yaring dibdib[28]
uala sa gunitâ itóng masasapit.
Catiualà aco,t, ang iyòng carictán
capilas nang Lan~git anaqui matibay,
tapát ang púsò mo,t, dî nagunamgunam
na ang pag lililo,i, na sa cagandahan.
Hindî co acalang iyóng sa-sayan~gin
maraming lúhà mong guinugol sa aquin
taguring madalás na acó ang guiliu,
muc-hâ co ang lunas sa madláng hilahil.
Di cong acó Poo,i, utusang mang-gúbat
nang Hari mong Amá sa alín man Ciudad
cong guinagauá mo ang aquing saguisag
dalauá mong matá,i, nanalong nang perlas?
Ang aquing plumage cung itinatalî
nang parang corales na iyóng dalirî
buntóng hihin~gá mo,i, naquiqui-ugalî
sa quilos nang guintóng ipinananahî.
Macailan Laurang sa aqui,i, iabot,
basâ pa nang lúhà bandang isusuut,
ibinibigay mo ay nag hihimutóc
tacot masugatan sa paquiquihamoc.
Baluti,t, coleto,i, dî mo papayagan
madampi,t, malapat sa aquing catao-an
cundî tingnan muna,t, bacâ may calauang
ay nan~gan~ganib cang damit co,i, marumhán.
Sinisiyasat mo ang tibay, at quintáb
na cong sayaran man nang tagá,i, dumulás
at cong malayò mang iyóng minamalas
sa guitnâ nang hokbo,i, makilalang agád.
Pahihiasan mo ang aquing turbante
nang perlas topasio,t, maningníng na rubé,
bucód ang magalao na batóng diamante
púnô nang n~galan mong isang letrang L.
Hangang aco,i, uala,t, naquiquipag-hámoc
nang aapuhap ca nang pang aliu loob;
manalo man aco,i, cun bagong nanasoc
naquiquita mo na,i, may dalá pang tácot.
Boong pan~ganib mo,i, bacâ nagca sugat
di maniniualà cundi masiasat
at cung magcagurlís nang muntî sa balát
hinuhugasan mo nang lúhang nanatác.
Cung aco,i, mayroong cahapisang muntî
tatanun~gin moná cun anó ang sanhî,
hangang di malining ay idinarampî
sa mga muc-ha co, ang rube mong lábî.
Hindî ca tutugot cundî matalastás,
cacapitan monang mag bigla nang lúnas,
dadalhin sa jardi,t, doon ihahanap,
nang ica-aaliu, sa mga bulaclác.
Iyong pipitasín ang lalong mariquít
dini sa li-ig co,i, cúsang isasabit
tuhog na bulaclac sadyáng saglit-saglit,
pag-uupandín mong lumbay co,i, mapacnít.
At cun ang hapis co,i, hindî masauatâ
sa pilic-matá mo,i, dadáloy ang lúhâ
na pasaán n~gayón ang gayóng arugâ
sa dalá cong sáquit ay di i-apulâ?
Halina Laura,t, aquing cailangan
n~gayon, ang lin~gap mo nang naunang arao,
n~gayón hinihin~gî ang iyong pag-damay;
ang abáng sintá mo,i, na sa camatayan.
At n~gayóng malaqui ang aquing dálitâ,
ay dî humahanap nang maraming lúhâ,
sucat ang capatác na maca-apulâ
cun sa may pag sintang púsò mo,i, mag mulâ.
Catao-ang co,i, n~gayón siyasatin, ibig,
tigní ang súgat cong dí gauâ nang cáliz
hugasan ang dugóng nanálong sa guitguít
nang camay co, paa,t, natataling li-ig.
Halina, irog co,t, ang damít co,i, tingnán,
ang hindî mo ibig dampioháng calauang
calaguín ang lubid, at iyong bihisan,
matinding disa co,i, nang gumaán-gaán.
Ang m~ga matá mo,i, cun iyóng ititig
dini sa anyô cong sadlacan nang sáquit
upanding mapiguil ang tacóng mabilís
niyaring abáng búhay sa icapapatíd.
Uala na Laura,t, icao nan~ga lamang
ang macalulunas niyaring cahirapan;
damhín nang camay mo ang aquing catauan,
at bangcay man aco,i, mulíng mabúbuhay!
N~guní ¡sa abáco! ¡ay sa laquing hirap!
ualâ na si Laura,i, laquing tinatauag!
napalayo-layo,t, di na lumiliyag,
ipinag cánolò ang sintá cong tapát.
Sa ibang candun~ga,i, ipinagbiyayà
ang púsong aquin na, at aco,i, dinayá
boóng pag-ibig co,i, ipinan~ganyaya
linimot ang sintá,t, sinayang ang luhá.
Alin pa ang hirap na dî na sa aquin?
may camatayan pang dîco dadamdamín?
ulila sa Amá,t, sa Ináng nag-angquin,
ualang kaibiga,t, linimot ng guiliu.
Dusa sa puri cong cúsang siniphayò,
palasong may lasong natiric sa púsò;
habág sa Amá co,i, túnod na tumimo;
aco,i, sinusunog niyaring panibughò.
Ito,i, siyang una sa lahat n~g hirap,
pag dayà ni Laura ang cumacamandág
dini sa búhay co,i, siyang magsa-sadlac
sa lingin~gang la-án ng masamáng palad.
O conde Adolfo,i, ilinapat mo man
sa aquin ang hirap n~g sangsinucuban,
ang caban~gisan mo,i, ipinasalamatan,
ang púsò ni Laura,i, cong hindî inagao.
Dito nag-himutóc ng casindac-sindác
na umaalin~gao-n~gao sa loob n~g gúbat
tinangay ang diua,t, caramdamang hauac
n~g buntóng hinin~ga,t, lúhang lumagaslás.
Sa púno n~g cahoy ay napa-yucayoc,
ang li-ig ay supil n~g lúbid na gapos,
bangcay na mistula,t, ang culay na buroc
n~g caniyang muc-ha,i, naguing puting lubós.
Nagcataón siyáng pagdatíng sa gúbat
n~g isang guerrerong bayani ang ticas,
putong na turbante, ay calin~gas-lin~gas,
pananamit moro sa Persiang Ciudad[L]
Piniguil ang lacad, at nagtanao-tano,
anaqui ninita ng pag-pahingahán
di caquinsa-guinsa,i, ipinagtapunan
ang pica,t, adarga,t, nagdaóp ng camay.
Sacá tumin~galá,t, mata,i, itiniric
sa bubóng ng cahoy na taquip sa Lan~git,
estátua manding nacatayo,t, umíd,
ang buntóng hinin~gá niya,i, ualang patid.
Nang magdamdam n~gauit sa pagayóng anyò,
sa punó n~g isang cahoy ay umupô
nag-uicang "ó palad" sabay ang pagtulò,
sa matá, ng lúhang anaqui,i, palasò.
Olo,i, ipinatong sa caliuang camay
at sacá tinutop, ang noó, ng canan,
anaqui mayroong guinugunam-gunam
isang mahalagang nalimutang bagay.
Malao,i, humilig nag ualang bahalâ
dirin cumacati ang batis ng lúha,
sa madláng himutoc, ay casalamuhá
ang uicang "Flerida,i, tapus na ang touá".
Sa balang sandalî ay sinasabugan
yaóng boóng gúbat n~g maraming ¡ay!
naquiquituno sa huning mapanglao
n~g pang-gabing ibon doó,i, nagtatahán.[M]
Mapamaya-maya,i, nag ban~gong nagulat,
tinangnán ang pica,t, sampo n~g calasag
nalimbag sa muc-hâ ang ban~gís n~g Furias[N]
"dî co itutulot" ang ipinahayág.
"At cung cay Flerida,i, ibá ang umagao
at dî ang amá cong dapat na igalang,
hindî co masabi cun ang picang tan~gan
bubugá n~g libo,t, lacsáng camatayan.
Bababa si Marte mulâ sa itaás[O]
sa ca-ilalima,i, áahon nang Parcas,[P]
boong galit nila, ay ibubulalàs
yayacaguin niyaring camáy cong marahàs.
Sa cucó nang lilo,i aquing àagauin
ang cabiyác niyaring calolouang angquín,
liban na cay Amá, ang sino ma,t, alin
ay dî igagalang nang tangang patalím.
¡O pag sintang labis nang capangyarihan
sampong mag aamá,i, iyong nasasaclao!
pag icao ang nasoc sa púsò ninoman
hahamaquing lahat masunód ca lamang!
At yuyuracan na ang lalong daquilá
bait, catouira,i, ipan~gan~ganyaya
boong catungcula,i, uaualing bahalà
sampo nang hinin~ga,i, ipauubayà.
Itong quinaratnán nang palad cong linsil
salamíng malinao na sucat mahalín
nang macatatatáp, nang hindî sapitin
ang cahirapan cong di macayang bathín.
Sa mauica itó lúhà,i, pina-agos,
pica,i, isinacsac, sacá nag himutóc,
nagcataón naimáng parang isinagót,
ang buntóng hinin~gá, niyaóng nagagapus.
Guerrero,i, namanghâ nang ito,i, marin~gig,
pinabaling-baling sa gúbat ang titig,
nang ualang maquita,i, hinintay umulit,
dî namán nala,i, nag bagong humibíc.
Ang bayaning moro,i, lalò nang namaáng
"sinong nananaghóy sa ganitóng iláng?"
lumapit sa dacong pinan~gagalingan
nang buntóng hinin~ga,t, pinaquimatyagán.
Inabutan niya,i, ang ganitóng hibic
¡ay mapagcandiling Amáng ini-ibig!
¿baquit ang búhay mo,i, na unang napatid,
aco,i, inolila sa guitnâ nang sáquit?
Cong sa gunitâ co,i, pagcuru-curuin
ang pagcahulog mo sa camay nang tacsíl,
parang naquiquita ang iyóng naratíng
parusang marahás na calaguim-laguim.
At alin ang hirap na dî icacapit
sa iyó nang Duque Adolfong malupit[29]
icao ang salamín sa Reino nang bait
pagbubuntuhang ca nang malaquing gálit.
Catao-an mo Amai,i, parang namamalas
n~gayón nang bunsô mong iugami sa hirap
pinipisang-pisang at iniuaualat
nang pauâ ring lilong verdugo nang sucáb.
Ang nagcahiualay na lamán mo,t, butó,
camay at catao-áng nálayô sa úlo,
ipinag-haguisan niyaóng mga lilo
at ualang maauang maglibing na tauo.
Sampo nang lincód mo,t, m~ga cai-bigan
cong campi sa lilo,i, iyo nang ca-auay,
ang dî nagsi-ayo,i, natatacot naman
bangcay mo,i, ibaó,t, mapaparusahan.
Hangan dito ama,i, aquing naririn~gig,
nang ang iyóng úlo,i, tapát sa caliz
ang panambitan mo,t, dalan~gin sa Lan~git
na aco,i, maligtás sa cucóng malupít.
Ninanásà mo pang acó,i, matabunan
n~g bangcay sa guitnâ n~g pagpapatayan,
nang houag mahúlog sa panirang camay
ng Conde Adolfong higuit sa halimao.
Pananalan~gin mo,i, dî pa nagaganáp
sa li-ig mo,i, bigláng nahulog ang tabác
naanáo sa bibig mong hulíng pan~gun~gusap,
ang "adios bunso,t," búhay mo,i, lumipas.
¡Ay amang amá co! cong magunam-gunam
madlâ mong pag irog at pagpapalayao
ipinapalaso n~g capighatian
luhà niyaring púsòng sa mata,i, nunucál.
Ualáng icalauáng amá ca sa lupà
sa anác na candóng ng pag-aarugâ
ang munting hápis cong sumungao sa muc-hâ,
sa habág mo,i, agad nanálong ang lúhâ.
Ang lahat ng toua,i, natapos sa aquin,
sampô niyaring búhay ay naguing hilahil,
amá co,i, hindî na malaong hihintín
aco,i, sa payapang baya,i, yayacapin.
Sandaling tumiguil itóng nananangis,
binig-yáng panahón lúha,i, tumaguistís
niyaóng na aauang morong naquiquinyig,
sa habág ay halos mag putóc ang dîbdib.
Tinutóp ang púsò at saca nag say-say
'cailan a iya lúha co,i, bubucál
n~g habág cay amá at panghihinayang
para ng panaghóy ng nananambitan?[30]
Sa sintáng inagao ang itinatan~gis,
dahilán n~g aquing lúhang nagbabatis
yaó,i, nananaghóy dahil sa pag-ibig
sa amang namatáy na mapagtang-quilic.
Cun ang ualang patid na ibinabahá.
n~g m~ga mata ko,i, sa hinayang mulà
sa m~ga palayao ni amá,t, arugà
malaquíng pálad co,t, matamís na luhà.
N~guni,t, ang nanaháng maralitang túbig
sa muc-hâ,t, dibdib cong laguing dumidilig
cay amá n~ga galing dapoua,t, sa ban~gís
hindî sa anduca, at pagtatang-quilic.
Ang matatauag cong palayo sa aquin
n~g amá co,i, tóng acó,i, pagliluhin,
agauan n~g sintá,t, panasa-nasaing
lumubóg sa dusa,t, búhay co,i, maquitil.
¡May para cong anác na napanganyayá
ang layao sa amá,i, dusa,t, pauang lúhà
hindi nacalasáp kahit munting touà
sa masintang ináng pagdaca,i, naualà!
Napahintô rito,t, narin~gig na mulî
ang pananambitan niyaóng natatalî,
na ang uica,i, "Laurang aliu niyaring budhî[31]
pa-alam ang abáng candóng n~g paghati.
Lumaguì ca naua sa caligayahan
sa haráp n~g dîmo esposong catipán,
at houag mong datnín yaring quinaratnán
n~g casign linimot, at pinagliluhan.
Cong nagban~gis cama,t, nagsucáb sa aquin,
mahal ca rin lubha dini sa panimdím,
at cong mangyayari hangáng sa malibíng
ang m~ga butó co quita,i, sisintahín.
Dîpa natatapos itóng pan~gun~gusap
may dalauang Leóng han~gós ng paglacad,
siya,i, tinuton~go,t, pagsil-in ang han~gad;
n~guni,t, nan~ga tiguil pag datíng sa haráp.
Nan~ga-auâ mandi,t, naualán n~g ban~gis
sa abáng sisil-ing larauan ng sáquit,
nan~ga-catingala,t, parang naquinyig[32]
sa dî lumilicat na tin~gistan~gis.
¡Anóng loob cayâ nitóng nagagapus,
n~gayóng na sa haráp ang dalauáng hayóp,
na ang balang n~gipí,t, cucó,i, naghahandóg
isang camatayang caquila-quilabot!
Dî co na masabi,t, lúhà co,i, nanatác,
na-uumid yaring dilang nan~gun~gusap,
pusò co,i, nanglalambot sa malaquing habág
sa ca-aua-auang quinucob ng hirap.
¡Sinong dî mahapis na may caramdaman
sa lagay ng gapús na calumbay-lumbay,[33]
lipus n~g pighati sacá tinutunghán,
sa lamán at butó niya, ang hihimáy!
Catiualâ na n~gâ itóng tiguib sáquit
na ang búhay niya,i, tungtóng na sa guhit,
linagnát ang pusò,t, nasirâ ang voses,
dína mauatasan halos itóng hibic.
"Paalam Albaniang pinamamayanan
n~g casama,t, lupit, han~gis caliluhan,
acóng tangulan mo,i, cusa mang pinatay,
sa iyó,i, malaquí ang panghihinayang.
Sa loob mo naua,i, houag mamilantic
ang panirang talím n~g catalong caliz;
magcá espada cang para ng binitbit
niyaring quinuta mong canang matang-quilic.
Quinasuclamán mo ang ipinan~gacò
sa iyó,i, gugulin niniyac cong dugò
at inibig mopang hayop ang mag bubò,
sa cong itangól ca,i, maubos tumúlo.
Pagcabatà cona,i, ualáng inadhicà
cundî pag-lilincod sa iyó,t, calin~gà
¿dî maca-iláng cang babaling masirá
ang mga camáy co,i, siyang tumimauà?
Dustáng camatayan ang bihis mong bayad;
dapoua,t, sa iyo,i, mag papasalamat,
cong pacamahali,t, houag ipahamac
ang tinatan~gisang guiliu na nagsucáb.
Yaóng aquing Laurang hindi mapapacnít
n~g camatayan man sa tapát cong dibdib;
¡ipa-alam bayan co, pa-alam na ibig,
magdarayang sintang di manao sa ísip!
Bayang ualáng loob, sintáng alibughâ,
Adolfong malapit, Laurang magdarayâ,
magdiuang na n~gayo,t, manulos sa touâ,
at masusunod na sa aquin ang násà.
Na sa harap co na ang lalong maraual,
mabin~gís na lubháng lahing camatayan
malulubos nan~ga ang inyóng casamán,
gayon din ang aquing aalipustaán.
¡Sa abáng-abá co! diatâ ó Laura
mamamatáy aco,i, hindî mo na sintá!
itó ang mapait sa lahat nang dusa,
¡Sa quin ay sino ang mag-aala-ala!
Diyata,t, ang aquing pagca-panganyáya
dî mo tatapunang ng camunting lúhà,
cong yaring búhay co,i, mahimbíng sa ualà
dî babahaguinan n~g munting gunitâ!
Guni-guning itó,i, lubháng macamandág
ágos na lúhà co,t, púsò co,i, ma-agnás,
túlò caloloua,t, sa mata,i, pumulàs,
cayóaquing dugo,i, mag-unahang matác.
Nang matumbasan co ang lúhà, ang sáquit[34]
nitóng pagcalimot n~g tunay cong ibig;
houag yaring buháy ang siyang itan~gis
cundî ang pagsintang lubós na na-amis.
Sa tinaghoy-taghóy na casindac-sindác,
guerrero,i, hindî na napiguil ang habág,
tinuntón ang voses at siyang hinanap,
patalim ang siyang nagbucás n~g landás.
Dauag na masinsi,i, naglagui-laguitic
sa dágoc n~g lubháng matalas na cáliz,
moro,i, dî tumugot hangang dî nasapit
ang binubucalán ng maraming tan~gis.
Anyóng pantay-matá ang lagay n~g arao
niyóng pagcatun~go sa calulunuran[35]
siyang pagcataos sa quinalalag-yan
nitóng nagagapus na cahambalhambál.
Nang malapit siya,t, abutin ng suliáp
ang sa pagcatali,i,[36] liniguid n~g hirap,
naualán n~g diua,t, lúha,i, lumagaslás,
catao-án at púso,i, nagapus ng habág.
Malaong natiguil na dî nacaquibô
hinin~ga,i, hinabol na ibig lumayò,
matutulog disin sa habág ang dugô,
cundan~gan nagbangís Leong nan~gag-tayô.
Na-acay n~g gútom at gauing manilâ,
ang-ulî sa ganid at naualâng aua,
handâ na ang n~gipi,t, cucong bagong hasa
at pagsasabayán ang gapós n~g iuâ.
Tanang balahibo,i, pinapan~galisag,
nanindig ang buntót na nacagugulat
sa ban~gis n~g anyô at n~ginasáb-n~gasáb,
Furiang nag n~gan~galit ang siyang catulad.
Nag taás ang camáy, at nanga caamâ
sa cato-ang gapá ang cucóng pangsirâ,
nang daracmain na,i, siyang pagsagásâ
niyaóng bagong Marteng lumitao sa lúpâ.
Inusig n~g tagâ ang dalauang León,
si Apolo mandin sa Serpiente Piton,[Q]
ualang bigóng quilós na dî nababaón
ang lubháng bayaning tabác na pamutol.
Cong ipamilantíc ang canang pamatáy,
at sacá isalág ang pang-adyáng camáy,
malilicsing León ay nanga lilinláng
cayâ dî nalao,i, nan~ga-gumong bangcay.
Nang magtagumpay na ang guerrerong bantóg
sa nan~ga-calabang maban~gis na hayop,[37]
lúha,i, tumutulong quinalag ang gápus
ng ca-aua-auang iniuan ang loob.
Halos nabibihay sa habág ang dibdib[38]
dugó,i, ng matingnang nunucal sa guitguít,
sa pagcalág niyang malicsí,i, nainíp
sa siga-sigalót na madláng bilibid.
Cayâ ang guinaua,i, inagapayanan
catauang malatáng parang bagong bangcáy
at minsang pinatid n~g espadang tan~gan
ualang auang lubid na lubháng matibay.
Umupo,t, quinalong na naghihimutoc,
catauan sa dusa hinin~ga,i, natulog,
hinaplus ang muc-ha,t, dibdib ay tinutóp,
násà ng gueerro,i, pagsauláng loob.
Doon sa pagtitig sa pagcálun~gay-n~gay
n~g caniyang cálong na calumbay-lumbay,
nininilay niya, at pinagtatao-hán
ang diquit n~g quias at quinasapitan.
Namamanghâ namán ang magandang quias
casing-isa,t, ayon sa bayaning ticas,
mauiuili disin ang iminamamalas,
na matá, cundan~gan sa malaquíng habág.
Gulong-gulóng lubha ang caniyang loob,
n~guni,t, napayapà n~g anyong cumilos
itóng abáng candong ng calunos-lunos
nagusing ang búhay na nacacátulog.
Sa pagcalun~gay-n~gay matá,i, idinilat,
himutóc ang unang bati sa liuanag,
sinundan n~g taghoy na cahabaghabág
"nasaan ca Laura sa ganitong hirap?
Halina guiliu co,t, gapus co,i, calaguín,
cong mamatáy acó,i, gunitain mo rin,
pumiquít na muli,t, napatid ang daing,
sa may candóng namang tacot na sagutin.
