The Project Gutenberg EBook of Justicia Nang Dios, by Mariano Sequera

This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever.  You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org


Title: Justicia Nang Dios

Author: Mariano Sequera

Release Date: October 10, 2004 [EBook #13683]

Language: Tagalog

Character set encoding: ISO-8859-1

*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK JUSTICIA NANG DIOS ***




Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG
Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by
University of Michigan.







[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer
used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at
iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na
sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

 

Justicia ng Dios


JUSTICIA N~G DIOS


M~GA ILANG BAGAY NA INASAL DITO SA FILIPINAS NANG MAN~GA FRAILE,


SINULAT NI

MARIANO SEQUERA

Redactor sa pamahayagang ANG KAPATID N~G BAYAN,
EL GRITO DEL PUEBLO at sumusulat sa iba,t, iba pang
nilalathala dito sa Maynila.

UNANG BAHAGUI NANG ¡NASAAN ANG DIOS!


1.ª Edicion.


MAYNILA

LIMBAGAN NI CHOFRÉ Y COMP.ª

Escolta, num. 33

1899


Talaan ng Nilalaman

Sa Inang Filipinas.

Pasimulá.

Puno nang salita.



Sa Inang Filipinas.


Sa tanang supling mong tunay cong capatid
na sa iyo'y nag-alay n~g bun~ga n~g isip
ibig cong pumisan, cutad man ang bait,
at maguing dan~gal co sa buhay na quipquip.

N~g upang sacaling man~giba mang bayan
na hindi sarili,t, tungtun~gán co lamang,
¡Ina co'y! marinig mauica n~g ibang
aco ay sa iyo marunong magmahal.

Caya n~ga,t, ang unang sumupling sa bait
na hinog na bun~ga sa tangcay n~g saquit
alay co sa iyo at pag-asa'y labis
na ito'y sacsi rin n~g aquing pag-ibig.

Yayamang dugo co, catauan at buhay,
talagang iyo na, ¡oh! Ina cong bayan!
bulaclac n~g isip ay ibig co namang
ilangcap sa aquing sa iyo'y pagdamay.

Sa bagay na ito'y cung aco'y sumapit
sa pooc na ari n~g dalita,t, hapis,
itong alaala'y, papaui sa saquit
sanhi rin sa iyo ¡oh! bayan cong ibig.

Hanganang co ito,t, aquing ipapaling
ang tan~gang cong pluma sa ibig lumining
nitong pinag-ugnay n~g bait na angquin
yamang talastas n~g sa iyo ang dahil.

MARIANO SEQUERA.


Pasimulá.

Manang isang hapong dinalao ang buhay
niyaong magcaumpoc na lungcot at lumbay,
sa isang uupan aco'y, nagulaylay
at pinaguauari itong calagayan.

Ualang ano ano'y, sumilang sa isip
yaong paglilibang sa jarding mariquit
caya n~ga,t, sa lagay aco ay tumindig
hinanap ang simoy n~g han~ging malamig.

At aquing tinun~go na cusang hinanap
ang pooc na tunay n~g tanang bulaclac
pagdating co roo'y, pinili co agad
ang lalong mariquit, at aquing pinitas.

N~guni at nalooy, nalagas na tunay
nalanta n~gang cusa,t, ban~go ay naparam,
napaui ang gandá, lumipas ang culay,
caya,t, ang puso co ay muling nalumbay.

At saca inisip cung ano ang dahil
bulaclac na tan~gan nalungcot naman din,
puso co'y tumiboc n~g tiboc mahinhin
at uari'y, pinucao ang aquing panimdim.

Pinag-ugnay-ugnay yaring paquiramdam
saca binalangcás sa isip ang bagay,
niyaong co natanto,t, nabatid na tunay,
ang lungcot na yao'y, dahil din sa bayan.

Dito co nabatid cung saan nagbuhat,
cung saan sumupling ang lumbay n~g lahat,
pagca,t, natanto co ang fraileng dulin~gas
ay binubusabos Inang Filipinas.

At tuloy dinalao itong ala-ala
niyaong ualang n~galan na aquing naquita
asal na mahalay guinaua n~g cura
sa isang mag-inang ipinahamac niya.