Ipina-n~gan~ganib, ay bacá mabiglâ
magtuloy mapatid hiningang mahinâ
hinintáy na lubós niyang mapayapá
ang loob n~g candóng na lipus dálità.
Nang muling mamulat ay naguiclahanan
"¿sino? ¡Sa aba co,t, na sa morong camay!"
ibig na i-igtád ang lunóng catao-án,
nang hindî mangyari,i, nag-ngalit na lamang.
Sagót n~g guerrero,i, houag na man~ganib
sumapayapaca,t, mag aliu n~g dibdib
n~gayo,i, ligtas cana sa lahát nang sáquit
may cálong sa iyo ang nagtatangquilic.
Cung nasusuclám ca sa aquing candun~gan,
lason sa púso mo nang hindi binyagan,
nacucut-ya acóng dí ca saclolohan
sa iyong nasapit na napacarauál.
Ipina-hahayág n~g pananamít mo
tagá Albania ca at aco,i, Perciano
icao ay caauay n~g baya,t, secta co,[R]
sa lagay mo n~gayo,i, magcatoto tayo.
Moro aco,i, lubós na táong may dibdib,
ay nasasacalo rin ng útos ng Lan~git,
dini sa púso co,i, cusang natititic
natural na leyng sa abá,i, mahapis.
Anong gagauín co,i, aquing napaquingán
ang iyong pagtaghoy na calumbay-lumbay,
gapús na naquita,t, pamu-mutiuanan
ng dalauáng gánid, n~g bangís na tangan.
Nagbuntóng hini~gá itong abáng calong
at sa umaaliu na moro,i, tumugón,
"cundîmo quinalág sa punu n~g cahoy,
nalibíng na acó sa tiyán n~g León.
Payapa na namán disin yaring dibdib;
napag-quiquilalang ca-auay cang labis
at dî binaya-ang nagca-patid-patid,
ang aquing hinin~gáng camataya,t, saquit.[39]
Itóng iyóng aua,i, dî co hinahan~gád,
pataín mo acó,i, siyang pitang habág,
dimo tantô yaring binabatáng hirap
na ang camatayan ang búhay cong hanap.
Dito napahiyao sa malaquing hapis
ang morong may áua,t, lúha,i, tumaguistís,
siyang itinugón sa uicang narin~gig
at sa panglolomo,i, cusang napahilig.
Ano pa,t, capoua hindi macaquibô
dî nanga-calaban sa damdam ng púsò
parang ualáng malay, hangang sa magtágo,t,
humilig si Febo sa hihigáng guintô.
May áuang guerrero ay sa maramdaman
malam-lám na sinag sa gúbat ay nanao,
tinuntón ang landás na pinagda-anan
dinalá ang calong sa pinangalingan.
Doon sa naunang hinintúang daco
nang masoc sa gúbat ang bayaning moro
sa isang malapad, malinis na bató
cúsang pinag-yaman ang lugaming pangcó.
Cumuha ng munting báong macacain,
ang angdaralitâ,i, inamong tumiquím
cahit uma-ayao ay nahicayat din
nang sabing malambót na pauang pag-aliu.
Nalouag-louagán ang pang-hihin~gapus
sapagca,t, na-auas sa pagcadayucdóc,
hindî quinucusa,i, tantóng nacatulog,
sa sinapupunan nang guerrerong bantóg.
Itó,i, dî umidlíp sa boong magdamág
sa pag-aalaga,i, nagbatá n~g puyat
ipinan~gan~ganib, ay bacá macagát
nang ganid na madláng nag-gala sa gúbat.
Touing maguiguising sa magaang túlog
itóng lipós hirap, ay naghihimutóc,
pauang tumitiric na anaqui túnod
sa dibdib nang morong may habág at lúnos.
Nang magmamadaling arao, ay nahimbíng
munting napayapa sa dalang hilahil
hangáng sa Aurorang itabóy ang dilim[S]
ualáng binitiuang himutóc at daing.
Itó ang dahiláng ipinagcasundò
limáng caramdamang parang hinahalò
iquinatiuasáy nang may dúsang púsò
lumacás na mulî ang catao-ang hapò.
Caya,t, nang isabog sa sangsinucuban
ang doradong buhóc nang masayang arao
nag-ban~gong hinaho,t, pinasalamatan
sa Lan~git ang bagong lacás nang catao-an.
Sabihin ang touâ nang guerrerong hayág,
ang abáng quinalong ay bigláng niyacap,
cong nang una,i, nucál ang lúha sa habág
n~gayo,i, sa galac na ang ilinagaslás.
Capús ang dilà cong magsaysay nang laquí
nang pasasalamat nitóng quinandili,
cundan~gan ang dusa,i, sa naualáng casi
ay napauî disin sa touang umalí.
Sapagca,t, ang dusang mula sa pag-ibig
cung cahit mangyaring lumayó sa dibdib,
quisáp matá lamang ay agád babalic
at magdadagdág pa sa una nang ban~gís.
Cayâ hindî pa man halos dumadápò
ang toua sa lámad nang may dúsang pusó
ay itinac-uil na nang dálitang lálò
at ang túnod niya,i, siyang itinimó.
Niyapús na mulî ang dibdib nang dúsa
¡hirap ayang bat-hín nang sáquit sa sintá!
dan~gan ina-aliu nang moro sa Persia
natuluyang nánao ang tan~gang hinin~gá.
Iyong natatantô ang aquing paglin~gap,
(anitong Persiano sa nababagabag)
mula nang hirap mo,i, ibig cong matatap
at nang cong may daa,i, malagyan nang lúnas.
Tugóng nang may dusa,i, "dî lamang ang mulâ
niyaring dálita co ang isasalita,
cundi sampong búhay sapól pagcabata,
nang maganapán co ang hin~gî mo,t, nasà.
Nupóng nag-agapay sa punò nang cahoy
ang may daláng habág at lipus lingatong
sacá sinalitang, lúha,i, bumabalong
boong naguing búhay hangang naparool.
"Sa isang Ducado nang Albaniang Ciudad,
doon co naquita ang unang liuanag,
yaring catauha,i, utang cong tinangap
sa Duque Briseo ¡ay amá cong liyag!
N~gayóng nariyang ca sa payápang bayan
sa haráp n~g aquing ináng minamahal
Princesa Florescang esposa mong hirang
tangáp ang lúhà cong sa matá,i, hunucál.
¿Baquit naguing tauo acó sa Albania
bayan n~g amá co at di sa Crotona,[T]
masayáng Ciudad na lúpa ni iná?
disin ang búhay co,i, di lubháng nag dusa.
Ang Duqueng amá co,i, privadong tanungàn
n~g Haring Linceo sa anomang bagay,[U]
pan~galauáng púno n~g sangcaharían,
hilaga-ang tungo n~g súyo n~g bayan.
Cong sa cabaita,i, ulirán n~g lahát
at sa catapanga,i, pang-úlo sa Ciudad,
ualáng casingdúnong mag mahal sa anác,
umacay, magturo sa gagauing dapat.
Naririn~gig copa halos hangan n~gayón
malayao na tauag n~g amá cong poon,
niyaóng acó,i, bátang quinacandóng-candóng,
taguríng Floranteng bulaclác cong bugtóng.
Itó ang n~galan co, mulang pagcabata,
naguisnán sa amá,t, ináng nag anducà,
pamagát na ambil sa lumuhà-luhà,
at cayacap-yacap n~g màdlang dàlità.
Boong camusmusa,i, dî na sasalitín
ualáng may halagáng nangyari sa quin,
cundi nang sangól pa,i, cusang daraguitin
ng isang Buitreng ibong sadyang saquim.[V]
Ang sabi ni iná acó,i, natutulog
sa bahay sa quintang malapit sa bundóc
pumasoc ang ibong pang-amóy, ay abót
hangang tatlóng leguas sa patáy na hayop.
Sa sinigao-sigao n~g iná cong mutyà
nasoc ang pinsán cong sa Epiro mulà
n~gala,i, Monalipo may taglay na panà
tinudlà ang ibo,i, namatáy na biglà.
Isang arao namang bagong lumalacad
acó,i, naglalaró sa guitnâ n~g salas,
may nasoc na Arco,t, bigláng sinambilat[W]
Cupidong diamanteng sa dibdib co,i, hiyas.[X]
Nang tumuntóng acó sa siyam na taón,
palaguing gauâ co,i, mag aliu sa buról
sacbát ang palaso,t, ang búsog ay cálong
pumatay ng hayop, mamána ng ibon.
Sa touing umagang bagong naglalatag
ang anác n~g arao, n~g masayang siñag,[Y]
naglilibang acó sa tabi n~g gubat
mad-lâ ang ca-acbay na m~ga alagad.
Hangang sa tingalín n~g sangaigdigan
ang muchâ ni Febong hindî matitigan
ay sinasagap co ang caligayahang
handóg niyaóng hindî maramot na parang.
Aquing tinitipon ang iquinacalat
ng masayáng ban~gó n~g m~ga bulaclác,
ina-aglahi co ang larouang pulad
mahinhíng amiha,t, ibong lumilipad.
Cong acó,i, mayroong matanao na háyop
sa tinitin~galáng malapit na bundóc,
bigláng ibibinit ang panâ sa búsog,
sa minsang tud-lâ co,i, pilit matutuhog.
Tanáng sámang lincód ay nag-aágauan
unang macarampót nang aquing napatáy
ang tiníc sa dauag ay dî dinaramdám,
palibhasa,i, toua ang naca-aacay.
Súcat maligaya sino mang manoód
sa sinuling-suling n~g sáma cong lingcód,
at cong masundúan ang bangcay n~g háyop
ingay n~g hiyauan sa loob n~g tumóc.
Ang larouáng búsog ay cong pag-sauaan,
u-upo sa tabí n~g matuling bucál,
at mananalamín sa linao n~g cristal,
sasagap n~g lamig na ini-áalay.
Dito,i, mauiuili sa mahinhing tinig
n~g nan~gag-sasayáng Nayadas sa bátis,[Z]
taguintíng n~g Lírang catuno n~g auit[AA]
mabisang pamaui sa lumbay n~g dibdib.
Sa tamis n~g tinig na cahalac-halác
n~g nag-aauitang masasayáng Ninfas,[AB]
na-aanyayahan sampóng lumilipád
sari-saring ibong agauán n~g dilág.
Cayâ n~ga,t, sa san~ga n~g cahoy na ducláy
sa mahál na bátis na iguinagalang[AC]
ang bulág na gentil, ay nag lulucsuhan
ibo,i, naquiquinig n~g pag-aauitan.
Anhín cong saysain ang tinamóng touá
ng cabataan co,t, malauig na lubhâ
pag-ibig ni amá,i, siyang naguing mulà
lisanin co yaóng gúbat na payapa.
Pag ibig anaqui,t, aquing naquilala
dî dapat palac-hín ang bata sa sayá
at sa catoua-a,i, capag-namihasa
cong lumaquí,i, ualáng hihintíng guinhaua.
Sa pagca,t, ang mundo,i, bayan n~g hinagpis
namamaya,i, súcat tibayan ang dibdib,
lumaquí sa toua,i, ualáng pagtiti-is
¿anóng ilalaban sa dahás n~g sáquit?
Ang táuong mágaui sa ligaya,t, aliu
mahinà ang púso,t, lubháng maramdamin,
inaacala pa lamang ang hilahil,
na daratná,i, dinâ matutuhang bat-hín.
Para n~g halamang lumaguí sa tubig,
daho,i, malalantá munting dî madilig,
iquinalolo-óy ang sandaling init,
gayón din ang púsong sa toua,i, mani-ig.
Munting cahirapa,i, mamalac-híng dalá,
dibdib palibhasa,i, di gauing magbatá,
ay bago,i, sa mundo,i, ualang quisáp matá
ang tauo,i, mayroong súcat ipagdusa.
Ang laquí sa layao caraniua,i, hubád
sa bait at muni,t, sa hatol ay salát,
masacláp na bún~ga ng malíng paglin~gap,
habág n~g magulang sa irog na anác.
Sa taguríng bunsót, licóng pag mamahál
ang isinasama n~g báta,i, nunucál
ang iba,i, marahil sa capabayaan
nang dapat magturong tamád na magulang.
Ang lahát nang itó,i, cay amáng talastás,
cayâ n~ga ang lúha ni ina,i, hinamac,
at ipinadalá acó sa Atenas,[AD]
bulág na ísip co,i, n~g doon mamulat.
Pag-aral sa aquin qy ipinatungcól
sa isang mabait, maestrong marunong
lahi ni Pitaco, n~gala,i, si Antenor,[AE]
lumbay co,i, sabihin nang dumating doon.
May sangbouan halos na dî nacacain,
lúhà sa matá co,i, dî mapiguil-piguil;
n~guni,t, napayapà sa laguing pag-aliu
n~g bunying maestrong may cupcup sa quin.
Sa dinatnán doong nad-láng nag-aaral
caparis cong bata,t, cabaguntauhan,
isa,i, si Adolfong aquing cababayan,
anác niyaóng Condeng Silenong maran~gal.
Ang caniyang taó,i, labis n~g dalauá
sa dalá cong edad na lalabing-isá,
siyang pinopoón n~g boong escuela,
marunong sa lahát na magcacasama.
Mahinhín ang asal na hindî magasó
at cong lumacad pa,i, palaguing patungó,
mabining man~gúsap at ualáng catalo
lapastan~ganin ma,i, hindi nabubuyó.
Ano pa,t, sa bait ay siyang huaran[40]
n~g nagcacatipong nagsisipag-aral,
sa gauâ at uica,i, dî mahuhulihan[41]
n~g munting panirà sa magandang asal.
Ni ang catalasan n~g aming maestro
at pagca-bihasa sa lacad n~g mundó,
ay hindî nataróc ang lihim at tungo
ng púsong malihim nitong si Adolfo.
Acóng pagcabata,i, ang quinamulatan
cay amá,i, ang bait na dî páimbabáo,
yaong namumunga n~g caligayahan,
nanacay sa púsong suyui,t, igalang.
Sa pinagtatac-hán n~g bong escuela,
bait ni Adolfong ipinaquiquita,
dîco malasapán ang haing ligaya
n~g magandang asal n~g amá co,t, iá.[42]
Púso co,i, ninilag na siya,i, guiliuin,
ayauan cun baquit at naririmarim,
si Adolfo nama,i, gayon din sa aquin,
nararamdamán co cahit lubháng lihim.
Arao ay natacbó, at ang cabata-an
sa pag-aaral co sa qui,i, nananao,
bait co,i, luminis at ang carunungan
ang bulág cong ísip ay cúsang dinamtán.
Nataróc ang lalim n~g filosfía,
aquing natutuhan ang astrología,
natantóng malinis ang catacá-tacá
at mayamang dunong n~g matemática.
Sa loob n~g anim na taóng lumacad
itóng tatlóng dunong ay aquing nayacap
tanáng casama co,i, nagsi-pangilalás
sampô n~g maestrong toua,i, dili hamac.
Ang pagcatutu co,i, anaqui himalâ,[43]
sampô ni Adolfo,i, naiuan sa guitnâ,
maingay na lamang taga pamalità,
sa boong Atenas, ay gumálà-galá.
Cayâ n~gâ at acó ang naguing hantun~gan
tungo ng salita n~g tauo sa bayan,
muláng báta,t, hangang catanda-tandaan,
ay nacatalastás n~g aquing pan~galan.
Dito na nahubdán ang cababayan co
n~g hirám na bait na binalat-cayô,
cahinhinang ásal na paquitang tauo
naquilalang hindî bucal cay Adolfo.
Matantô n~g lahát na cayâ nanamit
niyaóng caba-itang di taglay sa dibdib,
ay nang maragdag pa sa tálas nang isip
itóng capuriháng mahinhi,t, mabait.
Ang lihim na itó,i, caya nahalatà,
dumating ang arao nang pagca-catoua,
caming nag aaral bagong tauo,t, batà
sari-saring laro ang minunacala.
Minulán ang galí sa pagsasayauan[44]
ayon sa música,t, auit na saliuan,
laróng bunó,t, arnés na quinaquitaan
nang cani-caniyang licsi,t, carunungan.
Sacâ ilinabás namin ang tragedia
nang dalauang apó nang túnay na iná,[AF]
at man~ga capatid nang nag-iuing amáng
anác at esposo nang Reina Yocasta.
Papel ni Eteocles ang naguíng tungcól co,
at si Polinice nama,i, cay Adolfo,
isang ca-escuela,i, siyang nag Adrasto,[AG]
at ang nag Yocasta,i, bunying si Minandro.
Ano,i, nang mumulán ang unang batalia,
ay ang aming papel ang magca-cabaca,
nang dapat sabihing aco,i, comilala,t,
siya,i, capatid cong cay Edipong bún~ga.[AH]
Nang-lisic ang matá,t, ang ipinagsaysáy,
ay hindî ang dichong na sa original
cundî ang uica,i, "icao na umagao
nang capurihán co,i, dapat cang mamatáy"
Hinandulóng acó, sabáy nitóng uicá,
nang patalím niyang pamatáy na handá,
dan~gan naca-iuas aco,i, nabulagtá
sa tatlóng mari-ing binitiuang tagá.
Aco,i, napahiga sa inilag-ilag,
sinabayáng biglâ nang tagáng malacas,
¡salamat sa iyó ó Minandrong liyag,
cundî ang licsi mo búhay co,i, na-utás!
Nasalag ang dágoc na camatayan co,
lumipád ang tangang cáliz ni Adolfo
siyang pag-paguitnâ nang aming maestro,
at naualáng-diuang casama,t, catoto.
Anopa,t, natapus yaóng catoua-án
sa pan~gin~gilabot, at capighatian;
si Adolfo,i, dîna naman nabúcasan,
noón di,i, nahatid sa Albaniang bayan.
Naguing sangtaón pa acó sa Atenas
hinintay ang loob nang amá cong liyag,
¡sa abá co,t,! noo,i, tumangap nang sulat,
na ang balang letra,i, iuang may camandág.
¡Gunam-gunam na dî napagod humapis
dî ca na-ianod nang lúhang mabilís,
iyóng guinuguló ang bait co,t, ísip
at dimo payagang payapà ang dibdib!
¡Camandág cang lagac niyaong camatayan[45]
sa sintang Iná co,i, di nagpacundangan,
sinasariua mo ang súgat na laláng
nang aquing tinagáp na palasóng liham!
Tutulun~gang quitá n~gayóng magpalalâ
nang hapdî sa púsong di co ma-apulà,
namatáy si Iná ay laquing dálitâ
itó sa búhay co ang unang umiuà.
Patáy na dinampó sa aquing pagbasa
niyóng letrang titic ng biguing na pluma
¡diyata Amá co at nacasulat ca
n~g pamatíd búhay sa anác na sintá!
May dalauang oras na dî nacamalay
n~g pagca-tauo co,t, n~g quinalalag-yán,
dan~gan sa calin~ga n~g casamang tanán
ay dî mo na acó na casalitaan.
Nang mahimasmasa,i, narito ang sáquit,
dalauá cong matá,i, naguing parang bátis,
ang ¡ay! ¡ay! Ina,i,! cong cayâ mapatíd
ay nacalimutan ang paghin~gáng guipít.
Sa panahóng yaó,i, ang boó cong damdám
ay nanao sa aquin ang sangdaigdigan,
ang-iisá acó sa guitnâ ng lumbay
ang quinacabaca,i, sarili cong búhay.
Hinamac ng aquing pighatíng mabangís
ang sa Maestro cong pang-aliu na voses,
ni ang lúhang túlong ng samang may hapis,
ay di naca-auás sa pasán cong sáquit.
Baras ng matouid ay linapastangan
ng lubháng marahás na capighatian,
at sa isang titig ng palalong lumbáy
diua,i, lumilipád niyaring cati-isan.[46]
Anopa,t, sa bangís ng dusang bumugsò
minamasaráp cong mutóc yaring púsò
at ng ang camandág na nacapupunò
sumamang dumaloy sa ágos ng dugò.
May dalauáng buang hindî nacatiquím
acó ng linamnám ng payapa,t, aliu,
icalauang súlat ni ama,i, dumatíng
sampo ng sasakiang sumundo sa aquín.
Saád sa calatas ay bigláng lumulan
at acó,i, omoui sa Albaniang bayan
sa aquing Maestro ng napaaálam
aniya,i, "Florante bilin co,i, tandaan.
Houag malilin~gat, at pag ingatan mo
ang higantíng handâ ng Conde Adolfo
pailág-ilágang parang baselisco[47]
súcat na ang titig na matáy sa iyó.[48]
Cun ang isalubong sa iyóng pagdating,
ay masayáng muc-ha,t, may paquitang giliu,
lalong paingata,t, caauay na lihim
siyang isa-isip na cacabacahin.
Dapoua,t, houag cang magpapahalatá
taróc mo ang lalim n~g caniyang násà
ang sasandatahi,i, lihim na ihandâ,
n~g may ipagtangol sa arao ng digmâ.
Sa mauica itó lúha,i, bumalisbís,
at acó,i, niyacap na pinacahigpít,
hulíng tagubilin "bunsó,i, catiti-is
at hinhintay ca ng maraming sáquit.
At mumul-án mona ang paquiquilaban
sa mundóng bayaning púnong caliluhan"
hindî na natapus, at sa calumbayan
piniguil ang dilà niyang pagsasaysáy.
Nagca-bitiu caming malunbáy capouá
tanáng ca-escuela mata,i, lumuluhà
si Minandro,i, labis ang pagdarálitâ
palibhasa,i, tapát na capouà batà.