Ang nangyaring ito'y siyang isusulit
at gauing liban~gan n~g tanang capatid
JUSTICIA N~G DIOS siya cong na-isip
itauag sa gayong namasda,t, nabatid.

Ang sumulat.


Puno nang salita.


Cailan mang panahon ang casamaan
cung umiral ma'y sa sandali lamang
Aco.


May isang mag-inang taga ibang bayan,
aquing nalimutan cung ano ang n~galan;
ang mag-inang ito'y, mahirap ang buhay,
baquit ulila na sa dapat magmahal.

May loob sa Dios ang babayeng anac
may impoc na puri baga ma,t, mahirap
maganda ang asal, matamis man~gusap
sino mang tumin~gi'y malulugod agad.

Ang caniyang ina,y lubha ring mabait
di saquim sa pilac, totoong malinis,
sa arao at gabi'y ualang ini-isip
cung hindi ang gutom canilang mapatid.

Sa isang paraang mabuti,t, mahusay,
at hindi naghan~gad n~g anomang yaman,
cung di yaong anac malinis matanao
sa harap n~g mundo,t, hangang calan~gitan.

Dapua,t, niyaon n~ga'y may isang dumating
sa canilang bayan isang fraileng saquim;
at doo'y nagcura nan~garal na tambing
n~g utos n~g Dios na dapat ganapin.

Diua ay dinalao n~g gauang pagsinta
ang puso at loob n~g nasabing cura,
caya,t, monaguillo'y, tinauag pagdaca,t,
agad pinahanap n~g isang dalaga.

Aniya'y, libutin ang loob n~g bayan
at iyong sabihin sa m~ga magulang
na may m~ga anac na dalagang tunay
na sa arao arao'y, pasa sa simbahan.

At huag lilimuting sila ay sasaglit
matapos magsimba sa convento'y, manhic
at ito'y, bilin co siyang isusulit
sapagca,t, utos n~ga: n~g Dios sa lan~git.

Itong monaguillo'y, agad n~g sumagot:
na caniyang tutupdin sa among na utos,
caya n~ga,t, nalis na at cusang naglibot
at sa bahay bahay ay manhic manaog.

Palibhasa n~gani ay utos n~g cura.
lahat n~g magulang tumupad pagdaca
at sa arao arao ay nan~gagsisimba,t,
anac na dalaga'y, canilang casama.

Pangagaling pa n~ga doon sa Simbahan
sa convento nama'y man~gagtutuluyan:
sasalubong dito ang among sa bayan
at magpapahalic sa lahat n~g camay.

Dumating ang arao sa gayon n~g gayon,
dalauang mag-ina'y, piniguil n~g among,
aniya'y: Mag-antay at may itatanong
sa iniyong dalaua'y, tila nauucol.

N~g mapag-iuan na niyaong caramihan
dalauang mag-inang piniguil na tunay
ang pag-uusisa dito na minulan
n~g guinoong curang may asal halimao.

Aniya'y: ¿Ano ba iniyong paghahanap,
saan quinucuha cailan~gang lahat?
ang sagot n~g ina:—Ang aquin pong anac
tahiing damit sa bahay natangap.

Ang tugon n~g cura: anac mo'y, magandá
ang bagay sa caniya'y, tauaguing maestra,
aco ang bahala ilalacad siya,t,
huag n~g manahi magpacailan pa.

Ang ina'y, sumagot, sa ganitong turing;
—Salamat po among sa iyong pagtin~gin,
cahimanauari icao po'y, gantihin
n~g Dios sa lan~git sa gauang magaling.

Madali,t, salita dumating ang arao
ualang ano ano'y, tumangap n~g dalao,
n~g isang sacristan, mag-inang tinuran
sila'y, tinatauag n~g among sa bayan.

Ang mag-inang ito'y, umayo,t, sumama
sa doroong tauong alila n~g cura,
ualang guni guni, ualang ala-ala
cung di ang pan~gacong maguiguing maestra.

N~g sila'y, dumating sa harap n~g among
at nacahalic na sa camay n~g ungoy,
ang uica n~g cura'y: Tinangap co n~gayon
ang nombramiento na aquing nilayon.

Caya n~ga at icao uica sa dalagá
magbuhat na n~gayo'y, tunay n~g maestra,
dito sa bayan mo, at iiuan mo na
yaong pananahi na ualang halagá.

Tandaan mo lamang itong aquing bilin
na sa arao arao huag lilimutin,
ang lahat n~g bata ay iyong dadalhin
dito sa Convento,t, iharap sa aquin.

Sagot n~g maestra'y,: Aquing tatandaan
ang tanang bilin po n~g among sa bayan,
pagcasabi nito, sila'y, nagpaalam
ang toua n~g ina'y, ualang macapantay.

Sa pagca,t, di alam ang nasa sa loob
n~g curang sinambit na nagmamaayos,
ang acala niya'y ang gayon ay taos
sa puso at dibdib n~g lilo't balaquiot.

Magbuhat na niyaon, sa gabi at arao
Maguinoong cura'y laguing dumadalao,
sa mag-inang ito't ang dinadahilan
ay, ang pan~gan~garal n~g mabuting asal.

N~guni at datapua't manang isang hapon
ualang ano ano'y nagsulit ang among
aniya,y: Tingnan mo, sa ina ang tucoy,
ang ninanasa co at dinguin mo n~gayon.

Malaqui ang aquing dalang pagmamahal
sa anac mong iyan at magandang asal,
caya't yamang cayo'y ulila n~g tunay
sa aquin ay cayo,y mabuting pumisan.

Talastas mo namang maigui ang capit
n~g sino mang tauong sa cura'y sumanib
gayon din sa pilac ualang isusulit
at sino mang frayle'y sagana at sicsic.

Hindi ca daramdam n~g ano mang hirap
igagalang ca pa n~g capua mong lahat,
balana'y pupuga'y sa iyo't tatauag
macapangyarihan, papel ay malapad.

Ang tugon n~g ina'y: Pangit pong malasin
sa mata n~g lahat cung ito'y asalin,
caya po't iurong ang nais na linsil
ualang masasapit ano mang marating.

Mabuti pa po n~gang tauaguing mahirap,
marumi ang damit, sa dan~gal ay salat,
huag n~g maturan na aco'y may anac
babaye n~g cura ... ¡Dios co ay huag!

Sumagot ang cura sa ganitong sulit,
aniya'y: Babaye, icao ay mag-isip,
dapat acalain na cung aquing ibig,
ni ang gobernador di maiaalis.

Pag nagcataon pa'y aco'y aayunan
balang sabihin co'y mangyayaring tunay,
caya't isipin mo itong isinaysay,
bucas macalaua'y huag pagsisihan.

Tugon n~g babaye: icao po'y bahala
balang ibiguin mo'y mangyayaring paua;
sa ninanasa po'y ualang magagaua
pagca't sinun~galing ang balat n~g lupa.

Malaqui mang lubha ang capangyarihan
nino mang frayleng magcura sa bayan,
ualang masasapit, cung pagpipilitang
ilapat sa aquin ang pan~git na asal.

Itong sinabi co'y itanim sa isip
at pagtitibayin buhay ma'y maamis,
¡di co acalaing mag asal bulisic,
ang isang ministro n~g Dios sa lan~git!

Nang ito'y marinig n~g curang causap
sa pagcaupo n~ga'y tumindig caagad,
at saca uinicang:—¡Tandaan mong lahat,
darating ang arao siyang pagbabayad!

Tuloy n~g nanaog n~g ualang paalam
ang sucab na tauong may asal halimao,
magbuhat na niyaon sa gabi at arao
ualang iniisip cung di cahayupan.

Caya't sa convento n~g siya'y dumating
yaong monaguillo'y tinauag na tambing
aniya'y: Susundin, itong ibibilin,
gagauin mo agad, huag lilimutin.

Na mamayang gabi'y sunuguin ang bahay
dalauang mag-inang quilala mo naman:
¿Bahay n~g maestra? sagot n~g sacristan,
oo, ang uinica n~g cura sa bayan.