Sa pagca-calapat n~g balicat namin
ang mut-yáng catoto,i, di bumitiu-bitiu
hangang tinulutang sumama sa aquin
ng aming maestrong caniyang amaín.
Yaóng pa-alama,i, anopa,t, natapos
sa pagsasaliuan n~g madláng himutóc,
at sa cain~gaya,t, guló n~g adios
ang buntóng hinin~gá ay naquiquisagót.
Mag pahangang daóng ay nagsipatnubay
ang aquing maestro,t, casamang iiuan;
homihip ang han~gi,t, agád nahiualáy
sa pasig Atenas ang aming sasaquián.
Bininit sa búsog ang siyang catulad
n~g túlin n~g aming daóng sa paglayag,
cayá dî nalaon paá co,i, yumapac
sa dalampasigan ng Albaniang Ciudad.
Pag-ahon co,i, agád nagtuloy sa Quinta,
dî humihiualay ang catotong sintá;
pag-halíc sa camáy n~g poong cong Amá.
lumala ang sáquit n~g dahil cay Iná.
Nagdurugong mulî ang sugat n~g púsò
humiguít sa una ang dusang bumugsò,
nauicang casunód n~g lúhang tumulò
¡ay Amáng! casabay n~g báting ¡ay bunso!
Anopa,t, ang aming búhay na mag amá
nayapus n~g bangís n~g sing-isang dusa,
cami ay dinatnáng nagcacayacap pa
niyaóng Embajador n~g bayang Crotona.
Nacapangaling na sa Palacio Real,
at ipinagsábi sa Harì ang pacay
dalá,i, isang súlat sa Amá cong hirang
titic ng Monarcang caniyang bianan.
Humihin~ging túlong, at na sa pan~gambá
ang Crotonang Reino,i, cubcób n~g cabaca,
ang púnò n~g hocbo,i, balita n~g siglá
General Osmalic na bayaning Persa.
Ayon sa balita,i, pan~galauá itó
ng Principe niyang bantóg sa sangmundó
Aladíng quilabot n~g m~ga guerrero
iyóng cababayang hinahan~ga-ang co.
Dito napangití ang morong ca-usap
sa nagsasalita,i, tumugóng banayad
aniya,i, bihirang balita,i, magtapát
cong magcatotoó ma,i, marami ang dagdág.
At sacá madalás ilalâ n~g tapang,
ay ang guniguning tacot n~g calaban,
ang isang guerrerong palaring magdiuang
mababalita na at pan~gin~gila~gan.
Cong sa catapan~ga,i, bantóg si Aladín
may búhay rin namáng súcat na maquitíl;
iyóng matatantóng casimpantáy morin
sa casamáng pálad at daláng hilahil.
Sagót ni Florante, houag ding maparis
ang guerrerong bantóg sa pálad cong amis
at sa ca-auay ma,i, di co ninanais
ang lahí ng dúsang aquing napagsapit.
Matantô ni Amá ang gayóng sacunà
sa Crotonang baya,i, may balang sumirà[49]
acó,i, isinama,t, humaráp na biglá.
sa haring Linceong may gayac n~g digmá.
Camí ay bago pang nanaquiát sa hagdán
n~g Palaciong batbát n~g hiyas at yaman,
ay sumalúbong na ang Haring marangál,
niyacap si Amá,t, acó,i, quinamayán.
Ang uica,i, ó Duque, ang quiás na itó
ang siyang camuc-há n~g bunying guerrero,
aquing napan~garap na sabi sa iyó,
maguiguing haligui n~g Cetro co,t, Reino.
¿Sino ito,t, saán nangaling na Ciudad?
ang sagót ni Amá "ay bugtóng cong anác
na inihahandóg sa mahal mong yápac
ibilang sa isang vasallo,t, alagád."
Namanghâ ang harî at niyacap acó,
"mabuting panahón itóng pagdatíng mo,
icao ang general nang hocbóng dadaló
sa bayang Crotonang quinubcób nang moro.
Patotohanan mong hindî ibá,t, icao,
ang napan~garap cong guerrerong matapang,
na naglalathalá sa sangsinucuban
nang capurihán co at capangyarihan.
Iyóng cautan~gan paroong mag-adia,
nunò mo ang Hari sa bayang Crotona;
dugò cang mataás, ay dapat cumita
nang sariling dan~gál, at bunyí sa guerra."
Sa pagca,t, matouid ang sa Haring saysáy,
umayon si amá cahi,t, mapaít man,
nang agád masubò sa pagpapatayan
ang ca battan co,t, di cabihasahan.
Acó,i, ualang sagót, na na-ipahayag
cundî "Haring poo,t," nagdapâ sa yapac,
nang aquing hahagcán ang mahal na bacás,
cúsang itinindíg at mulíng niyacap.
Nag-upuán cami,t, sacá nag panayám
nang balabalaqui,t, may halagáng bagay,
nang sasalitín co ang pinag-daanan
sa bayang Atenas na pinangalin~gan.
Siyang pamimitác at cúsang nag sabog
nang ningning, ang tálang ca-agáo ni Venus,[AI]
anaqui ay bagong umahon sa búbog,
buhóc ay nag lugay sa perlas na bátoc.
Touáng pan~galauá cong hindî man Lan~git
ang itinapon nang mahinhing titig,
ó ang lualhating búcó nang ninibig
pain ni Cupidong ualáng macáraquip.[AJ]
Liuanag nang muc-há,i, ualang pinag-ibhan,
cay Febo cong anyóng bagong sumisilang,
catao-ang butihin ay timbáng na timbáng
at mistulang ayon sa hinhín nang ásal.
Sa caligayaha,i, ang nacaca-ayos
bulaclác na bagong uinahi nang hamóg,
anopa,t, sino mang paláring manoód
pátay ó himalâ cong hindî umirog.
Itó ay si Laurang iquinasisirà
nang pag-iisip co touing magunitâ,
at dahil nang tanáng himutóc at luhà
itinutuno co sa pagsasalitâ.
Anac ni Linceong haring napahámac,
at quinabucasan nang aquing paglíyag:
baquit itinulot lan~git na mataás,
na mapanoód co, cong dî acó dapat?
¡O haring Linceo cong dî mo pinilit
na sa salitaan nati,i, maquipanig
ang búhay co disi,i, hindî nagcasáquit
ngayong pagliluhan nang anác mong ibig!
Hindî catoto co,t, si Laura,i, dî tacsíl
¡aiuan cong ano,t, lumimot sa aquin!
ang pálad co,i, siyang alipusta,t, linsil
di laáng magtamó nang touâ sa guiliu.
¿Macacapit caya ang gauang magsucab
sa pinacayaman nang lan~git sa dilág?
cagandaha,i, báquit di macapagcalág
nang pagca capatid sa maglilong lácad?
Cong nalalagáy ca ang mamatouirín,
sa láot nang madláng súcat ipagtacsíl,
¿dili ang dan~gal mong dapat na lingapin
mahiguit sa ualáng cagandaha,t, ningning?
Itó ay hámac pa bagáng sumangsalà
ng carupucán mo, at gauíng masama?
ng taás, n~g pagcadaquilà,
siyaring lagapác namán cong marapá.
O bunyíng guerrerong! na-auà sa aquin,
pag silang na niyaong nabagong bitoín,
sa pagcaquita co,i, sabáy ang pag guiliu,
inagao ang púsong sa Iná co,i, hain.
Anopa,t, ang lúhang sa mata,i, nanágos
nang pagca-ulila sa Iná cong irog,
na tungcol sa sintá,t, púso,i, nan~gilabot
bacâ di marapat sa gayóng alindóg.
Hindî co maquita ang patas na uicà
sa caguluhan co,t, pagca-ualáng diuà
nang maqui-umpóc na,i, ang aquing salitâ,
anhin mang touirin, ay magcacalisiyâ.[50]
Nang malutas yaóng pagsasalitaan,
ay ualâ na acóng camahad-licaan,
caloloua,i, gulo,t, púso,i, nadararáng
sa nin~gas nang sintang bago cong naticmán.
Tatlóng arao noong piniguing nang Harì
sa Palacio Real na sa yama,i, bunyî,
ay dî nacausap ang púnong pighatî
na ina asahang ilulualhati.
Dito co naticmán ang lalong hinagpís,
higuít sa dálitang na unang tini-ís,
at binula-ang co ang lahat nang sáquit,
cong sa cahirapan mulâ sa pag ibig.
Salamat at niyaóng sa quinabucasan
hucbó co,i, lalacad sa Crotonang bayan,
sandalíng pinalad, na nacapanayam
ang Princesang nihag niyaring catauhan.
Ipinahayag co nang uicang ma-irog,
nang buntóng-hinin~gá, lúhà at himutóc,
ang matinding sintang iquina-lulunod
mag-pahangán n~gayon nang búhay cong capús.
Ang púsong matibay nang himaláng diquít
nahambál sa aquing malumbáy na hibíc
dangan ang caniyáng catutubong bait
ay humadláng, disin sintá co,i, nabihis.
N~guni,i, cun ang ó-o,i, dî man binitiuan
naliuanagan din sintang nadidimlán
at sa pag-panao co ay pinabauanan
nang may hiyang perlas na sa matá,i, nucál.
Dumatíng ang bucas nang aquing pag-alís[51]
¿sino ang sasayod nang bumugsóng sáquit?
¿dini sa púso co,i, alíu ang hinag-pís[52]
na hindî nagtimo nang caniyang cáliz?
¿May sáquit pa cayang lalalo nang tindí
sa ang sumisinta,i, maualay sa casi?
guni-guní lamang dî na ang mang-yari,
súcat icalugmóc nang púsong bayani.
¡O nangag-aalay nang maban~gong suób
sa daquilang altar ni Cupidong Dios
sa dusa co,i, cayó ang nacatataróc,
niyaóng man~gulila sa Laura cong irog!
At cundi sa lúhang pabaon sa aquin
namatáy na muna bago co na-atím
dúsang dî lumicat hangang sa dumatíng
sa bayang Crotonang cubcób nang hilahil.
Cuta,i, lulugsó na sa bayóng madalás
nang man~ga maquinang talagáng pang-ualat
siyang paglusob co,t, nang hucbong aquibat
guinipít ang digmáng cumubcób sa Ciudad.
Dito,i, ang masid-híng lubháng camatayan
at Parcas Aropos ay nagdamdám pagál[53]
sa pag-gapas nila,t, pagquitíl nang búhay
nang nag-hihin~galóng sa dugo,i, nag-lutang.
Naquita nang píling general Osmalíc
ang aquing marahás na pamimiyapis
pitóng susóng hanay na dúlo nang cáliz
uinahi nang tabác nang aco,i, masapit.
Sa caliua,t, cánan niya,i, nalagalág
man~ga soldados cong pauang mararahás
lumapit sa aquin matá,i, nagninin~gas
halica aniya,t, quita ang maglamas.
Limang oras caming hindî nag-hiualay
hangang sa nahapó ang bató nang tapang
nag-lucsâ ang lan~git nang aquing mapatáy
habág sa guerrerong sa mundo,i, tinac-hán.
Siya nang pagsilid nang pan~gin~gilabot
sa calabang hucbóng parang sinasalot
nang pamuc-sáng tabác ni Minandrong bantóg;
ang campo,t, victoria,i, napa-aming lubós.
Tagumpáy na ito,i, pumauí nang lumbáy
nang man~ga nacubcób nang casacuna-an
panganib sa púso,i, naguíng catoua-án;
ang pintô nang Ciudad pagdaca,i, nabucsán.
Sinalubong camí nang Haring daquilá
casama ang boong bayang natimaua
ang pasasalamat ay dî ma-apula
sa di magca-uastóng nagpupuring dilà.
Yaóng bayang hapo,t, bagong nacatigháo[54]
sa nagbálang bangis nang man~ga ca-auay
sa pagca-timauà ay nag-aagauáng[55]
málapit sa aqui,t, damít co,i, mahagcán.
Sa lacás nang hiyao nang famang matabil[AK]
vivang dugtóng-dugtóng ay naquiquisaliu
ang gulang salamat nagtangól sa amin.
dinin~gig sa Langit n~g m~ga bituin.
Lalò na ang touâ nang aco,i, matatap
na apó nang hari nilang liniliyag
ang monarca nama,i, dî muntî ang galác
lúhà ang nagsabi nang ligayang ganáp.
Nagsi-akiát camí sa palaciong bantóg
at nangag-pahin~gá ang soldadong pagód,
dapoua,t, ang baya,i, tatlong arao halos
na nacalimutan ang gauíng pagtulog.
Sa ligaya namin nang nunò cong harì
naquipag-itan din ang lilong pighatî
at ang pagcamatáy nang Ina cong pilî
malaon nang lantá,i, nanariuang mulî.
Dito naniuala ang batà cong loob
na sa mundo,i, ualang catoua-áng lubós,
sa minsang ligaya,i, talì nang casunód,
macapitóng lumbáy ó hangang matapos.
Maguíng limáng bouán acó sa Crotona
nag-pilit bumalíc sa Reinong Albania
¿di sinong susumáng sa acay nang sintá
cun ang tinutun~go,i, lalo,t, isang Laura?
Sa gayóng catulin nang aming paglacad
nai-inip aco,t, ang nása,i, lumipád,
¡abá,t,! nang matanao ang muóg nang Ciudad,
cumutóg sa aquing púso,i, lalong hírap!
Cayâ palá gayo,i, ang nauauagay-uay
sa cúta,i, hindî na bandilang binyagan
cundî Medialuna,t, Reino,i nasalacay[AL]
ni Aladíng sálot nang pasuquing bayan.
Ang aca,i, cong hocbo,i, cúsang pinahimpil
sa paá nang isang bundóc na mabangín,
dî caguinsa-guinsa,i, natanauán namin
pulutong nang morong lacad ay mahinhín.
Isang bini-bini ang gapós na tagláy
na sa damdám nami,i, tangcáng pupugútan
ang púsò co,i, lálong na-ipit nang lumbáy
sa gunitáng bacá si Laura cong búhay.
Cayâ dî napiguil ang ácay nang loób
at ang man~ga moro,i, bigla cong linusob,
¡palad nang tumacbó at hindî natapus,
sa aquing pamuc-sáng cáliz na may poót!
Nang ualâ na acóng pagbuntuháng gálit
sa di macaquibóng gapós ay lumapit,
ang taquip sa muc-ha,i, nang aquing i-alis
¡abá co,t, si Laura! ¿may laló pang sáquit?
Pupugutan dahil sa hindî pagtangáp
sa sintang mahalay nang Emir sa Ciudad,[AM]
nang mag-ásal hayop ang morong pan~gahás
tinampál sa muc-hâ ang himalang dilág.
Aquing dali-daling quinalág sa camay
ang lúbid na ualáng auà at pitagan
man~ga daliri co,i, na aalang-alang
marampî sa balát na cagalang-galang.
Dito naca-tangáp nang lúnas na titig
ang nagdaralitáng púsò sa pag-ibig,
arao nang ligayang una cong pag-din~gig
nang sintang Florante sa cay Laurang bibíg.
Nang aquing matantóng na sa bilangúan
ang bunying Monarca,t, ang Amá cong hirang
nag-utos sa hocbo,t, aming sinalacay
hangang dî nabauì ang Albaniang bayan.
Pagpasoc na namin sa loob nang Reino,
bilangua,i, siyang una cong tinun~go
hinán~go ang Hari,t, ang Duqueng Amá co,
sa caguino-cha,i, isá si Adolfo.
Labis ang ligayang quinamtán ng Harì
at nang natimauang camahalang pilì
si Adolfo lamang ang nagdalamhatî[56]
sa capurihán cong tinamó ang sanhî.
Pan~gimbuló niya,i, lalò nang nag-álab
nang aco,i, tauagin tangúlan nang Ciudad,
at ipinagdiuang nang Haring mataás
sa Palacio Real nang lubós na galác.
Sacá nahalatáng aco,i minamahál
nang pinag-uusig niyáng cariquitan
ang Conde Adolfo,i, nag-papacamatáy
dahil sa Corona, cay Laura,i, macasal.
Lumagò ang binhíng mulâ sa Atenas
ipinunlang násang aco,i, ipahamac
cay Adolfo,i, ualáng bagay na masac-láp
para nang búhay cong hindi ma-úutas.
Di nag iláng buan ang sa Reinong touà
at pasasalamat sa pagca-timua,
dumating ang isang hucbong maninira
nang taga Turquiang masaquím na lubha.
Dito ang pan~ganib at pag-iiyacan
nang bagong nahugot sa dálitang bayan[57]
lalo na si Laura,t, ang capan~gambahán
ang acó ay samíng pálad sa patayan.
Sa pagca,t, general acóng ini-átas
nang Harî sa hocbóng sa moro,i, lalabás
nag-uli ang loob nang bayang nasindác,
púsò ni Adolfo,i, parang nacamandág.
Linoob nang Lan~git na aquing nasúpil
ang hocbó nang bantóg na si Miramolín
siyang mulang arao na iquinalaguím
sa reinong Albania, nang turcong masaquím.
Bucód dito,i, madláng digmâ nang ca-auay
ang sunód-sunód cong pinag-tagumpayán
ano pa,t, sa aquing cáliz na matapang
labing-pitóng hari ang nan~gag-sigalang.
Isang arao acóng bagong nagvictoria
sa Etoliang Ciudad na cúsang binaca
tumangáp ng súlat n~g aquing Monarca
mahigpít na biling moui sa Albania.
At ang panihála sa dalá cong hocbó
ipinagtiualang iuan cay Minandro;
noón di,i, tumulac sa Etoliang Reino,
pagsunód sa Hari,t, Albania,i, tinun~go.
Nang dumatíng aco,i, gabíng cadilimán
pumasoc sa Reinong ualáng agam-agam
pagdaca,i, quinubcob ¡laquíng caliluhan!
na may tatlóng-pauong libong sandatahán.
Di binig-yang daang aquing pang mabunot
ang sacbát na cáliz at maca-pamoóc
boong catauán co,i, binidbíd ng gápos
piniit sa cárcel na catacot-tacot.
Sabihin ang aquing pamamangha,t, lumbáy
lálo nang matantóng Monarca,i, pinatáy
n~g Conde Adolfo cúsang idinamay,
ang Amá cong irog na mapagpalayao.
Ang násang yumama,t, háring mapataniág,
at uháo sa aquing dugô, ang yumacag,
sa púso ng Conde, sa gauáng magsucáb
¡o napacarauál na Albaniang Ciudad!
Mahigpit cang abá sa mapag-punuán
n~g han~gal na púnò at masamáng ásal,
sa pagca,t, ang Haring may han~gad sa yaman
ay mariing hampás nang Lan~git, sa bayan.
Aco,i, lálong abá,t, dinayà n~g ibig,
¿may cahirapan pang para n~g marin~gig,
na ang princesa co,i, nangacong mahigpit
pacasál sa Conde Adolfong balauis?
Itó ang nagcalat n~g lásong masid-hi
sa ugát ng aquing púsong mapighatí,
at pinag-nasaang búhay co,i, madalí
sa pinangalin~gang uala,i, magsaulí.
Sa pagcabilangóng labing-ualóng arao
na iiníp acó n~g di pagcamatáy,
gabí n~g hangoi,t, ipinagtuluyan
sa gúba,t, na ito,t, cúsang ipinugal.[58]
Bilang macalauang maliguid ni Febo
ang sangdaigdigan sa pagca-gapus co,
ng ina-acalang na sa ibang Mundó
imulat ang matá,i, na sa candungan mo.
Itó ang búhay cong silo-silong sáquit
at hindi pa tantô ang huling sasapit"
mahabang salitá, ay dito napatíd,
ang guerrero naman ang siyang nagsulit.
"Ang pagcabúhay mo,i, yamang natalastás,
tantoín mo namán n~gayon ang caúsap,
acó ang Aladin sa Perciang Ciudad
anác n~g balitang sultáng Alí-Adab.
Sa pagbátis niyaring mapait na lúhà
ang pagcabúhay co,i, súcat mahalatâ....
¡ay Amá co! baguit...? ¡ay Fleridang toua!
catoto,i, bayaan aco,i, mapayapa.
Magsama na quitáng sa lúha,i, ma-agnás,
yamang pinag-isá n~g masamáng pálad
sa gúbat na ito,i, antain ang uacás
ng pagcabúhay tang nalipós n~g hirap.
Hindî na inulit ni Florante namán
luha ni Aladi,i, pina-ibayuhan;
tumahán sa gúbat na may limáng bouan,
ng isang umaga,i, nagan-yác nag-libáng.
Canilang linibot ang loób n~g gúbat
cahit bahag-ya na macaquitang landás,[59]
dito sinalità ni Alading hayág,
ang caniyáng búhay na cahabag-habag.[60]
"Aniya,i, sa madláng guerrang pinagda-anan[61]
dî acó naghirap ng paquiquilaban,
para n~g bacahin ang púsong matibay
ni Fleridang irog na tinatan~gisan.
Cong naquiqui-umpóc sa madláng princesa,i,
si Diana,i, sa guitnâ ng maraming Ninfa,[AN][62]
caya,t, cun tauaguin sa Reino n~g Percia
isá sa Houris n~g m~ga Profeta.[AO]
Ano pa,t, pinalad na aquing dinaig
sa catiyaga-an ang púsong matipíd[63]
at pagcaca-ísa ng dalauang dibdib,
pagsintá ni ama,i, nabuyong gumi-it.
Dito na minulán ang pagpapahirap
sa aqui,t, ninasang búhay co,i, mautás
at n~g mag victoria sa Albaniang Ciudad
pag dating sa Percia,i, binilangóng agád.