—Aquin pong susundin ang mahal na utos,
pagsunod na ito'y mapait sa loob,
pagca't yaring puso'y uari'y natatacot
sa sising darating n~g tunay na Dios.

Ang sagot n~g cura: Huag ca n~gang balio
ibig mo pa yata'y man~guna sa aquin,
narito ang UALONG PISO at tangapin,
huag cang main~gay at aco ay sundin.

Tinangap ang pilac n~g saquim sa yaman
nag ualang bahala sa lahat n~g bagay,
caya't ang guinaua'y naghanda n~g tunay
tanang gagamiting panunog n~g bahay.

At pagcagabi n~ga lubha n~g tahimic,
tinun~go ang daan at cusang lumapit
sa tinitirahang bahay na maliit
dalauang mag-ina na cahapis hapis.

Saca sinusuhan ang apat na suloc,
ano pa't sa apoy sila ay mabalot,
ang batang babaye'y sa laqui n~g tacot
taas n~g bintana'y nilucso't nilusob.

Naiuan ang inang natupoc sa apoy
matandang babayeng napag-isa doon,
caya n~ga't ang anac hindi napatuloy
pag layo't pag alis, piguil n~g panaghoy.

Sa sama n~g loob siya'y napahimpil
sa tabi n~g isang malapit na dinding,
n~g calapit bahay, na hindi dinating
n~g nin~gas n~g apoy, dahil n~g hilahil.

Sa lagay-na ito'y bigla siyang guinilic
n~g dalauang tauong di niya nabatid,
at siya'y dinala at cusang piniit
doon sa conventong tirahan n~g ganid.

Sumunod na arao, ¡ano ang gagauin!
siya'y naroon na dapat n~g silain,
gayong cahirapang, palad ay alipin
n~g capua palad, na ualang cahambing.

Ang hunhang na cura'y siya'y nilapitan
sa paghihimutoc siya'y niligauan,
¡ang aspid na loob hindi na gumalang
sa luha n~g batang ulila n~g tunay!

Aniya'y: Masdan mo sinapit dinating
n~g calagayan mong aayao sa aquin,
pag di pa pumayag sa aquing pag guilio
mapapahamac ca di aco titiguil.

Ang sagot n~g bata: Aco ma'y mamatay,
ay hindi papayag sa masamang daan;
ang tugon n~g cura: Iyong pag-isipan,
sa cuartong ito'y quita'y babalican.

Magbuhat na niyaon ang cahapis hapis
na inaalipin n~g madlang hinagpis,
sa arao at gabi'y nataas sa lan~git
caniyang panaghoy na sanhi n~g saquit.

Caya't n~g magbalic ang curang ulupong
ang ulilang bata'y hindi nahinahon;
agad n~g guinamit ang ganitong tanong:
¿Inisip mo na ba? ¿at ano ang tugon?

Sumagot ang bata: Icao po'y mahabag
sa abang lagay cong busabos n~g hirap,
caya n~ga't dinguin mo itong paquiusap
sa aquing confesor aco ay haharap.

Confesor na ito'y isa n~gang clérigo
may tunay na loob at mabuting tauo,
ito ang marapat tauaguing ministro
n~g Dios sa lan~git lubhang masaclolo.

Ang tugon n~g cura sa gayong pamanhic:
Hindi mangyayari cahit mo ipilit,
at hangang hindi ca na sagot sa sulit
sagot na paayong aquing ninanais.

Sa sama n~g loob n~g batang na iyac
tumugon n~g uicang lubhang mabanayad;
Oo na po among mamaya tutupad
caya't magbalic po at aco'y pápayag.

Sa bagay na ito'y ang curang bulisic
sumagot n~g: Oo't pagdaca'y nalis;
guinaua n~g bata'y tumaanang pilit
na di namalayan nino mang casanib.

Pagdaca'y tinun~go at cusang hinanap
caniyang confesor na may puring hauac,
pagcaquita niya'y agad n~g tumauag,
may luha sa mata't siya'y napalin~gap.

Ang sagot sa caniya: Huag n~g magbalic
sa coventong yaon n~g curang bulisic,
aco ang bahalang sa lahat umusig
at mananagot pa sa caniyang nais.

Caya n~ga't nangyari'y sabihin sa aquin
n~g aquing matanto't siya ay usiguin;
Cung gayon po'y tingnan, ang sa batang turing
aquing dinaanan n~gayo'y sasalitin.

Aco po'y ulila sa guilio na ama
at nalabing toua co'y pag-lin~gap ni ina,
aming pagcabuhay tumangap toui na
n~g tahiing damit mahal man ó mura.

N~guni't isang arao cami'y pinatauag
n~g curaug hindi na natutong mahabag,
at tuloy sinabing iuan co ay dapat
yaong pananahing aquing paghahanap.

Acala ni ina'y mabuti ang nais,
n~g curang sinabing, sa ami'y nagsulit,
na aco'y gagaouing maestra sa pilit
caya't ang salamat siyang ipinalit.

Dumating ang arao n~g capan~gacuan
n~g cura sa aquing titulong sinaysay,
caya po't nangyaring nagmaestrang tunay
dito po sa guilio at nilac-hang bayan.

N~guni't isang hapon ang cura ay nanhic
sa amin pong bahay pagdalao ang nais,
ualang ano ano cay ina'y nagsulit
n~g lubhang mahalay tungcol sa pag-ibig.

Sumagot si inang ano mang sapitin
hindi siya papayag sa bagay na turing,
sa lagay na ito'y ang lilo at soail,
umalis na bigla't anaquin ay haling.

Pagcagabi n~ga po'y sinunog ang bahay
niyaong monaguillo na caniyang utusan,
doon po'y si ina ¡Dios co'y namatay!
natupoc sa apoy na dulot n~g hunghang.

Sa bagay pong ito'y, aco'y, naninimdim
at sa isang suloc aco'y, napahimpil,
ualang ano ano'y, lumapit sa aquin
dalauang lalaquing may suot na itim.

At aco'y, dinala sa conventong tunay
ipinasoc tuloy sa cuartong nalaan,
at n~g naroon na pinto ay sinarhan
at aco'y piniit n~g ualang dahilan.

Pagca umaga po'y lumapit sa aquin
ang curang doroon, nagsulit na tambing,
aniya,y: Tignan mo, sinapit dinating
n~g lilong ina mong palalong magturing.

Sa paghihinagpis aco'y niligauan
ang luha n~g puso,y di man iguinalang ...
pag ligao na yao'y inululang tunay
saca nilangcapan n~g balang mahalay.

Caya po,t, sagot co siya ay magbalic
at aco'y papayag sa ninasang lihis,
saca n~ga n~g siya, doon ay umalis
aco namang ito'y nagtanan n~gang pilit.

Caya po narito iyong saclolohan
sa n~galan n~g Dios, huag pabayaan:
sa lagay cong ito'y maaua pong tunay
at yaong justicia ang hin~gi co lamang.

Ang sagot n~ga nitong caniyang confesor
justicia, justicia, sa iyo'y aampon,
caya't omoui ca, aco'y paroroon,
cung hanapin ca pa n~g curang ulupong.

Paroon sa bahay n~g iyong magulang
tiahin ó lelang ó caya pininsan,
saca tumahimic sa sariling lagay
aco ang bahala sa lahat n~g bagay.

Nang ito'y matanto n~g batang causap
ligalíg na loob tumahimic agad,
at tuloy omoui na cusang hinanap
ang bahay n~g aleng labing camag-anac.

N~guni't hindi pa lumilipas halos
ang arao na yaon, balita'y sumabog
siya'y hinahanap n~g curang may poot
dahil sa nag-asal n~g uala sa, ayos.

Caya n~ga't sa bahay n~g aleng tinuran
ay doon inabot n~g cura't sacristan,
ang batang babayeng ulila sa layao,
capos sa ligaya at sa toua'y uhao.

Nang siya'y maquita n~g curang bulisic
pagdaca'y uinicang; ¡oh babaying ganid!
acala mo yata aco'y palulupig
sa isang paris mong licó ang matouid.

Capag hindi ca pa sumama sa aquin
asahan mo na n~ga na may sasapitin
ang lagay mong iyan na calaguimlaguim,
marahil hindi mo