At ang ibinuhat na casalanang co
dipa útos niya,i, iniuan ang hocbó
at n~g mabalitang Reino,i, naibauí mo,
aco,i, hinatulang pugutan ng úlo.
Nang gabíng malungcót na quinabucasan
uacás na tadhanang aco,i, pupugutan,
sa carcel ay nasoc ang isang general
dalá ang patauad na laong pamatáy.
Tadhanang mahigpit, ay malís pagdaca
houag mabucasan sa Reino n~g Percia,
sa munting pag souáy búhay co ang dusa;
sinonód co,t, útos n~g Hari co,t, amá.
N~guni,t, sa púso co,i, matamis pang lubha
natulóy naquitíl ang hiningáng aba
houag ang may búhay na nagugunita
ibá ang may candóng sa Lan~git co,t, toua.
May anim na n~gayóng taóng ualang licat[64]
nang linibot libot na casama,i, hirap...."
nápatiguil dito,t, sila,i, may nabat-yág
nagsa-salitaan sa loób nang gúbat.
Napaquingán nila,i, ang ganitóng saysay
"nang aquíng matatap na papupugutan
ang abáng sintá cong nasa bilanguan
nag dapa sa yapac nang Haring sucaban.
Inihin~gíng tauad nang luha at daing
ang caniyang anác na mutya co,t, guiliu
ang sagót ay cundi cusa cong tangapin
ang pagsintá niya,i, di patatauarin.
¿Anóng gagauín co sa ganitóng bagay?
¡ang sintá co caya,i, baya-an mamatáy!
napahinuhod na acó,t, nang mabúhay
ang Principeng írog na cahambal-hambál.
Ang dî nabalinong matibay cong dibdib
nang súyo nang hari, bála at pag hibic,[65]
naglambót na cúsa,t, humain sa sáquit
at nang ma-iligtás ang búhay nang ibig.[66]
Sa toua nang Hari, pinaualáng agád
ang dahil nang aquing lúhang pumapatác,
dapoua,t, tadhanang umalís sa Ciudad,
at sa ibáng lúpa,i, cúsang mauac-auac.
Pumanao sa Percia ang írog co,t, búhay
na hindî mang camí nagcasalita-an
¡tingní cong may lúha acóng ibubucál
na maitutumbás sa dusa cong tagláy!
Nang iguinagayác sa loob nang Reino
yaóng pagcacasál na camatayan co,
aquing na-acalang magdamit guerrero
cúsang magta-anang sa Real Palacio.
Isáng hatingabíng cadilima,i, lubhâ
lihim na naghunos acó sa bintana[67]
ualáng quinasama cun hindî ang nása
matuntón ang sintá cong nasaang lúpa.
May ilán n~g taón acóng nag lagalág
na pina-Palacio ang bundóc at gúbat
dumating n~ga rito,t, quita,i, na iligtas
sa masamang nasa niyaong taong sucáb....
Salita,i, nahinto na big-láng pagdatíng
n~g duque Florante,t, principe Aladín,
na pagca-quilala sa voces n~g guiliu
ang gaui n~g puso,i, dî napiguil-piguil.
¡Aling dila caya ang macasasayod
n~g touang quinamtán ng magcasing irog
sa hiya n~g sáquit sa lupa,i, lumubóg,
dalá ang caniang napulpól na túnod.
¡Saang calan~gitan na pa-aquiat cayâ
ang ating Florante sa tinamóng touá
n~gayóng tumititig sa ligayang muchá
n~g caniyang Laurang ninanása nasa.
Ano pa n~gayaóng gúbat na malungcót[68]
sa apat, ay naguíng Paraiso,t, lugód,
macailang hintóng caniláng malimot,[69]
na may hinin~gá pang súcat na malagót.
Sigabó ng toua,i, n~g dumalang dalang
dinin~gig n~g tat-lo cay Laurang búhay,
nasapit sa Reino mula ng pumanao
ang sintang nag gúbat: ganitó ang saysay.
"Di lub-háng nalaon niyaóng pag alismo
ó sintáng Florante sa Albaniang Reino!
naringig sa baya,i, isang píping guló
na umalin~gaon~gao hangáng sa Palacio.
N~guni,t, dî mangyaring mauatasuatasan
ang báquit, at húlo ng bulongbulon~gan
parang isang saquít na di mahulaan
ng médicong pantás, ang dahil; at saan.
Dî caguinságuinsá Palacio,i, nacubcób
n~g magulóng baya,t, baluting soldados
¡o arao nalubháng caquiquilabot!
¡arao na sinumpa n~g galit n~g Dios!
Sigauang malacás niyaóng bayang guló,
mamatáy mamatáy ang háring Linceo
na nagmunacalang gutumin ang Reino,t,
lag-yan nang Estanque ang cacani,t, trigo.
Ito,i, cay Adolfong cagagauáng lahat,
at n~g magcaguló yaóng bayang bulág
sa n~galan ng Hari ay isinambulat
gayóng órdeng mula sa dibdib n~g sucáb,
Noón di,i, hinugot sa tronong luc-lucan
ang Amá cong Hari at pinapugutan
¿may matouíd bagáng macapang-lulumay
sa sucáb na puso,t, nagugulóng bayan?
Sa arao ring yao,i, naput-lán ng ulo
ang tapát na loob n~g m~ga consejo
at hindî pumuról ang tabác na lilo
hangang may mabait na mahal sa Reino.
Umacyát sa trono ang Condeng malupít,
at pinagbalaan acó n~g mahigpít,
na cong dî tumangáp sa haying pag-ibig
dustáng camataya,i, aquing masasapit.
Sa pagnanasa cong siya,i, magantihán,
at sulatan quitá sa Etoliang bayan,
pinilit ang púsong houag ipamalay
sa lilo, ang aquing ca-ayaua,t, suclám.
Limáng bouang singcád ang hin~ging taning
ang caniyáng sinta,i, bago co tangapín;
n~guni,t, pinasiyáng túnay sa panimdím,
ang mag patiuacál cundî ca dumatíng.
Niyari ang sulat at ibinigáy co
sa tapát na lingcód, n~g dalhín sa iyó;
dî nag-isang bua,i, siyáng pagdatíng mo,t,
nahulog sa camáy ni Adolfong lilo.
Sa tacot sa iyó niyaóng palamara
cong acó,i, magbalíc na may hocbóng dalá[70]
n~g mag-isáng moui ay pinadalhánca
n~g may Sellong súlat at sa Haring firma.
Matanto co ito,i, sa malaquíng lumbay
gayác na ang puso na mag-patiuacál
ay siyáng pagdating ni Minandro namán
quinubcób n~g hocbó ang Albaniang bayan.
Sa banta co,i, siyang tantóng nacatangáp
ng sa iyo,i, aquing padaláng calatas
caya,t, n~g dumating sa Albaniang Ciudad,
Lobong nagugutom ang cahalintulad.
Nang ualáng magauá ang Conde Adolfo
ay cúsang tumauag n~g capoua lilo
dumatíng ang gabí umalís sa Reino
at aco,i, dinalang gapús sa cabayo.
Capagdatíng dito aco,i, dinadahás
at ibig ilugsó ang puri cong ingat,
mana,i, isang túnod na cong saán búhat
pumáco sa dibdib ni Adolfong sucáb...."
Sagót ni Flerida "nang dito,i, sumapit
ay may napaquingang binibining voses
na paquiramdám co,i, binibig-yáng sáquit[71]
nahambál ang aquing mahabaguíng dibdib.
Nang paghanaping co,i, icáo ang nataós
pinipilit niyaóng táuong balaquiót,
hindi co nabata,t, bininit sa búsog
ang isang palasóng sa lilo,i, tumapos..."
Dî pa napapatid itóng pan~gun~gusap[72]
si Minandro,i, siyang pagdating sa gúbat
dala,i, Ejército,t, si Adolfo,i, hanap
naquita,i, catoto ¡laquíng toua,t, galác!
Yaong Ejércitong mula sa Etolia
ang unang nauica sa gayóng ligaya[73]
Viva si Floranteng hari sa Albania
Mabuhay mabuhay ang Princesa Laura!"
Dinalá sa Reinong ipinag diriuang
sampu ni Aladi,t, ni Fleridang hírang
capouà tumangáp na man~gag-binyágan:
magca-casing-sinta,i, naraos nacasál.[74]
Namatáy ang bun-yíng Sultan Ali Adab
noui si Aladin sa Perciang ciudad:
ang Duque Florante sa Trono,i, naac-yát
sa siping ni Laurang minumut-yáng liyág.
Sa pamamahala nitóng bagong Hari
sa capayapaan ang Reino,i, na-uli
dito nacaban~gon ang nalulugámi
at napasa-toua ang nag-pipighatî.
Cayâ n~ga,t, nagta-ás ang camáy sa Lan~git
sa pasasalamat n~g bayang tangquilic
ang Hari,t, ang Reina,i, ualáng naiisip
cundî ang magsabog ng aua sa cabig.
Nagsasama silang lubháng mahinusay
hangang sa nasapit ang payápang bayan,
Tiguil aquing Musa,t, cúsa cang lumagáy
sa yápac ni CELIA,T, dalhín yaring ¡Ay! ... ¡Ay!
/rop
2-26-65
[A] Gubat na masucal, sa labás ng Ciudad ng Epiro, na nasa tabi n~g ilog na tinatauag na Cocito.
[B] Febo ang arao, at gayón ang tauag n~g mga Poeta latino at griego.
[C] Ciprés ay isang cahoy sa bundoc,—ang caraniuan ay malalaqui at matutuid, ang mga sangá,i, pai-taás na lahát, kayâ n~ga,t, ang pagca lagay, ay hichurang Púso; ang sangá nitó, ay itinitiric n~g m~ga tauo sa úna sa ibabao ng libin~gan, kayâ ang lilim ay nacasisindac.
[D] Averno anáng m~ga Poeta, ay Infierno.
[E] Pluton isa sa m~ga Dioses ng m~ga Gentil, at anang m~ga Poeta ay hari sa infierno.
[F] Cocito, ilog sa Epiro, region n~g Albania, at anang m~ga Poetas ay isa sa apat na ilog sa Infierno caya camandág ang tubig.
[G] Narciso, isang bagontauong sad-yang gandá, anác ni Cefisino at ni Lirope, sinintá n~g madlang Ninfas nguni,i, siniphayong lahat ni Narciso.
[H] Adonis, baguntáuong sacdál cagandahan, anác sa ligao ni Cinirro, na Hari sa Chipre, anác cay Nirrhang anác din niyá, sinintá n~g Diosa Venus, at pinatáy n~g isang paguil.
[I] Ninfas Oreadas, ay ang m~ga Diosa sa gubat na sinasambá n~g m~ga Gentil nang una: magagandá, at malalamig ang tinig anáng m~ga poeta.
[J] Harpias ay mababan~gis na Diosa n~g m~ga Gentil, ang taha,i, sa m~ga Islang n~gala,i, Estrofadas, at sa gubat sa tabi n~g ilog n~g Cocito; ang catauán ay parang ibon, muc-hang dalaga, baluctót ang m~ga camay, ang cuco,i, matutulis, pacpac paniqui at macamamatay ang baho n~g hinin~gá.
[K] Albania, isá sa m~ga Ciudad na malalaquí sa Imperio n~g Grecia.
[L] Persia isang cahariang malaqui sa parte n~g Asia, na nasa capangyarihan n~g m~ga moro.
[M] Pang-gabing ibon, ay ang m~ga ibong malalabo ang matá cong arao para n~g Tictic, Cuago, Baháo, Paniqui, &c.
[N] Furias, m~ga diosas sa infierno, anac ni Aqueronte at n~g gabi; tinatauag namang Eumanidas, sila,i, tatlo: Megeras, Tisiphone at Alecto; ang buhóc ay parang serpiente, cung may ibig silang pagaliting sinoman, ay bubunot ng isang buhóc na serpiente, at ipapasoc sa dibdib ng táuong pinagagalit, n~guni,t, hindî namamalayan; siyang pagdidilim n~g matá sa galit, at sasagasa na sa lalong pangánib.
[O] Marte, dios ng pagbabaca, anác n~g diosa Juno, ipinaglihi sa pag-amóy ng isang bulaclac na inihahandóg sa caniya n~g diosa Flora. Ang sabi n~g m~ga poeta, ay pag-gantí cay Jupiter na linaláng si Palas sa caniyang utac ay di inalám si Junong esposa ni Jupiter. Si Marte,i, lumitao sa Tracia at doon lumaqui.
[P] Parcas, diosas n~g camatayan at n~g tadhanang cararatnan n~g tauo; sila,i, tatlo anáng m~ga poeta, sila ang nagtatan~gan sa búhay n~g tauo, at namamahala sa casasapitan n~g lahat sa Sangsinucuban. Si Clotho ang may tan~gan n~g habihán, si Luchesis ang humahabi, at si Atropos ang pumapatid sa hilo n~g búhay.
[Q] Apolo anác ni Jupiter, at ni Latona, capatid na panganay ni Diana, ipinan~ganac sa islang ngala,i, Delos, caguilaguilalás n~g licsi, at catapanganan n~g patain ang serpienteng n~gala,i, Pitón, na nagpapasáquit sa caniyang iná. Anáng m~ga Poeta, ay siyang unang nagmunucala, at nagturo n~g Musica, n~g Poesia at n~g panghuhula: siya ang Principe n~g m~ga Musas at n~g mga Pastores.
[R] Secta, ang sinasampalatayanan n~g isa,t, isa ó ang sinusunod na utos n~g canicaniyang Dios sa caraniuang uicang castilang Culto ó Religión.
[S] Aurora, anác n~g arao at buan. Anang m~ga Poeta, ay pagcaumaga, ay binubucsan ang pintô ng lan~git, at cong maicabît na ang m~ga cabayo sa carro n~g arao ay siya ang nan~gun~guna sa paglabas, saca casunod ang arao.
[T] Crotona, Ciudad sa Grecia Mayor sa dacong Italia, malapit sa dagat n~g Tarante, bayan n~g iná ni Florante, ang louang n~g muralla ay labingdalauang libong hacbang.
[U] Linceo, Hari sa Albania ng panahón ni Florante.
[V] Buitre, isang ibong lubhang malaqui, ang quinacain ay pauang bangcáy n~g hayop. Ang sabi ng autor at iba pang nacaquiquilala sa ibong itó, ay masidhing lubha ang pang-amóy, at umaabot hangang tatlóng leguas.
[W] Arcón, isang ibong malaquí, na cararaquit n~g m~ga butó n~g tupa, n~g aso at n~g iba pang hayop sa bundóc.
[X] Ang tinatauag na cupido diamante, ay ang hiyás na caraniuang ilagáy sa noó n~g m~ga señora.
[Y] Anác n~g arao ay ang aurora.
[Z] Nayadas, m~ga Ninfas sa bátis, at ilog na sinasambá n~g m~ga Gentil.
[AA] Lira, m~ga estormentong guinagamit n~g m~ga Ninfas, at Musas sa canilang pag aauit, alpa ó biguela.
[AB] Ninfas, m~ga Diosa sa tubig; anáng m~ga Poeta, ay ca-aliu-aliu ang tinig n~g voces, at taguintíng n~g lirang tinutugtóg.
[AC] Ang m~ga bátis na tinatahanán n~g m~ga Nayadas ay sagrado sa m~ga Gentil, at canilang iguinagalang.
[AD] Atenas Ciudad na balita sa Grecia fundar n~g haring Cecrope; bucál ó bátis n~g carunun~gan, at catapan~gan.
[AE] Pitaco sa Grecia, isa sa pitóng balitang m~ga sabio
[AF] Si Polinice at si Eteocles, magcapatid na anác ni Edipo, na Hari sa Tebas, sa Reina Yocastang caniyáng ina at asaua pa.
[AG] Adrasto Hari sa Ciudad ng Argos na isá sa madlang malalaquing nasasacóp ng Imperiong Grecia; itó ang tumulong cay Polince sa guerra laban cay Eteocles sa pag aagauan ng coronang mána cay Edipo.
[AH] Edipo anác ni Layo, na Harì sa Tebas at ng Reina Yocasta. Paglabás ni Edipo sa tiyan n~g caniyang iná, ay ibinigay n~g amá sa isang pastor, at ipinapatay, sa pagca,t, ang sabi sa Oráculo ni Apolo na ang sangól na itó ay cun lumaqui, ay siyang papatáy sa caniyang amá, sa aua n~g pastor ay isinabit na lamang n~g patiuaríc sa isang cahoy sa bundoc; sa cai-iyac n~g sangól ay naraanan ni Forbante, pastor ni Polivio, na Hari sa Corinto at ibinigay sa Reina Merope na asaua ni Polivio; ang Reina sa pagca,t, ualang anác, ay pinarang anác ang sangol. Nang lumaqui si Edipo, ay na pa sa Tebas, sa paglalacad ay napatáy niya ang caniyang amáng Haring Layo, na hindi naquilala at nag-asaua sa caniyang iná, na di rin niya naquilala: ang naguing anác ay si Eteocles at si Polinice, na nagbabaca hangang man~gamatáy sa pag aagauán ng Corona.
[AI] Venus, diosa n~g pag-ibig at n~g cagandahan, anác ni Jupiter at ni Diana, anáng ibá, ay bucál sa bula n~g dagat.
[AJ] Cupido, dios n~g pag-ibig anác ni Venus at ni Marte.
[AK] Fama, Diosang sinasambá n~g m~ga Gentil; itó ang nag lalathala n~g balang gauín ng táuo, magalíng ó masama man; ualang casintulin at matunóg ang voces.
[AL] Medialuna, ang tauag sa estandarte o bandila nang m~ga moro, sa pagca,t, napipinta ay isang cabiac na Buan.
[AM] Emir, gobernador ó Virey n~g moro.
[AN] Diana, Diosang anác ni Jupiter, at ni Latena, mabiguín sa pan~gan~gaso, houaran n~g cagandahan at panginoong n~g m~ga Ninfas.
[AO] Houris, m~ga dalagang sadiyang carictan sa paraisong cat-ha ni Mahomang profeta n~g m~ga moro, na ipinan~gan~gaco at parayang ibinibihis sa magsi-sunód na taimtim sa caniyang licong Secta.
[1] NANGYAYARI. Hindi "nangyari", gaya n~g nasa "Kun sino ang kumatha ng Florante" at ng sa (1906) iniingatan ni Dr. Pardo de Tavera. Sa palimbag ni G. P. Sayo balo ni Soriano, nang 1919, ay "nangyayari" rin ang nakalagay, gaya rin ng inihayag ng pahayagang "Katwiran"—dahong tagalog ng tagapamansag ng mga naging pederal o progresista—noong Oktubre ng 1903.
[2] "Cong pag saulang cong basahin sa isip". Sa palimbag ni P. Sayo ay ginawang: "Kung pagsaulan cong basahin sa isip", at ganito rin ang sa "kung sino ..." Ang "cong" sa unahan ay ginawang "kung", at ang "pag saulang cong" ay itinumpak sa wastong kaparaanan ng pagsulat ngayon. Pinagsama ang dapat pagsamahing "pag" at "saulan", at inalis ang pang-ugnay o ligazon "g" sa dulo nito, na isang kasagwaan na ngayon, dahil sa "ko" ang sumusunod. Nguni't magpahanga ngayon ay buhay pa ang ganyang kasaguwaan sa ilang manunulat. Kaya, malimit makita ang ganitong mga pangungusap: "kaibigang ko", "pinsang mo", "pamangking ko", "Amaing niya". Aywan kung bakit linalagyan ng ligazon "g", gayong kung hindi sa "n" natatapus ang salita ay hindi naman linalagyan. Hindi masabi kundi "kapatid ko", "tula ko", "irog mo", "kasama niya". Walang ano mang ligazon. Nguni't kapagkarakang naging "n" ang katapusan ng salita ay narito na agad ang "paglalaro ng dila" at masagwang paggamit sa pangpagandang ligazon. Ang ligazon o pang-ugnay ay pangpaganda lamang, pang-alis ng kagarilan; nguni't kapag naman sumagwa ay nagiging tunay na kagaguhan, sa pangdingig natin ngayon.
Ukol sa "pag" at iba't iba pang panglapi ay walang iisang tuntunin ang nangauna sa atin. Kung minsan ay ikinakabit, nguni't ang malimit ay hiwalay. Hindi dapat kaligtaang "pag" na panglapi ang aming tinutukoy. Hindi ang pangsubaling "pag", na may sariling kahulugan, at tunay na isang kataga. [1919] "Pag Páhiná 58umulit ka pa ay ikaw ang bahala!" Ang "pag" na iyan ay di dapat ikabit sa alin man. Pagka't hindi panglapi. Ang lahat nang panglapi—pag, nag, mag, mang, ka, na, pa, um, in, an, atbp.—ay di dapat ihiwalay. Subali't nang panahong yaon nina Balagtas ay isinusulat kahi't na paano, mapakabit man o mapahiwalay sa dapat kapitan. Kaya, hindi katakatakang makita ang mga ganitong pagkakasulat: "pag saulan", "nag-iisa", "pagsuyo", "pagsintá", "mapag uunaua", magpahangang libing", "pag luha, "mag pahangang daong", "pag sintá", "pagca gapus", "pagca-búhay", "pinag liluhan", "isáng na aba," "pag ayop", atbp.
[3] MACALIGTAANG CO ... Narito na naman ang isang kasagwaan na ngayon, bagama't magandang pakinggan noong araw. Kaya, itinumpak at ginawang "nakaligtaan ko" ng "Kun sino ..." at ni P. Sayo. Marami ang makikitang ganito sa aklat na ito—na sakali mang hindi kasagwaan, nang panahon ni Balagtas, ay itinuturing na nating isang kasagwaan, sapagka't nakasusugat na sa pangdingig ngayon.
May palagay kaming sa loob ng ilang panahon ay mawawala na sa pagsulat ang ganyang kasagwaan sa ligazon, gaya ng pagkawala ng mga sumusunod, sa halimbawa: "kanya nga" sa lugal ng "kaya nga", "bungmalong" sa lugal ng "bumalong", "kungmain" sa lugal ng "kumain", "maselang"' sa "maselan", "kungdi" sa "kundi", atbp.
[4] CONDI. Ginawang "kundi" ni P. Sayo at ng "Kun sino ..." ayon sa bagong pagsulat natin. Sa aklat na ito ay makikita ang paibaibang pagkakasulat sa salitang ito: kung minsan ay "condi" at kung minsan naman ay "con di" at "cundi". May palagay kaming ang ganitong pagkakaibaiba ay sa kasalanan na lamang ng kahista.
[5] ILINIMBAG. Ganito rin ang nasa kay P. Sayo; subali't sa "kung sino ..." ay lumabas na "inalimbag". Ito ay katulad din ng "inilimbag", na kasamahan ng "nilimbag", "nilagda", "nilitis", "inilibing", "inilagay", atbp., na pawang nasa di pangkaraniwang balangkas, subali't hindi kabalbalan. Karaniwang makita sa mga salita nating ang ugat ay nagsisimula sa "h", sa "l" at sa "w" at "y".
[6] "at di mananacao". Kay P. Sayo ay ganito rin. Hindi "na di mananakaw" gaya ng nasa "Kun sino ..." At mapaghahalatang ayon sa pagkakakastila ni G. Epifanio de los Santos sa "Florante", na anya'y: "y que no será robada" ay "at" din at di "na", ang nasa sulat-kamay ng "Florante" niyang inihulog sa tagalog—sulat-kamay na ayon din sa kanya ay sipi sa lumabas noong 1853.
[7] QUINALALAGUI-AN. Sa "Kun sino ..." ay kinalalagian" din ang nakalagay; subali't sa palimbag ni P. Sayo ay "kinalalagyan", at ganito rin sa malas ang kay De los Santos—pagka't "en el Makati río donde se reflejaba" ang pagkakakastila niya. Ang "reflejaba", bagama't di siyang katumbas ng "kinalalagyan", ay siyang tanging maikakapit dito, upang maging maganda ang pangungusap, palibhasa'y kawangis din ng "kinalalagyan" o "kinalalarawanan" ang "kinalalagyan"; samantalang hindi maikakastila sa "kinalalagian".
Nariyan ngayon ang isang bagay, na dapat liwanagin. Alin kaya riyan ang totoo? Ang "kinalalagian" o ang "kinalalagyan"? Maimamatuwid, na labis ang pantig ng "kinalalagian", kaya tama ang "kinalalagyan"; subali't maimamatuwid namang labis din ang kasunod na talata, labingtatlo rin ang "binabacas co rin sa masayang doongan", nguni't iginalang ito at di iniklian. Mapaghahalatang susog diya'y mali ang "kinalalagyan", at "quinalalagui-an" ang tunay na ibig sabihin ni Balagtas, pagka't "lagi" na sa Makating ilog si Celia, at siyang ilog na liniligawan ng Makata. At ayon kay G. Victor Baltazar, anak ng Makata, ay "quinalalagui-an" nga ang tama sa natatandaan nilang magkakapatid.
[8] "aquing camatayan". Hindi "lalong kamatayan", gaya ng nasa "Kun sino ..." Sa hawak ni De los Santos ay ganito rin: "tu memoria es mi muerto". At siya ring nasa kay P. Sayo.
[9] "dica mapaparam". Sa ingat ni De los Santos ay napaghahalatang "di ka napaparam" ang nakalagay, gaya ng na kay P. Sayo at sa "Kun sino ..."Páhiná 60
Ang pagkakasulat ng "dica" ay isang maliwanag na kamalian, na kay damidaming kasama sa aklat na ito, sa kasalanan ng limbagan. Ang mga gaya niyan—paris ng "dipa" (di pa), "dico" (di co), "cona" (co na), "copa" (co pa), "mona" (mo na), atbp., ay mga kamaliang sagana sa aklat. Pinapagsasama ang mga salitang tig-isang pantig, at may mga salita namang ginagawang parang dalawa o higit pa, kung minsan.
[10] "sa mahal mong yapac" at di "sa bakas ng yapak", gaya ng nasa "Kun sino ..." Kay P. Sayo ay "sa mahal mong yapak" din. Gayon din kay De los Santos.
[11] "hangad na lumauig". Sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay naging "ang" ang "na".
[12] "Bago mo hatulang catcatin at lico". Sa iba ay ganito naman: "Bago mo hatulan katkatin at liko"; walang pang-ugnay o ligazon "g". Kaya, naging garil.
[13] "luasa,t, hulo". Kay P. Sayo ay "lasa,t hulo"—na isang maliwanag na kamalian. Ang "luasa,t, hulo" ay kahambing ng "puno't dulo". At ang ibig sabihin ay pakasuriin muna mula sa puno hanggang sa dulo, bago lapatan ng hatol.
[14] "ang mata,i, itingin". Walang "ang" sa "Kun sino ..."
[15] "ó nanasang pantás". Ganito rin ang kay P. Sayo; nguni't sa "Kun sino..," ay ginawang ganito: "oh, nanasang pantas!" Ayon sa pagsulat natin ngayon. Nguni't ang ganitong pagbabago ay nakaligtaan sa dakong unahan: ang "ó nanasang irog" ay hindi binago. Hindi ginawang "óh, nanasang irog!"
[16] DINIDILIG. Sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay "nadidilig".
[17] "Bagong taoung basal, na ang anyo,t, tindig". Sa iba ay "Bagong taong basal, ang anyo at tindig".
[18] CASAM AN. Sa "Kun sino ..." ay "kasamaan", na nakasira sa bilang ng pantig.
[19] "O tacsil na pita sa yama,t, mataás!" Itong huling kataga ay naging sanhi ng isang pagtatalo noong araw. May nagsasabing kasingkahulugan ito ng "mápataas" at may nagsasabi namang katimbang ng "matayog", kasalungat ng "mababa"; nguni't sa paano,t, paano man ay tama, at siyang ibig sabihin ni Baltazar, ang pagkakakastila ni De los Santos, na "poder"; lakas, kapangyarihan.
[20] "ng casamáng lahat". Sa "Kun sino ..." ay lumabas namang "kasam-an", gaya ng nakasulat sa ika 18. "Casam-an" doon at "casamán" dito. Isa pang katunayan iyan ng kawalan ng iisang tuntunin sa pagsulat. Kaya, kung minsan ay mababasa nating "catao-an" ang "katawan", at kung minsan naman ay "catauán" o "cataoan", gaya rin naman ng "catouiran", na kung minsan ay "catuiran", atbp.
[21] "at niyaring nasapit". Ganito rin ang kay De los Santos at ang sa isang ginoong nagngangalang Cecilio Rivera; subali't ang sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay nawalan ng "at". Napaghahalatang kusang inalis, upang maging sukát ang bilang ng pantig. Labis nga naman sa labingdalawa ang may "at". Kaya, inalis ito.
At nariyan ang sa palagay namin ay isang kamalian pa hanga ngayon ng tanang manunula ngayon. Pawang matapat, halos ay bulag, at walang kapasupasubaling lingkod at alipin ng bilang ng mga pantig sa pagkakasulat. Ipinaaalipin sa Ortograpía pati ng tingig at aliw-iw ng tula, at walang kalayalaya ang lipad ng diwa at pitlag ng kaluluwa. Hindi makalayo sa bilangguan ng Ortograpía; at "di kailangang maging pilay man sa pangdingig, huwag lamang maging kulang o maging labis sa kumpas ng Ortograpía".Páhiná 62
Kung sa bagay ay tunay ngang napakaselan sa bilang ang tulang tagalog. Walang pagtatalo ukol dito. Nguni't may isang pasubali, na sa palagay namin ay dapat pagkaisahan ng lahat, upang alang-alang din sa katamisan ng tulang tagalog ay palayain, sa gayon at sa ganitong pagkakataon, ang lipad ng tula. Hindi sa tuwituwi na'y "bilang ng pantig sa pagkakasulat" ang paghahariin, kundi ibigay naman sana, sa manakanaka, ang kapangyarihan sa "bilang ng pamimigkas". Ibig naming sabihi'y "pantig ng pamimigkas" (tawagin nating "sílaba prosódica") ang papamaibabawin sa "pantig ng pagkakasulat" (tawagin naman nating "silaba ortográfica"), kailan ma't magkakalaban sa harap ng Katamisang dapat maghari lagi na.
Si Balagtas, na di mapag-aalinlanganang sa tamis at lambing, sa tingig at aliw-iw na walang kasingsarap ng kanyang mga tula, unang utang ang kanyang ikinatangi at ipinaging Hari sa panunula, ay maraming halimbawang iniwan, upang maging saligan ng pagsusuri at pagkakaisa ng lahat. Bukod sa "at niyaring nasapit na cahabág-habág" ay nariyan pa ang: "na ang lilim niyaón ay nacasisindác", "ang buntóng hiningá niyaóng nagagapus", "ipinaghaguisan niyaóng mga lilo", "ang pananambitan niyaóng natatali", "anhin mang touirin ay magcacalisiya" at ilan pa sa "Florante at Laura"; saka "Dalita,i, sumira niyaring pagtitiis" sa "Labing-dalauang Súgat nang Púso", bukod pa sa "Dusang di maampat niyaring mga matá", atbp. Ang "iya" sa "niyari", "niyaón" at "nagcacalisiya ay pinapagdaraang parang isang pantig lamang, kung minsan. Marahil ay sapagka't kung minsa'y nagiging "isang pantig lamang sa pamimigkas". Bakit ay di naman nakasusugat sa pangdingig.
At kahambing ng "iya"—na naaaring gawing isa sa pagbigkas kahi't dalawa sa pagkakasulat—ay maaari rin ang "iyo". Gayon din, at maaari ring pagkaisahan, ang ukol sa "uwa", manakanaka. Maaaring palayain ang makata, maminsanminsan, kailan ma't di makasusugat sa pangdingig. Bigyan laya nga; at ang ganito ay hindi naman sapilitan. Lumaya ang may ibig, at huwag naman ang ayaw.Páhiná 63
At ang ganyang kalayaan—na di pangsugat sa taynga—ay lalong mabuti kay sa kalayaang ginagamit na sa pagpapaikli. Pinaiikli, at iniwawasak pati ng tumpak na pagkakasulat ng salitang ibig paikliin, magkaroon lamang ng sukát na bilang sa ortograpía. Gaya ng kung minsan ay ginagawa sa "kailan". Pinipilit na palabasing dalawang pantig lamang ito sa pagkakasulat, sinisira ang ugat, ginagawang "kaylan"—na tila baga kung isulat at siraing ganito ay tama na at hindi na labis. Ganyan din ang ginagawa sa "kailangan" at sa "mayroon", sinisira at isinusulat ng "kaylangan" at "mayron"—gayong paano man ang gawin, ang "kaylan" at ang "kaylangan" at "mayron ay lumalabas din, sa pangdingig, na "kailan" "kailangan" at "mayroon". At ang ganyan ay hindi isang "kalayaan" kundi tunay na "kaalipnan". Kaalipnan sa Ortograpía! Pangsira sa pangdingig, ano man ang gawin.
Diyan mapaghahalatang may mga pagkakataong nagiging makapangyarihan, sa ilang pagkakataon, ang pantig ng pamimigkas" kay sa "pantig ng pagkakasulat"; at talagang ganito naman ang dapat mangyari. Diwa at kaluluwa ng tula ang tingig, ang aliw-iw. Nasa aliw-iw at tingig ang musika, na siya na rin ngang tunay na tingig at aliw-iw. At ang musika at lambing, ang sarap at ang tamis ng pamimigkas ay siyang "pulot at gata" ng tula. Hindi ang ortograpíang "pipi at bingi".
[22] "maauaing Langit". Sa lahat nang nasa harap namin ngayon ay ganito ang sinasabí; nguni't isang ginoong nabanggit na namin sa unahan, Cecilio Rivera, ay nagsabi, noong 1906, na iyan daw ay mali. Ipinahahalata niyang sa" lugal niyan ay "tumutungong langit" ang nakalagay. Nguni't nasabi na nga naming: sa lahat na ay ganyan ang nakalagay. Ganyan din ang nakalagay sa "Florante" ng isang sumulat ng ilang lathala ukol sa bagay na ito—noon ding 1906—at nagtago sa pamagat na "Crisantemo", taga Lalaguna at nanirahan sa Marinduke.
[23] "iyong tinutungha,i, ano,t, natitiis?" Sa "Kun sino ..." ay "tinutungháy" ang nakalagay, at gayon din kay P. Sayo. At iyan ay naging sanhi rin ng pagtatalo, noong araw. Nguni't walang ibang tumpak kundi ang "tinutungha,i," (tinutunghan, na may Páhiná 64ligazon "i" o "y", pinaikling "tinutunghan", at umuri sa "tun~go"). Ang "tinutunghay" ay di tama: dapat gawing "tinutunghayan". At labis naman kung ganito.
[24] DIN~GIGUIN. Sa iba ay "dinggin"; kaya, pilay ang tula. Sa "Florante" ni G. C. Rivera ay "dingigin" din.
[25] VOSES. Sa "Kun sino ..." ay "boses", na kusang isinulat na ganito, upang itugma sa bagong ortograpía natin. Nguni't kay P. Sayo, na nagbago rin ng pagsulat, ay pinapanatili ang datihang "voces". Sa aklat na ito ay nakikitang ang "voses" na iyan ay lumilitaw ring "voces" kung minsan—na isa pang katunayan ng kawalang ingat ng limbagan.
At yamang napag-uusapan na rin lamang ang kawalang ingat ng limbagan, o lalong maliwanag, ng kahista, ay daliriin na natin ang maraming kamalian. Daliriin ang ukol na lamang sa pagkukudlit ("acentuación ortográfica"), at huwag na ang sa ibang bagay—yamang matutukoy na rin lamang natin sa mga ibang paliwanag. At upang huwag na tayong mag-aksaya ng maraming panahon—yamang kay liwanag namang napupuna ng matatalin ng mangbabasa—ay tingnan na lamang natin ang sa mga tulang sumusunod:
"Datapua,t, sino ang tataróc cayâ
sa mahál mong lihim Dios na daquilà?
ualáng mangyayari sa balát ng lupà
dî may cagalin~gang iyóng ninanasà.
Sa halimbawang ito—at sa marami pang sagana sa aklat—ay mapagkikilalang noon pa man ay alam na ang halaga ng bawa't kudlit at kung paano ang tumpak na paggamit. Salakot (capucha o circunflejo) ang ilinagay sa "cayâ", sapagka't bigla at paimpit ang pagbigkas dito. Ang salakot ay siyang kayarian ng kudlit na pabigla (agudo) at ng paimpit (grave o gutural). At sapagka't pawang hindi pabigla, kundi paimpit lamang, ang pagbigkas sa dulo ng tatlo pang talatang kasunod—"daquilà", "lupa" at "ninanasà" ay kudlit na banayad lamang ang ginamit.Páhiná 65
Nguni't masdan natin ang mga sumusunod:
"Sa loob at labas, n~g bayan bayan, cong sawî
caliluha,i, siyang nangyayaring harî
cagalin~ga,t, bait ay nalulugamî
ininís sa húcay nang dusa,t, pighatî".
"Caliluha,t, samâ ang úlo,i, nagtayô
at ang cabaita,i, quimi,t, nacayucô,
santong catouira,i, lugami at hapô
ang lúha na lamang ang pinatutulô.
"Súcat na ang tingnán ang lugaming anyô
nitóng sa dálita,i, hindi macaquibô?
aacaing bigláng umiyác ang púsô
cong ualâ nang lúhang sa mata,i, itúlô".
"!Ay Laurang poo,i,! ¿baquit isinuyò
sa iba ang sintang sa aqui pangacò
at pinag liluhan ang tapát na púsó
pinang-gugulan mo nang lúhang tumuló?"
"Dusa sa puri cong cúsang siniphayò,
palasong may lasong natiric sa púsò;
habág sa Ama co,i, túnod na tumimò
aco,i, sinusunod niyaring panibughò".
Sa limang ito ay kay liwanag na napagkikilala ng dadalosdalos ng kahista. Sa unang halimbawa ay ginamit ang salakot, sa lahat na, gayong hindi nararapat sa ikalawa at ikatlong talata. Napagkikilalang huwag na di magkaroon lamang ay di na kailangan kahi't papaano.
Gayon din ang ginawa sa ikalawa at ikatlo: pawang salakot din, gayong hindi dapat sa katapusang talata ng ikalawa at sa ikatlo't katapusang talata ng ikatlong halimbawa.
Sa ikapat na halimbawa—na pawang natatapus sa banayad na paimpit—ay nasangkapan ng "gutural" o "grave" ang dalawang nauunang talata; nguni't pagdating sa ikatlong talata at sa katapusan, dahil marahil sa sa wala nang madampot na "gutural" ay isinumpal na ang bigla (agudo), kahi't na paano.Páhiná 66
At sa katapusang halimbawa ay panay namang "grave" ang ginamit, kahi't hindi nararapat sa katapusang talata. Siyang nadampot niya, at siyang ilinagay.
Kaya, sa bisa ng ganyang kagagawan, ang "puso" ay napalagay na "púsô" sa ikatlong halimbawa, "púsó" sa ikapat at "púso" sa ikalima. At ang "tulo" naman ay napalagay na "pinatu-lô" sa ikalawang halimbawa, "i-túlô" sa ikatlo at "tumuló" sa ikapat.
[26] NAHIHIMBING. Sa "Kun sino ..." ay "nalilibíng"; nguni't kay De los Santos at P. Sayo ay "nahihimbing" din.
[27] INA-ING-AING. Sa iba ay "dinaingdaing". Napaghahalatang kusang binago, pagka't sa mga bata na lamang ngayon nariringig ang ganyan. At marahil ay sa bisa ng paniwalang mali iyan, kung kaya binago. Nguni't ang katagang iyan ay di mali. Matanda na nga lamang at lipas na. Buhat sa "inaing", na ang laman ng idinaraing ay "ina", gaya naman ng "aying" na "ay" ang nagiging laman ng pagdaing.
Ayon kay G. Victor Baltazar, anak ng Makata, ay talagang "ina-ing-aing" ang na sa matandang "Florante". Hindi "dinaing-daing."
[28] IPINABIGAY. Kay P. Sayo ay "ipinamigay", na isang tunay na kamalian. Ang "ipinabigay" ay isang balangkas—na maaaring sabihing "tatak Bulakan"—na gaya rin ng "pasuriin muna" ay di siyang karaniwan sa ibang pook ng Katagalugan. Sa iba, ang "pasuriin" ay "kásuriin"; at ang isa't isa ay anak ng "pakasuriin". Sa may dakong Bulakan ay "pa" ng panglaping "paka" ang ginagamit, samantalang sa ibang dako naman ay "ka".
Ang "ipinabigay" ay di nariringig sa ibang dako, kundi ang "ipinakabigaybigay".
Hindi dapat kaligtaang ang "ka" ay siya ring ginamit nina Del Pilar, sa pakling "Caiigat cayo!", bilang tugon sa munting aklat ni Fray Rodriguez, na "Caiingat Cayo!" laban sa mga aklat ni Rizal at iba't iba pa.
[29] DUQUE ADOLFO. Ang "duque" ay isang maliwanag na kamalian ng limbagan. Si Adolfo ay "Conde". Hindi "Duque".
[30] "para n~g panaghóy ng nananambitan". Sa "Kun sino ..." ay gaya ang nakalagay sa lugal ng "para"—na sa malas ay kusang binago, upang wagasin ang pananagalog. Iginalang ni P. Sayo ang "para".
[31] "na ang uica,i, "Laurang aliu niyaring budhî". Sa "Kun sino ..." ay ganitong kamalian ang nakalagay: "ang wika ay !Larawangaliw niyaring budhi!" Napaghahalatang ang "Larawan" ay kamalian lamang ng limbagan; nguni't kinusa ang pagkakagawa ng "ang wika ay" ... sa lugal ng "na ang uica,i, ..." Kay P. Sayo ay wala ring "na", at ang "ay" ay ginawang ligazon at ikinabit sa "wika".
[32] "nan~gaca-tin~gala,t, parang naquinyig". Pilay. Maliwanag na kamalian ng limbagan ang "naquinyig". Dapat basahing "naquiquinyig".
[33] GAPUS. Sa "Kun sino ..." ay "gapos" at kay P. Sayo. Ang "gapus", na katimbang ng "nakagapos", ay siyang tumpak.
Sa sinusundang talata, ang katagang "mahapis" ay nakalagay na "mahahapis" kay P. Sayo. Kaya, naging labis.
[34] "Nang matumbasan co ang lúhà, ang sáquit". Sa iba ay ganito naman: "Nang matumbasan ko ang luha nang sakit". Ginawang "ang luhan nang sakit" ay pagkagandagandang "... ang lúha, ang sáquit".
[35] CALULUNURAN. Sa "Kun sino ..." ay "kalunuran" ang nakalagay; kaya, naging pilay. At ang "pagcatungó" ay "pagkatungo" naman kay P. Sayo. Tumpak ang "pagcatun~gó", pagka't "tun~gó" at di "tungo" ang ibig sabihin. Pantay-mata na ang pagkakatungó ng araw. Inilalarawang parang isang taong napakataas ang araw, at noong tumun~gó ay abot sa pantay-matá ang lagay ng kanyang ulo. Napakagandang larawan!
[36] "ang sa pagcatali,i, liniguid n~g hirap". Páhiná 68Ganito rin kay De los Santos at kay P. Sayo; nguni't sa "Kun sino ..." ay ganito naman—na ayon sa patotoo ng anak ni Balagtas ay mali—: "yaong natataling linigid ng hirap". Sa malas ay walang malaking kaibhan ito sa nauna; nguni't nagkakaibang totoo. Sa una ay kay liwanag na ibinabadhang ang hirap na lumiligid sa nakatali ay anak ng pagkakatali, samantalang dito sa huli ay di maliwanag na ganyan ang ibig sabihin.
[37] "sa nan~ga-calabang maban~gís na hayop". Ganito rin ang na kay P. Sayo; nguni't sa "Kun sino ..." ay ganito naman: "sa mga kalabang mabangis na hayop". Ginawang "mga kalaban" ang "nangacalaban".
[38] "Halos nabibihay sa habág ang dibdib". Sa iba't iba ay pawang "nabibihag"—sa lugal ng "nabibihay"—ang nakalagay. Na, isang tunay na kamalian. Tama ang "bihay". Sinsay ang "bihag". At ang kahulugan ng "bihay"—na isang salitang lipas na ngayon—ay "punit", bagama't lalong matindi sa rito. Sa ngayon ay katimbang na ng "waray".
[39] "ang aquing hinin~gang camataya,t, sáquit". Sa Kun sino ..." ay ganito ang nakalagay: "ang aking hininga, kamataya't sákit". Kay De los Santos ay ibang-iba: "no permitiste que trizas hicieran—de mi cuerpo, vida y padecimientos" ang pagkakastila niya sa "at di binaya-ang nagca-patíd-patíd—ang aquing hinin~gáng camataya,t, sáquit". Napakalaya ang pagkakakastila. Nagkaroon ng "cuerpo" (katawan)—na pinalitaw ng "trizas"—at nawalan ng "camatayan" (muerto).
Kay P. Sayo naman ay ganito: "ang aking hininga'y kamataya't sákit". Ito at ang sa "Kun sino ..." ay di wasto. Sapagka't ang isinisisi ay kung bakit di pa pinaubayaang nagkapatidpatid ang kanyang hininga, na isang hiningang tunay na kamatayan at sakit.
Sa balangkas na "at di binayaang nagkapatidpatid ang aking hininga'y kamataya't sakit", dahil sa pagkakapalit ng mga ligazon at sa pagiging "y" ng "ng", ang kiyas ay nawala, tumamlay at naging mawigwig ang pangungusap; samantalang puspos ng ganda ang "at di binayaang nagkapatidpatid ang aking hiningang Páhiná 69kamataya't sákit"!
[40] HUARAN. Hindi "houaran". Nararapat daliriin ang katagang ito, upang samantalahin na ang pagdaliri sa madlang salitang sa aklat na ito ay paibaiba ang pagkakasulat. Ang "buan", "catuiran", "lualhati", "sasaquián", "nanaquiát", "balaquiót", "hain", "suliáp", "catauán", "quiás", "masiasat", "díatà", "mapataniag", "mag-adia", atbp., ay pawang may mga "bagong damit na ibang-iba ang tabas sa piling ng karamihang pawang tabas noong 1834"—na bagong kasisilang ang "Florante". Ibig naming sabihi'y ang ganyang pagkakasulat—na ibang ibang-iba sa karamihan—ay pawang gawa na lamang ng limbagan o ng kahista, noong 1861. Hindi ganyan ang sa noong 1834. Ang "bouan", "catouiran", "catao-an" atbp., ay siyang sa matandang paraan, na ginamit ni Balagtas sa kabuuan ng aklat, at ang nangadaliri sa una ay pawang kabaguhan na lamang sariling gawa ng kahista. Dito napaghahalatang nang mga araw na yaong lumabas ang siping ito—1861—ay nakikipangagaw na sa datihang paraan ang kaparaanang inabutan at binago naman ng ating Rizal at nina Dr. Pardo de Tavera: bagong kaparaanang siyang tinanggap at pinairal ng "Katipunan" at ng Panghihimagsik, at sumapit hanggang sa mga araw na ito. Hanggang sa mga araw na ito, ang aming sabi, at ito ay di tunay na wasto. Napakarami ang mga kabaguhang nairagdag kina Rizal, nitong mga huling panahon, at sa mga kabaguhang ito ay may napatay pa ang bagong pasok ng mabunying Mariano Ponce, atbp. Ang pagbabagobagong dinanasan ng ating Ortograpia ay isang bagay na napakalawig isaysay. Kaipala'y walang ibang kahambing sa kasaysayan ng iba't ibang wika sa Daigdig. At iyan ang tatangkain namin sulatin sa mga darating na araw. Lubhang kailangan, na matalos ng lahat.
[41] "sa gauâ at uica,i, dí mahuhulihan". Ganito rin, sa malas, ang na kay De los Santos; nguni't sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay "nahuhulihan" ang nasa mahuhulihan".
[42] "n~g magandang asal ng amá co,t, iá." Maliwanag na kamalian ng kahista ang "iá", na dapat basahing "iná".
[43] "Ang pagcatutu co,i, anaqui himalâ". Kay P. Sayo ay may pang-ugnay na "y" ang "anaqui"; at ito'y mapaghahalatang mali. Ang mga "anaqui" ni Balagtas ay di ginagamitan ng ligazon.
[44] "Minulan ang galí sa pagsasayauan". Sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay nakalagay ang "galit" sa lugal ng "galí", na tunay na malingmali. Bakit magiging "galit" ang pagkakatuwa, na sinimulan sa sayawan? Ang "galí" ay isang salitang matanda, na ang kahulugan ay "burco" (gaya ng pagkakastila ni De los Santos) o di kaya'y "alborozo", "alivio" o "consuelo" sa wika ni Cervantes. Ang "galí" ay ang ingay na bunga ng kagalakan, ang pulot at gata ng pagkakatuwa at paglilibang ng marami. Sa ibang kataga ay "galí" rin ang aliw at kaligayahan. Maaari na nating ituring, na patay na ngayon ang katagang iyan. Kahinahinayang!...
[45] NIYAONG. Hindi "niyang", gaya sa iba. Isa rin iyang "malabalagtas" na sukat, na labis man sa pagkakasulat ay di naman sa pamimigkas.
[46] NIYARING. Sa "Kun sino ..." ay "yaring". Sadyang pinutlan marahil, dahil sa labis na sukat—dahil sa ortograpia!
Isa pa ring "malabalagtas" na sukat iyan—na di nagpipitagan sa "kumpas ng ortograpia" kundi sa "kumpas ng prosodia".
[47] "pailag-ilagang parang baselisco". Sa "Kun sino ..." ay "t" ang nakaugnay sa "pailag-ilagan", na isang tunay na kamalian.
[48] "súcat na ang titig na matáy sa iyó". Ang "matáy" ay naging "matá" kay P. Sayo, na may ligazon "y"; at ang "namatáy sa iyó" ay naging "ang matay sa iyo" sa "Kun sino ...".
[49] "sa Crotonang baya,i, ..." Kay De los Santos at sa "Kun sino ..." ay "reino" ang nakalagay sa "bayan"; nguni'y kay P. Sayo ay bayan din.
[50] "ay magcacalisiyâ". Sa "Kun sino ..." ay Páhiná 71ginawang "magkakalisya". Inalis ang "i". Dahil sa labis sa bilang ng pagkakasulat. At kay P. Sayo, bukod sa iniklian na ay ginawa pang "n" ang "m".
[51] BUCAS. Sa iba ay "araw" ang nakalagay. Na isang kamalian. At mali, sapagka't sa dakong unahan ay may ganitong saad: "Salamat at niyaóng sa quinabucasan—hucbo co,i, lalacad sa Crotonang bayan"; kaya, tama ang "Dumating ang búcas". Hindi dapat baguhin.
[52] ALIU. Maliwanag na kamalian. Tama ang "alin" na nasa "Kun sino ..." at kay P. Sayo.
[53] AROPOS. Maliwanag na kamalian ng limbagan. "Atropos" ang ibig sabihin.
[54] NACATIGHÁO. "Natitighaw" sa "Kun sino,.." at kay P. Sayo naman ay "katitighaw".
[55] NAG-AAGAUANG. Walang ligazon "g" sa "Kun sino ..." at linagyan naman ng kuwit (coma) ni P. Sayo sa lugal ng ligazon.
[56] NAGDALAMHATI. Sa "Kun sino ..." ay "nagpipighati".
[57] BAGONG. Sa iba ay "boong" ang nakalagay.
[58] GUBA,T, ... Maliwanag na kamalian ng limbagan. Dapat basahing "gúbat".
[59] "cahit bahag-yâ na macaquitang landás". Sa "Kun sino" ay ganito: "Kahít bahagya ng makita ang landas". At ganito naman kay P. Sayo: "kahi't bahagya na makita ang landas".
[60] "ang caniyang búhay na cahabág-habág". Ganito rin ang na kay P. Sayo; nguni't ang sa "Kun sino,.." ay napalitan ng "at pagkawakawak" ang "na cahabag-habág".
[61] "Aniya,i, sa madláng guerrang pinagda-anan". Ganito rin halos ang kay P. Sayo, at ang tanging ikinaiiba ay ginawang ligazon "y" ang "ng" sa "guerra"; nguni't sa "Kun sino" ay "dinaanan" naman Páhiná 72ang nakalagay. Ito ang tama, sa palagay namin, bagama't ang pagkasulat ng "pinagda-anan" ay nagpapakilalang lalong matanda ito kay sa "dinaanan" at wari'y hindi kamalian lamang ng limbagan. Sa malas nga ay "pinagda-anan" ang tunay na titik ni Balagtas, at kaya nga lamang maaaring pag-alinlanganan ay dahil sa kalabisan ng pantig. Nguni't di baga labis din yaong nangasa unahang: "na quinalalaguián" at "sa masayáng doon~gan"? At kung sa dalawang ito'y napatalisod si Balagtas ay bakit di maaaring napatalisod din sa "guerrang pinagda-anan"?
[62] DIANA,I, ... Sa iba ay walang ligazon "i".
[63] "Ano pa,t, pinalad na aquing dinaig—sa catiyaga-an ang púsong matipíd". Sa iba ay "nang pusong matipid" ang nakalagay, na isang tunay na kamalian. Kaya, naging patumbalik. Ang napalarang daigin sa katiyagaan ni Aladin ay ang pusong matipid ni Flerida. Kaya, tama ang "ang".
[64] "May anim na n~gayong taóng ualang licat". Ganito rin ang kay P. Sayo; nguni't sa "Kun sino ..." ay nagkapalit ng lagay ang "n~gayong" at "yaóng", at lumabas na humál.
[65] "nang suyò nang harì"". Sa iba ay "sa suyo nang hari", at siyang tama.
[66] "at nang ma-iligtas ang búhay nang ibig". Sa "Kun sino ..." ay "maligtas" ang nakalagay; kaya, naging pilay; at upang malunasan ang kapilayang ito ay dinagdagan naman ng "nga" ni P. Sayo; "at nang maligtas nga ..."
[67] NAGHUNOS. Sa iba ay "naghugos"; at ito ang tumpak. Sinsay, at di kapit, ang "naghunos".
Nguni't, sino kaya sa atin ang makapagsasabing nang panahon ni Balagtas ay di wasto iyan? Sino ang makatitiyak, na noong panahong yaon ay may kahulugan ding gaya ng angkin ngayon ng "hugos" ang katagang "hunos": katagang sadyang may kung ano anong kahulugan ay ibig sabihin, magpahangga ngayon? At sino sa atin ngayon ang makapagsasabing tahasang hindi isang Páhiná 73salitang bago ang "hugos", na umuri lamang sa "hunos"? At sino sa ating nagsisipagsuri ngayon sa wika natin ang makapagpapasinungaling sa maaaring sapantahain ng kahi't sino, na iyang "hugos" ay isa lamang kamalian ng "hunos", at dahil sa napapasok at nagkasalin-salin na sa iba't ibang palimbag ng "Florante" ay naging palasak na tuloy at naging isa nang wastong salita, dahil sa bisa ng kabuniyan ng "Florante"?
Sa wika, gaya rin naman ng sa iba't ibang bagay ay nagbabagobago ang lahat. At sa pagbabagobagong iyan ay may mga bagay na nagkakaibaiba ng pangalan, at may mga salita namang nagkakaibaiba ng kahulugan.
At parang katunayan ay maitatanong natin; ano at saan galing ang "halip"? Laláng lamang. Parang kinuha lamang sa "hulip"—na ang kahulugan ay ilagay ang isang bagay sa dating kinalalagyan ng ibang nawala o nasira. Hinuhulipan o linalagyan ng mga panibagong bulubod ang gayon o ganitong bagong tanim na palay, na sinira ng agos ng tubig; at hinuhulipan din ang atip na butasbutas na at sira. At sa "hulip" na iyan linaláng ang "halip"—na siya ngayong nakikipangagaw na sa kastilang "lugar" o "lugal", sa pangungusap na ganito, halimbawa: "Sa lugal na papagsarilinin at di't kundi bagkus pang binigtihan ng pagasa."
Gaya na lamang ng "Makata": ano ito? Sa dati'y "mapagkatakata", mapagsalita ng kung anoanong di katotohanan, mapaglubid ng buhangin, ang kahulugan: na isang katagang mahalay na ikapit sa Poeta. "Mangangatha" at "manunula" ang tawag noong araw sa poeta. Nguni't ginawang "makata"—buhat sa "makatha" na kawangis ng "mapagkatakata"—, at ang kabalbalan ay naging isa nang tunay na salitang tumpak.
May hihigit pa ba sa kabalbalan ng "lalawigan"? (Sa isang kasulatang matanda (1865) ay nakita kong ginagamit ang katagang ito. Nito lamang buwan ng Hulio 1938 nabasa ko.-C. R.). Ang katagang iyan, na "puerto" ang ibig sabihin, ay nagkaroon na ngayon ng kahulugang "provincia". At bakit? Dahil din sa kamalian. Naging sukat ang pagkakagamit sa panahon ng Himagsikan ng "lalawigan ngPáhiná 74 Kabite" upang ipagkamaling "Provincia" ang ibig sabihin ng "lalawigan", at ang kamaliang iyan ay naging palasak na at nagkaroon ng ibang kahulugan. Tama ang "lalawigan ng Kabite" sapagka't talagang "puerto" ito; nguni't sabihing "lalawigan ng Bulakan", halimbawa, ay isang tunay na kabalbalan. At ang kabalbalang iyan ay tama at tumpak na ngayon.
Ganyan din ang masasabi sa "aklat". Ginawang "libro" ang "aklat", kahi't hindi tama, pagka't "aklatan" ang "libro", at wasto na ngayon. Ang "aklatan" ay ginawa namang "biblioteka" at "libreria", at tama na rin ngayon.
Ang "talikala" ay "Tanikala" na ngayon, ang "lupong" ay "lupon" na, ang "tangso" ang "tanso", ang "taliba" (talibahan, salitang naging palasak nang sabihing: "talibaan" sa lugal ng "talibahan"). Ang "iklog" ay kasalit ng "itlog", ang "ista" ng "isda", ang "maselang" ng "maselan", ang "kaanak" ng "ának" o "angkan", ang "kaagad" ng "agad" o "agadagad", ang "gaang" ng "gaan"; at ibig nang makipagkamali ng "laan" sa "taan", ng "takda" sa "tadhana", ng "kagalawad" sa "kagawad", ng "alumana" sa "alintana", ng "tagapaglaganap" sa "tagapamansag" o "tagasiwalat", ng "kabulastugan" sa "kabalbalan", atbp.
[68] "Ano pa n~gayóng gúbat na malungcót". Magkakabit ang "n~gayaóng": maliwanag na kamalian. Sa "Kun sino ..."ay "ano pa ngat yaong ..." at sa palimbag ni P. Sayo ay "ano pa at ayaong" ...
[69] "macailang hintóng canilang malimot". Kay P. Sayo ay "nalimot; at sa "Kun sino ..." at iba pa ay "makaitlo" ang nasa "macailán". May palagay kaming ito ang tama, at mali ang "makaitlo". Si Balagtas ay di kaibigan ng mga tinatawag nating "viciso de dicción". Ang "makaitlo" ay kahambing din ng "makaipat" at "makainom", na pawang likha lamang ng mapaglarong dila, sinsay sa tumpak na pagbabalangkas, at pinsang buu ng mga "buo". "nuon", "puon", "suob", "duon", "lieg", "luok", "suot", atbp.; mga katagang hinlog na malapit ng mga "maselang", "magaang", "sangla", "sanghi", "bungmasa", "ungmayaw", "kungmain", "iyuna", "iyalinsunod", atbp.Páhiná 75
Makaitlo! Bakit di naman sabihing "makailawa"?
Makaipat! At bakit di naman "makailima"?
Makainem! Ano nga at di naman "makaipito", "makaiwalo" at "makaisiyam"?
Bakit nga hindi naman? Ano ang sanhi?
Dili iba kundi sapagka't sa iba't iba ay mahirap na palunduin o papagduyanin ang dila. Sa ikalawang pantig lamang, buhat sa hulihan, nakapaglalaro ang dila, at di maaaring gawing "makailima" o "makaiwalo" sapagka't dalawa pang pantig ang nasa hulihan. Hindi naman magawang "makaliima", "makapiito", "makawailo" at "makasiiyam", sapagka't "magdidilang intsik" na naman.
[70] "cong aco,i, magbalík na may hocbong dalá". Maliwanag na mali rito ang "aco,i, " ...Dapat basahing "icao", gaya ng sa iba. Kay P. Sayo, ang "ikaw" ay sinundan ng "ay", kaya lumabis sa bilang.
[71] NA. Sa iba ay "ang" ang nasa "na".
[72] ITONG. Ang katagang ito ay "yaong" sa iba.
[73] NAUICA. Sa iba ay naging "winika". Yaon ang lalong tumpak, pagka't sa dagsa ng kaligayahan ay di sinasadya, kundi parang bunga at atas lamang ng sigaw ng puso, ang "nauica" o naisigaw ay "Viva si Florante!"....
[74] NAGCA-CASING-SINTA ... Sa "Kun sino ..." ay "magkasing sinta". Pilay. At nagkaroon ng ibang kahulugan. Sa "magca-casing-sinta" ay sina Florante't Laura at sina Aladi't Flerida ang ibig sabihin; nguni't dahil sa pagiging "magkasing sinta" ay dalawa lamang ang lumabas at di apat.
Narito ang ilang paliwanag, na maaaring ituring na "galó" lamang, kung baga sa bigas, ng napakaraming sukat na daliriin, kung isusumag ang sipi naming ito sa iba't iba pa. Maaaring sabihin, pagka't siya namang Páhiná 76totoo, na ang tanging pinagsumagan ay ang "Kun sino ..." na siyang kahulihulihang lumabas noong mapasakamay namin ang "Florante" nina G. Alfonso Mendoza; at sakali mang nabanggit dito ang palimbag ni G. P. Sayo at ang kay G. De los Santos ng sapagka't kaharap na lamang namin ngayon.
Ano pa nga't kung pagtitiyagaang isumag pa sa palimbag ni G. Sayo, at ayon sa isa lamang pagbasang ginawa namin, ay makikita ang di mabilang na pagkakaiba. Ang sa "Kun sino ..." ay tila sipi sa "Florante" o sumag sa iniingatan ni Dr. Pardo de Tavera, na binago nga lamang ang pagkakasulat, ayon sa bagong ortograpia. Ang nasabing "Florante" ay limbag noong 1870; na may siyam na taong kahulihán lamang sa sinipi namin. At kung sa loob lamang ng siyam na tao't nagkaroon na ng di mabilang na "kabaguhan", saan di nga lalo na sa mga linimbag nang mga taong huli sa 1870? Kaya, mapaghahaka na natin kung gaano ang kaibhan ng "Floranteng" ito sa mga lumitaw nitong mga huling panahon!
At ang pagkakaibaiba ay di dapat ipagtaka, kung aalagataing maging sa siping itong lumabas nang 1861, gayong buhay pa si Balagtas ay kay dami na rin ng kaibhan, sa pagkakasulat. At maging kami man naman, gayong pinakaingatan na ang pagsipi, ay di pa rin kami lubos na panatag. Hindi rin namin mapangahasang sabihing tahasan at ng boong tigas, na ito'y walang kamalimali, hindi na sa pagkalimbag ngayon, kundi maging sa pagkasipi na lamang namin.
Nag-aalinlangan din nga kami. At bakit? Sapagka't sa siping ito ay napuna namin ngayong may lumabas na "isinusuob", "voces", "muog", na sa palagay namin ay gawa lamang ng isang pagkakaligta. Hindi namin matiyak ngayon, kung ang "voces" ay sadyang nasa "Floranteng" sinipi namin. May paniwala kami ngayong iyan ay nakuha lamang sa "boses" ng nasa "Kun sino ..." at bagama't nabago namin ang "b" ay nakaligtaan na ang unang "s" at di nagawang "c". At ang paniwalang ito ngayon ay lalong pinagtitibay ng mga kasalit na "voces" sa iba't ibang dako. Ni noong 1861 man ay wala tayong makikitang "voces". Tunay man ngang marami ang binago noon ng kahista—gaya ng "balac-yot", "datapoua", "loualhati",Páhiná 77 "catouiran", "catao-an'", "hayin", "bitoin", "hocbo", "muc-ha", "caniya", "ayauan", "ac-yat", "cong", "condi", atbp. na ginawa niyang "balaquiot", "hucbo", "mucha", "cania", "aiuan", "aquiat", "cun" at "cundi",—ay mapaninibulusan nating hindi niya mapagkakamalang gawing "voses" ang "voces". Kaipala'y isa rin niyang kamalian—sakaling hindi amin, na parang nagagad na lamang namin sa "Kun sino ..."—ang "suob" at "muog"; nguni't ang "voces" ay aming kamalian marahil. Nagagad nga lamang sa "Kun sino ..." gaya ng pagkagagad sa dalawang huling "muog" at "suob". Ang dalawang salitang ito ay lalik ng mapaglarong pamimigkas, na kasamahan ng "buo", "nuon", "punon", "lieg", "puot" at iba't iba pang walangwala sa mga panahong yaon ni Balagtas. Saan mang matatandang awit at kurido ay di makakikita ng "muog", "hucbo" atbp., kundi "moog" at hocbo". Isa pang bagay, na dapat mapansin, ay ang mga katagang: SAGLIT-SAGLIT, sa
"dini sa li-ig co,i cúsang isasabit
tuhog na bulaclac sadyáng saglit-saglit" ...
LUHA, sa
"sa m~ga palayao ni amá,t, arugâ"
malaquing palad co,t, matamís na luhâ".
MAG-AALA-ALA, sa
"ito ang mapaít sa lahat nang dusa,
!sa aquin ay sino ang mag-aala-ala"
NANG, sa
"Cung nasusuclám ca sa aquing candun~gan,
lason sa pusô mo nang hindi binyagan"...
ANAQUI,T, sa
"Pag ibig anaqui,t, aquing naquilala
di dapat palac-hin ang bata sa saya"...
UALANG, sa
"ay bago,i, sa mundo,i, ualang quisáp matá
ang tauo,i, mayroong súcat ipagdusa".
Páhiná 78 UICA,I, sa
"cundî ang uica,i, "icao na umagao
nang capurihan co,i, dapat cang mamatáy".
HOMIHIP, sa
"homihip ang han~gi,t, agád mahiualáy
sa pasig Atenas ang aming sasaquián".
MAGCATOTOO, sa
"aniya,i, bihirang balita,i, magtapát
cong magcatotoó ma,i, marami ang dagdág".
NAGLALATHALA, sa
"na naglalathalà sa sangsinucuban
nang capurihán co at capangyarihan".
NADARARANG, sa
"caloloua,i, gulo,t, púso,i, nadararáng
sa nin~gas nang sintang bago cong naticmán".
NA UNANG, sa
"Dito co naticmán ang lalong hinagpís,
higuit sa dalitang na unang tini-ís"...
NGUNI,I, sa
"N~guni,i, cun ang ó-o,i, dî man binitiuan
naliuanagan din sintang nadidimlán".
PAGTULOG, sa
"dapoua,t, ang baya,i, tat-long arao halos
na nacalimutan ang gauíng pagtulog".
ACA,I, sa
"Ang aca,i, cong hocbo,i, cúsang pinahimpil
sa paá nang isang bundóc na maban~gin"...
TAUAGIN, sa
"Pan~gimbuló niya,i, lalo nang nag-álab
nang aco,i, tauagin tangulan n~g Ciudad"...
Páhiná 79 CORONA, sa
"ang Conde Adolfo,i, nag-papacamatáy
dahil sa Corona, cay Laura,i, macasal".
AQUIN, sa
"Dî binig-yang daang aquing pang mabunot
ang sacbát na cáliz at maca-pamoóc."
BAYAAN, sa
"!ay Amá co! ¿baquit...? !ay Fleridang toua!
catoto,i, bayaan aco,i, mapayapa".
MAGTA-ANANG, sa
"aquing na-acalang magdamit guerrero
cúsang magta-anang sa Real Palacio".
Tungkol sa "sagli-saglit" ay di kaya kahalintulad iyan ng salitang "hugos"? O lalong maliwanag: ang "g" kaya riyan ay di katulad lamang ng "g" sa "hugos"—na naging isa lamang kamalian, at kamaliang sa bisa rin ng kabunyian ng "Florante" ay nagkaroon na tuloy—ang "saglit"—ng kahulugang walang pinag-ibhan ngayon sa "salit"? Walang pinag-ibhan, ang aming sabi, at ang ganito ay di lubhang wasto. Nararapat ipaliwanag, na ang di pagkakaiba ay ayon lamang sa ilan diyan. Sa ganang kanila, ang "saglit" at ang "salit" ay iisa rin, gaya ng pagkakaisang kahulugan ng "alumanahin" at "alintanahin", ng "kagalawad" at ng "kagawad", ng "umahon" at ng "lumusong", atbp. Nguni't sa katotohanan ay iba ang "saglit" at iba naman ang "salit". Ang una ay kasinghulugan halos ng "sandali", bagama't ang "salit"—ay kasingkahulugan naman ng "halo", o ng "kasama", o ng "ibaiba".
Kaya, ang "saglit-saglit" sa tulang: "dini sa li-ig co,i, cusáng isasabit—tuhog na bulaclac sadyang saglit-saglit" ay isang kamalian lamang ng "salit-salit"—na napasukan lamang ng "g", at ang kamaliang iyan ay hindi na nabago, nanatili na sa habang panahon, hanggang sa dahil nga sa kabunyian ng "Florante" ayPáhiná 80 naging sanhi na tuloy ng pagkakaroon ng kahulugang gaya rin ng "salitsalit" o "sarisari".
Tungkol sa "luha" ay ganito rin ang na kay P. Sayo; nguni't kay De los Santos—"grande seria mi suerte y harto apetecible"—at sa "Kun sino ..." ay "lubha" ang nakalagay....
"malaking palad ko't matamis na lubha" ... na napaghahalatang kay liwanag na kamalian. At mali, sapagka't "luha" nga lamang "ang ualang patid na ibinabaha nang mga matá" ni Aladin. Anya:
"Cun ang ualang patid na ibinabahá
n~g m~ga matá co,i, sa hinayang mulà
sa m~ga palayao ni amá,t, arugà
malaquíng palad co,t, matamis na luhà".
Nariyan nga ang isa pang salitang napasukan ng isang malikot na "b", na ipinag-iba ng kahulugan, at kaibhang mahirap na mahalata, kung walang ibang siping mapagtutularan.
Tungkol sa "mag-aala-ala": ito ang kay hirap na kilalanin. Hindi natin malaman kung talagang iya'y kasamahan lamang ng mga "kinalalagi-an" at "doon~gan", na kay hirap hinagaping kamalian lamang ng kahista, o kung tunay na kamalian nga lamang nito. Lalo't kung ganyang ang pagkakasulat—"mag-aala-ala"—balangkas matanda at kauri ng "catao-an", "muc-ha" at iba't iba, ang alinlangan ay maaaring laktawan sa pamamagitan lamang ng pag-aming iyan nga ay kinatisuran lamang ni Balagtas. Nguni' t hindi naman kaya "mag-aalala" ang diya'y nakalagay? Hindi kaya ganito ang pagkakatula?:
"ito ang mapait sa lahat nang dusa
¡sa aquin ay sino mag-aala-ala!"
O ang "sino ang" ay di kaya "sinong" upang basahin namang gaya ng na kay P. Sayo?:
"Ito ang mapait sa lahat nang dusa
¡sa aquin ay sinong mag-aala-ala!"
Tungcol sa "nang", sa tulang:
"Cung nasusuclám ca sa aquing candun~gan,
lason sa pusô mo nang hindi binyagan"...
ay "ang" ang nakalagay kay De los Santos at sa "Kun sino ..."; nguni't sa aming sipi at kay P. Sayo ay "nang" ang nakalagay. Isa rin itong mahirap pasiyahan. Walang alinlangang ang "ang" ay lalong maliwanag—(lason sa puso mo ang hindi binyagan)—at kasingliwanag ng "sa" sa saad na:
"ang di nabalinong matibay kong dibdib
sa suyo ng hari, bala at paghibik"....
na ipinalit ng "Kun sino ..." sa "ng" na nauuna sa "suyo"; wala ngang alinlangang ang dinadaliring "ang" ay kasingliwanag ng "sa"; nguni't hindi kaliwanagan, ayon sa pangwatas natin ngayon, ang dapat na papaghariin, kundi ang katotohanang ginawa ni Balagtas. Para sa atin ngayon ay may ilang nadadaliri tayong malalabo sa ating pangwatas, gaya halimbawa niyaong nagsisimula sa:
"Parang naririn~gig ang laguì mong uica"
at niyaong "maglilong lácad" sa:
"¿cagandaha,i, báquit dî macapagcalág
nang pagca capatid sa maglilong lácad?"
at saka niyaong:
"¿dili ang dan~gal mong dapat na lin~gapin
mahiguit sa ualáng cagandaha,t, ningning?"
lalo na yaong biglaang isinaksak na lamang at sukat, na parang panauhing sumipot na lamang at sukat, walang ano mang kapasapasabi at ni hindi man lamang nagbigay ng "magandang araw", na:
"!cung anó ang taás, n~g pagcadaquilâ
siyaring lagapác namán cong marapá".
na ginawang pangdulo sa tulang nagsisimula sa: "Ito ay hámac pa bagáng sumansalà ...?"Páhiná 82
Ang lahat ngang iyan ay pawang tila hindi wasto, sa ganang atin ngayon, at tila malabo. Hindi wasto ang pagsipot at sukat nitong kasabihang panghuli; hindi wasto, sa kahulugang di dapat mapaugnay sa mga sinusundan; at ang nangauuna naman ay malalabo sa atin ngayon, hindi maliwanag. Nguni't gayon pa man ay karapatdapat na igalang, huwag baguhin, pabayaan sa datihang lagay.
Kaya, malabo man nga ang "nang", at lalo man ngang maliwanag ang "ang", iyang "nang" na iyang naging "ang" sa "Kun sino ..." ay tila dapat ding igalang. Hindi kailangan kung malabo man. Anong malay natin kung maliwanag iyan sa kanilang pagbabalangkas noong araw? Saka, ang "nang" diyan ay maaaring itinatalamitan ni Balagtas sa "candun~gan", at ang ibig niyang palitawing lason ay hindi ang "di binyagan"—ang moro—kundi ang "candun~gan ng hindi binyagan"—ang kandungan ng morong sa malas ay kinasusuklaman ni Florante.
Tungkol sa "anaqui,t,"—may ligazon "t"—ay ito ang tanging "anaqui", na ginamitan ng pang-ugnay ni Balagtas, sapagka't talagang garil, pag hindi linagyan. Hindi nga maaaring sabihin ang:
"Pag ibig anaqui aquing naquilala"....
subali't sa iba't ibang nasangkapan ng katagang iyan ay hindi nangailangan ng ano mang pang-ugnay ó ligazon.
"Tungkol sa Ualang", sa saad na:
"ay bago,i, sa mundo,i, ualang quisáp matá
ang tauo,i, mayroong súcat ipagdusa".
ang "ualang" naririyan ay "balang" sa iba't iba. Aywan natin kung alin diyan ang tumpak; at kung aalagataing sa talatang iya'y may isa pang katagang napaiba rin kay sa nangasa ibang "Florante" ay lalo na tayong mag-aalinlangan. Hindi nga lamang "ualang" ang napapaiba, kundi gayon din naman ang "bago,i,"—na sa iba, ay walang pang-ugnay. "Bago" lamang ang nakalagay, gayon sa "Kun sino ...", gayon sa palimbag ni P. Sayo.Páhiná 83
Tungkol sa "uica,i," sa sabing:
"cundî ang uica,i, "icao na umagao" ...
ay lainlangan kami sa aming sipi. Hindi namin matiyak kung talagang ganito ang sinipian namin, o kung natularan lamang namin ang ganyang nasa "Kun sino ..." Nguni't kay P. Sayo ay dinagdagan ng "hin"—ginawang "kung hindi" ang "cundî"—upang maging tama lamang ang bilang. Dapuwa't pabaligtad na lumabas. Salungat sa ibig sabihin ni Balagtas, at sinsay sa tumpak na paggamit ng "kundi" at ng "kung di". Iba ito at iba yaon. Maging sa kastila man ay iba ang "sino" sa "si no"; at si Balagtas, na dalubhasa, maging sa tagalog at maging sa kastila, taong nag-aral at nakatatalos kung ano ang kahulugan ng isa at isa, ay hindi makagagamit ng "kung hindi" sa dapat sabihing "kundi", gaya na nga sa dinadaliring pangungusap. Ang dagdag ngang "hin" ni P. Sayo ay hindi kay Balagtas.
Tama ang sabi ni De los Santos, na sa katagang "uica,i," isang kamalian ang nagawa. Sa kanyang salin ay "uinica" ang nakalagay. At ito, sa palagay namin, ang tama. Siyang nasa tunay na "Florante".
Tungkol sa "homihip", sa tulang:
"homihip ang han~gi,t, agád nahiualáy
sa pasig atenas ang aming sasaquián".
ay "humihip" din ang nakalagay kay P. Sayo at sa ingat ni De los Santos; nguni't sa "Kun sino ..." ay "umihip". Na, isang katagang maringig sa maraming bibig, Walang pinag-ibhan sa "ipin" (ngipin), "usò (nguso), "alâ" (walâ), "angin" (hangin), at marami pang kabalbalang nagkalat diyan.
Tungkol sa "magcatotoo", sa tulang:
"aniya,i, bihirang balita,i, magtapát
cong magcatotoo ma,i, marami ang dagdág".
ay isa rin sa nasa aming siping pinag-aalinlanganan namin, kung ganyang nga kayang talaga ang nasa aming sinipian, o kung nagagad lamang namin sa "Kun sino ..."Páhiná 84 ayon kay De los Santos ay "magtotoo" iyan, at ganyan din ang na kay P. Sayo. At tila ganito nga ang tama. Ang "magtapat" at "magtotoó" ay parang "mangga at suman" o "pulot at gatá sa balangkas na iyan. Nguni't, hindi naman kaya ang "cong" o "kung" ang labis diyan? Hindi kaya ang talagang ginawa ni Balagtas ay:
"...bihirang balita,i, magtapat
magcatotoo ma,i, marami ang dagdág"?
Tungkol sa "naglalathala" ay naging "m" sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo. Ganito rin—("difundirâ")—ang kay De los Santos. Subali' t ang aming sipi, na di namin pinag-aalinlanganan, ay "naglalathalà" ang talagang nakalagay. May palagay kaming ang "maglalathala" ay siyang talagang tumpak, sapagka't sa dakong unahan ay may ganitong pangungusap:
"Ang uica,i, ó Duque, ang quiás na itó
ang siyang camuc-ha n~g bunying guerrero,
aquing napan~garap na sabi sa iyó,
maguiguing haligui n~g Cetro,t, Reino".
Maliwanag ang "maguiguing haligui"; at sa saad na ito ay walang ibang tumpak na ikapit kundi "maglalathalà ng capurihan co at capangyarihan". Mali nga ang "naglalathala".
At sa tulang kasisipi lamang ay may mapupuna rin tayong tila kamalian lamang: ang "aquing napan~garap na sabi sa iyó". May palagay kaming hindi kay Balagtas iyan. Nguni't ganyan ang nasa aming sipi at kay P. Sayo. Samantalang sa "Kun sino ..." ay "aking napangarap nasabi sa iyo". Na, lalong naging gago. Gago man sa pangungusap ang "aquing napangarap na sabi sa iyo" ay hindi sa pagkakasulat, sapagka't mayroong "na" sa pagitan ng "napangarap" at "nasabi". Nguni't ang "na" riyan ay hindi ligazon kundi tunay na panglapi, na gaya ng karamihang iba't ibang panglapi sa aklat na ito ay karaniwang inihihiwalay sa dapat lapian. Katunaya'y nariyan ang "mag hiualay", "na abâ" (isang na abâ), "nag hahandog", "mapag uunauà, "nag sisi silâ" (nagsisisilâ), "na acay" (naacay lumiyag), "mapag ala-ala", "ma anyó" (maanyong tumitig), "pag lililo", "nag hihimutóc", "nag aapuhap", "pang aliu", "mag Páhiná 85mulâ", "mag aama", "nag bagong hibic", "mag bubo", "mag papasalamat", "nan~ga caacmâ", "mag aliu", at marami pa: mga panglaping kung bakit inihihiwalay, gayong malimit din namang isama o ikabot sa mga ugat. Napaghahalatang sa mga kahistang gumawa sa "Florante" ng 1861 ay may napasamang mangmang; at ang pagkakaibaiba ng pagkasulat o pagkalimbag ng mga salita—na sa isang dako'y tumpak, kabit ang mga panglapi sa mga dapat sa kabitang ugat, samantalang sa ibang dako nama'y hiwalay at may pinagkakabit namang hindi dapat pagsamahin—ay walang ibang pinatutunayan kundi ang pagkakaroon nga ng araláng kinatulong ng mga sanáy at maalam.
At sa kamay ng araláng iyan nagdaang walang sala ang bahaging dinadaliri natin. Kaya, ang "na" ay napahiwalay sa "sabi". Na siyang sa "Kun sino ..." ay ikinabit sa dapat pagkabitan, ginawang "napangarap" "nasabi", at siyang lalong ikinagago. Gago na sa pamimigkas ay gago pa sa pagkasulat. Kaya, ang "na" kay De los Santos, na "lo seño y te avisó" (napangarap at nasabi sa iyo), ay siyang tama. Sa pamamagitan nito, ang kagarilan ng "aquing napangarap nasabi sa iyó" ay naging pagkasarapsarap sa "aking napangarap at nasabi sa iyo". Na, labis naman dito ang bilang ng pantig? Labis nga, sa pagkakasulat, nguni't hindi sa pamimigkas. Kahalintulad lamang ng mga halimbawang nadaliri na sa ika 20, ika 45 at ika 46 na paliwanag. At wala ring pinag-ibhan sa "dampiohan", na kung isusulat ngayon ay "dampiyohan", na:
"Halina, irog co,t, ang damit co,i, tingnán,
ang hindi mo ibig dampioháng calauang"...
Paano nga ang gagawin, kung ang "dampiohan" ay isusulat ng "dampiyohan", ayon sa bagong pagsulat? Mapaiikli kaya ang "dampiyohang kalawang", upang maging sukat sa pantig?
Na, sa salitang iyan ay maipapalit ang "dapyohan" pagka't siya ring kahulugan, at iisa rin naman ang "dapyo" at "dampiyo"? Maaari nga; nguni't sino ngayon ang makatitiyak kung alin ang ginamit ni Balagtas? At sakaling "dampiohan" ay ano at papapalitan natin sa para sa kanya naman ay iisang bigkas lamang Páhiná 86ang "iya", "iyo" atbp. ayon sa mga halimbawang dinaliri, at para sa kanya'y lalong mahalaga ang "bilang ng pantig sa pangungusap" kay sa "bilang ng pantig ng pagkakasulat"?
Tungkol sa "nadararáng", sa tulang:
"caloloua,i, gulo,t, púso,i, nadararáng
sa nin~gas n~g sintang bago cong naticmán."
sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay "nadadarang" ang nakalagay. Nguni't may palagay kaming ito'y binago lamang, upang maianyo sa pamimigkas ngayon, gaya rin naman ng pagkakabago sa katagang "marampî", na ginawang "madampî'", sa tulang:
"man~ga dalirî co,i, na aalang-alang
marampî sa balát na cagalang-galang".
Tungkol sa "na unang", sa tulang:
"Dito co naticmán ang lalong hinagpís,
higuit sa dalitang na unang tini-is"...
ang "na unang" na iyan ay kahalintulad lamang ng "na sabi" at "na aba", "na aalang-alang", atbp., na dapat basahing "naunang", "nasabi", "naaba", "naaalang-alang". Pawang kamalian lamang ng araláng kahista.
Tungkol sa "n~guni,i," ay naging parang bugtong na anak ang ligazon "i" o "y" sa lagay niyang ito. Ganito ang maliwanag at walang alinlangang nasa sipi namin: nguni't sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay ligazon "t" ang nakalagay. Sa sipi man naman namin ay laging "t" ang ginagamit sa mga pangsubaling "nguni" at "dapoua". Aywan nga kung bakit dito na lamang naging "i". Maging ang "y" sa "anaki'y" ng "Kun sino ...", sa kanyang:
"Pag-ibig anaki'y aking nakilala
di dapat palakhin ang batà sa sayá"...
pati nga ng "anaki'y" diyan ay "anaqui,t," sa sipi namin. Nguni't ang pang-ugnay na iyang "y" ay "isang halamang napakalusog at mabulaklak hangga nitong mga huling panahon at ngayon na nga lamang naging lanta". Páhiná 87Karaniwan ding gamitin, di pa nalalaon, sa mga "datapuwa" at "nguni" at "subali", na kaipala'y higit pa kay sa "t".
Tungkol sa "pagtulog", sa tulang:
"dapoua,t, ang baya,i, tat-long arao halos
na nacalimutan ang gauing pagtulog"...
ayon kay De los Santos ay "matulog" ang tunay; at kay P. Sayo ay "matulog" din nga ang nakalagay. Nguni't sa aming sipi at sa "Kun sino ..." ay "pagtulog" ang nakalagay.
Tungkol sa "aca,i," sa saad na:
"Ang aca,i, cong hocbo,i, cúsang pinahimpil
sa paá nang isang; bundok na mabangin"...
ay maliwanag na isa lamang kamalian "Akay" ang sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay ganito naman—naging "na" ang "cong".
"Ang akay na hukbo'y kusang pinahimpil
sa paa nang isang bundok na mabangin"...
Tungkol sa "tauaguin", sa tulang:
"Pangimbuló niya,i, lalo nang nag-álab
nang aco,i, tauaguin tangulan ng Ciudad".
Ang naritong "tauaguin tangulan" ay kahalintulad din marahil ng "napangarap nasabi". Hindi rin kay Balagtas marahil. Mahirap paniwalaang "balangkas Balagtas" ang kagarilang iyan. Kaya, kung paanong natuklasang may "at" ang "napangarap at nasabi", ayon kay De los Santos, ay dapat ding tuklasin ang lunas sa kagarilan ng tauaguin tangulan". At ang kay P. Sayo, na "tawaging tanggulan"—may ligazon "g" ay siyang tama.
Tungkol naman sa:
"ang Conde Adolfo,i, nag-papacamatáy
dahil sa Corona, cay Laura,i, macasal".
sa "Kun sino ..." at sa iba pa ay may pang-ugnay na Páhiná 88kalakip ang "Corona", na isang "t". Sa "korona't kay Laura'y makasal". Hindi isang kuwit lamang. Nguni't may palagay kaming labis na riyan ang ligazon "t". Tumpak ang kuwit. Sapagka't ang ibig sabihin ni Balagtas ay kaya lamang nagpapakamatay na mapakasal kay Laura si Adolfo'y dahil na dahil lamang sa "Corona", at di dahil sa korona at kay Laura. Para kay Adolfo, na isang taong "sakim sa yaman at kapangyarihan", ang pag-aasawa kay Laura ay isa lamang kaparaanan upang mapaluklok sa "Trono". "Maging Hari" ang tangi at totohanan niyang layon at pangarap! Kaya, ang sabing: "ang Conde Adolfo,i, nagpapacamatay dahil sa Corona, cay Laura,i, macasal" ay tamangtama.
Tungkol sa "aquing", sa tulang:
"Dî binig-yang daang aquing pang mabunot
ang sacbat na cáliz at maca-pamoóc"...
ganito rin ang nasa "Kun sino ...", samantalang kay P. Sayo ay ganito naman:
"Dî binigyan daan aking pang mabunot" ...
na lalong naging garil. Kung ginawa man lamang sanang "di binigyang daang akin pang mabunot"—(na ang "akin" lamang ang inalisan ng ligazon)—ay manapa'y tama. Nguni't kay Balagtas nga kaya iyang kalakuerdang iyan ng mga pang-ugnay? Sa kanya nga kaya iyang sunodsunod na "binig-yang" at "daang" at "aquing" at "pang" ...? Katakottakot na "palamuti" at kagulatgulat na pananagalog! Hindi, hindi kay Balagtas iyan. Marahil ay walang ligazon ang "aquin" upang makahingahinga naman ng kaunti ang dagundong ng kalakuerda!... Subali't ganyan ang sa "Kun sino ..." at sa sipi namin.
Nguni't tingnan naman natin ang "bayaan", sa:
"!ay Amá co! baquit...? !ay Fleridang toua!
catoto,i, bayaan aco,i, mapayapa."
ang "bayaan" dito ay pinabayaan nga at di linagyan ng ligazon! Maanong nanghiram man lamang sana sa kay damidaming nasa unahan at ikinabit sa "bayaan"! Sana'y naging "bayaang aco,i, mapayapa", gaya ng na kay P. Sayo.Páhiná 89
At ang ligazong yaong nawala sa "bayaan" ay tingnan nati't yumakap naman sa "magta-anan". Nagkaroon ito, gayong di dapat magkaroon. Dapat ngang basahin lamang "magtaanan", nguni't hindi "magtanan" (gaya kay P. Sayo), ang "magta-anang" sa:
"cúsang magta-anang sa Real Palacio" ...
Nariyan ang ilang paliwanag, na maaaring maging saligan, kung ibig, ng isang dalubhasang pagbubuu o pagpapanauli ng datihang "Florante". Sa kagandahang palad ay walang mga salita at pangungusap na nababago ang siping ito kay sa natatandaan ng mga anak ng dakilang Makata; at may mga kamalian man nga ito, ang kamalian ay di sa ano man kundi sa pagkakalimbag na lamang, at pawa namang nangahahalata sa unang malas pa lamang. Ang pagkabanluga ng ortograpia, na nagpapakilala ng kawalang ingat ng kahista—na di kailangang maging "cun" ang datihang "cong", "cundi" ang datihang "condi", "catauan" ang "catao-an", "datapua" ang "datapoua", "catuiran" ang "catouiran", "sasaquián" ang "sasac-yan", "mucha" ang "muc-ha", "balaquiót" ang "balac-yot", "rube" ang "rubi", "mag-adia" ang "mag-adiya" at iba't iba pa, saka hindi kailangang mapasama man o mapahiwalay ang mga panglapi, o magkakabit man ang dalawang salita (gaya ng "di" at "co", "mo" at "na", "di" at "pa"), o magkahiwahiwalay man ang mga pantig ng iisang salita (gaya ng "nag sisi sila", "na aba", atbp.)—; ang pagkabanluga nga ng ortograpia at ang maliliwanag na kamalian sa limbagan ay madaling maitutumpak.
Nguni't hindi namin ginawa ang ganitong pagtutumpak sapagka't wala kaming ibang hangad kundi maipakilala lamang ang tunay na sipi ng lumabas noong 1861—na buháy pa ang Makata—at siping sinakit na maging siya rin at walang munti mang kaibhan, pati sa kanyang mga kamalian.
Wala nga kaming munti mang binago sa siping ito. Ni isa mang kuwit ay hindi inalis. At wala namang idinagdag, ni isa mang tuldik na pangtanong, kahi't napaghahalatang talagang kulang at sa kapaubayaan na lamang ng kahista. At ang pag-iingat namin ay pinapagibayo sa pagsipi sa mga ginamit na kudlit sa mga Páhiná 90pangdulo ng talata; mga kudlit, na gaya na nga ng dinaliri namin sa mga halimbawang ilinahad sa ika 25 paliwanag, ay malimit na "mapalagay kahi't na paano", bagama't may nangatutumpak din. Ang tanging di namin napag-ingatang lubos ay ang pagkakalagay ng mga kudlit na pabigla ("acento agudo"), kung nanga sa gitna ng talata; subali't oo, at pinag-ingatang labis, ang lahat nang nangasadulo ng talata, pati na ng mga pabigla.
At parang pangkatapusan ay minarapat naming daliriin din ang mga sumusunod:
LAURA. Para kay Balagtas, ang "Laura" ay maaaring gawing dalawa o tatlong pantig. Tatlo sa ganitong halimbawa at iba pa:
"Uala na Laura,t, icao nan~ga lamang
ang macalulunas niyaring cahirapan"...
nguni't dalawa namang pantig sa susunod na halimbawa at sa iba't iba pa:
"N~gunî !sa abáco! !ay sa laquing hirap!
ualâ na si Laura,i, !aquing tinatauag!"
Ano pa't ang "Laura" ay napahahaba niya at napaiikli, na gaya rin naman ng:
CIUDAD. Maikli sa ganitong halimbawa at iba't iba pa:
"Dî cong acó poo,i, utusang mang-gúbat
nang Harî mong Amá sa alin mang Ciudad...?"
dadalawang pantig at maikli nga lamang dito; nguni't sa susunod na halimbawa at sa iba't iba pa ay pinahaba naman at ginawang tatlo:
"putong na turbante ay calin~gas-lin~gas,
pananamit moro sa Persiang Ciudad".
at gayon din, pinahaba rin, sa ganito:
"...masayáng Ciudad na lúpà ni iná?
disin ang búhay co,i, dî lubháng nag dusa".
Pinapaging anim nga ang limang pantig na "masayáng Ciudad"; kaya, ang ginawa ni P. Sayo ay pinangunahan ng "sa" ang "masayang Ciudad", ginawang anim; nguni't sapagka't wala nang magawang pagdaragdag sa lilima ring "sa Persiang Ciudad" (sa una) ay pinabayaang gaya rin nang dati at di dinagdagan.
RUBE. Sa aming sipi ay "rube" ang nakalagay, at hindi "rubí" gaya ng nasa iba. Walang makatitiyak kung alin ang katotohanan, bagama't ang "rubi" ay siyang wasto't tama.
BINALAT-CAYO. Sa aming sipi ay may "capucha" o kudlit na biglang paimpit ang "yô"; kaya, tumutunog na pabigla at paimpit sa lalamunan ang pagbigkas. Nguni't, ayon sa tulang ito:
"Dito na nahubdan ang cababayan co
n~g hirám na bait na binalat-cayo"...
ang "binalat-cayo" ay hindi gaya ng atin ngayon, na paimpit nga ang pagbigkas sa "yo". Maliwanag ngang nang panahong yaon ni Balagtas, at maging nang panahon nina Noceda at Sanlucar, ang salitang iyan ay pabigla lamang, nguni't hindi paimpit, gaya ngayon. Walang kaibhan sa "taliba"—na ginagawa na ngayong "talibà" ng mga may mahihinhin at binabaing dila. At makikita nati't ganyan ding kapalaran ang sasapitin ng "bini-bini"—na sapagka't kawangis ng "mabini"—ay binibigkas na ring paimpit sa dulo. Bukas-makalawa ay maririnig na nating "kabinibian" ang "kabinibinihan" ngayon.
BIANAN. Ano ang lasa ninyo sa "titic ng Monarcang caniyang bianan"? Ito ay nakasulat na "bienan" sa iba, bagama't sa matandang diksionario ay talagang "bianan"; ano nga sa pangdingig ninyo ang "caniyang bianan"? Maikli baga o sukát na?
Sa pakinig namin ay maikli, gaya rin naman ng "itinapon" sa tulang:
"Touáng pan~galauá cong hindî man Lan~git
ang itinapon nang mahinhing titig"...
nguni't ang "itinapong" ito ay napaghahalatang kamalian lamang ng limbagan, at dapat basahing "itinatapon".
LAHI. Tila mali, tila hindi "lahì" kundi kaipala ay "lakì" ang nasa sumusunod na tula:
"at sa ca-auay ma,i, dî co ninanais
ang lahì ng dusang aquing napagsapit".
tila nga lalong tama riyan ang "laki ng dusang aking napagsapit"; nguni't ano at "lahi" ang naririyan? Hindi kaya mali? Siyang nasa lahat na. Mahirap ngang maging mali. At sa katotohanan ay talagang hindi nga mali. "Lahi" ngang talaga, at ang katagang iyang kay pagkagandaganda ng pagkakagamit diyan, ay di kaya pinananaghilian ng ating mga makata ngayon?
DIGMA. Sa tulang:
"siyang paglusob co,t, nang hucbong aquibat
guinipit ang digmáng cumubcób sa Ciudad".
ang "digma" riyan ay di siyang nalalaman natin ngayon, kundi kasingkahulugan ng "hukbo", sapagka't hukbo lamang ang maaaring kumubkob sa isang siudad. At maliwanag na hindi kasingkahulugan ng "guerra", gaya ngayon, sapagka't sana ay hindi na ginamit ni Balagtas ang salitang "guerra".
NALAGALÁG. Isa ring kataga ito, na sa tulang:
"Sa caliua,t, cánan niya,i, nalagalág
man~ga soldados cong pauang mararahás"...
ay lipas na ngayon. Iba sa "naglagalag", "nagyao't ditong walang tiyak na patutunguhan" o "naghampas-lupa"; nguni't mapaghahaka nating kasingkahulugan ng "napatalatag" o "nátalatag".
TINAMPAL. Sino nga ang tumampal at sino naman ang tinampal? Sa sipi namin ay ganito ang nakalagay:
"Pupugutan dahil sa hindi pagtangáp
sa sintang mahalay nang Emir sa Ciudad,
nang mag-ásal hayop ang morong pangahás
tinampál sa muc-hâ ang himalang dilág".
Ganito rin ang kay P. Sayo, at lumalabas na ang himalang dilag na si Laura ay siyang tinampal. Ganito rin ang kay De los Santos. Nguni't kung pakasusuriin natin ay tila mahuhulog tayo sa paniwalang tama ang nasa "Kun sino ..." na ang tumampal ay ang "himalang dilág".
Tinampal ang morong pangahas, sapagka't nag-asal hayop; at dahil sa pagkakatampal ay napoot ang Emir at ipinag-utos na pugutan ang "himalang dilág". Ang tampal ay siyang tanda ng "hindi pagtangap sa sintang mahalay nang Emir sa Ciudad".
At ano ang sabi ninyo sa:
"Umupo,t, quinalong na naghihimutoc,
catauan sa dusa hinin~ga,i, natulog"...
at saka sa:
"N~guni't, sa púsò co,i, matamís pang lubhà
natuloy naquitíl ang hinin~gang abà"...
ano nga ang inyong sabi tungkol sa dalawang iyan? At ano ang inyong lasa? Sa una ay may kaunting kabaguhan, sa palimbag ni P. Sayo, ang huling talata ay ginawang "katawan sa dusa'y hininga'y natulog"; nguni't binago man ay tila kasinglasa rin ng "matamis pang lubha natuloy naquitíl ang hiningáng aba". Mga tulang inabot ng "tabsing sa dagat", mga lipad na sa kaitaasa'y inabot ng pagkahapo; opo, pagkahapo, gaya na nga nitong inyong lingkod, na nahahapo na at kinakapos; kung kaya, tinatapos na rito ang mga paliwanag na ito.
Lubha ngang kanaisnais, kung sa likod ng mga pagpapagod na ito ay matuklasan at mapagsamasamang panibago ang lahat nang sangkap, na waglitwaglit ngayon ng dakilang likha ni Balagtas, upang ang walang kahambing na Monumento ng Panitikan at ng Lahing Tagalog ay muling maibangong gaya rin nang dati.
Carlos RONQUILLO
Sept. 1921.
tunay na sipi.
3-9-65
rop
End of the Project Gutenberg EBook of Florante at Laura, by Francisco Baltazar *** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK FLORANTE AT LAURA *** ***** This file should be named 15845-h.htm or 15845-h.zip ***** This and all associated files of various formats will be found in: https://www.gutenberg.org/1/5/8/4/15845/ Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Special thanks to Matet Villanueva, Pilar Somoza and Ateneo Rizal Library-Filipiniana Section. Updated editions will replace the previous one--the old editions will be renamed. Creating the works from public domain print editions means that no one owns a United States copyright in these works, so the Foundation (and you!) can copy and distribute it in the United States without permission and without paying copyright royalties. Special rules, set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark. Project Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you charge for the eBooks, unless you receive specific permission. If you do not charge anything for copies of this eBook, complying with the rules is very easy. You may use this eBook for nearly any purpose such as creation of derivative works, reports, performances and research. They may be modified and printed and given away--you may do practically ANYTHING with public domain eBooks. Redistribution is subject to the trademark license, especially commercial redistribution. *** START: FULL LICENSE *** THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free distribution of electronic works, by using or distributing this work (or any other work associated in any way with the phrase "Project Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project Gutenberg-tm License (available with this file or online at https://gutenberg.org/license). Section 1. General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm electronic works 1.A. By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to and accept all the terms of this license and intellectual property (trademark/copyright) agreement. If you do not agree to abide by all the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession. If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8. 1.B. "Project Gutenberg" is a registered trademark. It may only be used on or associated in any way with an electronic work by people who agree to be bound by the terms of this agreement. There are a few things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works even without complying with the full terms of this agreement. See paragraph 1.C below. There are a lot of things you can do with Project Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic works. See paragraph 1.E below. 1.C. The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation" or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project Gutenberg-tm electronic works. Nearly all the individual works in the collection are in the public domain in the United States. If an individual work is in the public domain in the United States and you are located in the United States, we do not claim a right to prevent you from copying, distributing, performing, displaying or creating derivative works based on the work as long as all references to Project Gutenberg are removed. Of course, we hope that you will support the Project Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with the work. You can easily comply with the terms of this agreement by keeping this work in the same format with its attached full Project Gutenberg-tm License when you share it without charge with others. 1.D. The copyright laws of the place where you are located also govern what you can do with this work. Copyright laws in most countries are in a constant state of change. If you are outside the United States, check the laws of your country in addition to the terms of this agreement before downloading, copying, displaying, performing, distributing or creating derivative works based on this work or any other Project Gutenberg-tm work. The Foundation makes no representations concerning the copyright status of any work in any country outside the United States. 1.E. Unless you have removed all references to Project Gutenberg: 1.E.1. The following sentence, with active links to, or other immediate access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed, copied or distributed: This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org 1.E.2. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived from the public domain (does not contain a notice indicating that it is posted with permission of the copyright holder), the work can be copied and distributed to anyone in the United States without paying any fees or charges. If you are redistributing or providing access to a work with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or 1.E.9. 1.E.3. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted with the permission of the copyright holder, your use and distribution must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional terms imposed by the copyright holder. Additional terms will be linked to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the permission of the copyright holder found at the beginning of this work. 1.E.4. Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm License terms from this work, or any files containing a part of this work or any other work associated with Project Gutenberg-tm. 1.E.5. Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this electronic work, or any part of this electronic work, without prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with active links or immediate access to the full terms of the Project Gutenberg-tm License. 1.E.6. You may convert to and distribute this work in any binary, compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any word processing or hypertext form. However, if you provide access to or distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than "Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.org), you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other form. Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm License as specified in paragraph 1.E.1. 1.E.7. Do not charge a fee for access to, viewing, displaying, performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9. 1.E.8. You may charge a reasonable fee for copies of or providing access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided that - You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method you already use to calculate your applicable taxes. The fee is owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he has agreed to donate royalties under this paragraph to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation. Royalty payments must be paid within 60 days following each date on which you prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax returns. Royalty payments should be clearly marked as such and sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the address specified in Section 4, "Information about donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation." - You provide a full refund of any money paid by a user who notifies you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm License. You must require such a user to return or destroy all copies of the works possessed in a physical medium and discontinue all use of and all access to other copies of Project Gutenberg-tm works. - You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the electronic work is discovered and reported to you within 90 days of receipt of the work. - You comply with all other terms of this agreement for free distribution of Project Gutenberg-tm works. 1.E.9. If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm electronic work or group of works on different terms than are set forth in this agreement, you must obtain permission in writing from both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark. Contact the Foundation as set forth in Section 3 below. 1.F. 1.F.1. Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread public domain works in creating the Project Gutenberg-tm collection. Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic works, and the medium on which they may be stored, may contain "Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by your equipment. 1.F.2. LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all liability to you for damages, costs and expenses, including legal fees. YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE PROVIDED IN PARAGRAPH F3. YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH DAMAGE. 1.F.3. LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a written explanation to the person you received the work from. If you received the work on a physical medium, you must return the medium with your written explanation. The person or entity that provided you with the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a refund. If you received the work electronically, the person or entity providing it to you may choose to give you a second opportunity to receive the work electronically in lieu of a refund. If the second copy is also defective, you may demand a refund in writing without further opportunities to fix the problem. 1.F.4. Except for the limited right of replacement or refund set forth in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS' WITH NO OTHER WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE. 1.F.5. Some states do not allow disclaimers of certain implied warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages. If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by the applicable state law. The invalidity or unenforceability of any provision of this agreement shall not void the remaining provisions. 1.F.6. INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance with this agreement, and any volunteers associated with the production, promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works, harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees, that arise directly or indirectly from any of the following which you do or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause. Section 2. Information about the Mission of Project Gutenberg-tm Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of electronic works in formats readable by the widest variety of computers including obsolete, old, middle-aged and new computers. It exists because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from people in all walks of life. Volunteers and financial support to provide volunteers with the assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will remain freely available for generations to come. In 2001, the Project Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations. To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4 and the Foundation web page at https://www.pglaf.org. Section 3. Information about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit 501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal Revenue Service. The Foundation's EIN or federal tax identification number is 64-6221541. Its 501(c)(3) letter is posted at https://pglaf.org/fundraising. Contributions to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent permitted by U.S. federal laws and your state's laws. The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S. Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered throughout numerous locations. Its business office is located at 809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email [email protected]. Email contact links and up to date contact information can be found at the Foundation's web site and official page at https://pglaf.org For additional contact information: Dr. Gregory B. Newby Chief Executive and Director [email protected] Section 4. Information about Donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide spread public support and donations to carry out its mission of increasing the number of public domain and licensed works that can be freely distributed in machine readable form accessible by the widest array of equipment including outdated equipment. Many small donations ($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt status with the IRS. The Foundation is committed to complying with the laws regulating charities and charitable donations in all 50 states of the United States. Compliance requirements are not uniform and it takes a considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up with these requirements. We do not solicit donations in locations where we have not received written confirmation of compliance. To SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any particular state visit https://pglaf.org While we cannot and do not solicit contributions from states where we have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition against accepting unsolicited donations from donors in such states who approach us with offers to donate. International donations are gratefully accepted, but we cannot make any statements concerning tax treatment of donations received from outside the United States. U.S. laws alone swamp our small staff. Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation methods and addresses. Donations are accepted in a number of other ways including including checks, online payments and credit card donations. To donate, please visit: https://pglaf.org/donate Section 5. General Information About Project Gutenberg-tm electronic works. Professor Michael S. Hart was the originator of the Project Gutenberg-tm concept of a library of electronic works that could be freely shared with anyone. For thirty years, he produced and distributed Project Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support. Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S. unless a copyright notice is included. Thus, we do not necessarily keep eBooks in compliance with any particular paper edition. Most people start at our Web site which has the main PG search facility: https://www.gutenberg.org This Web site includes information about Project Gutenberg-tm, including how to make donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks.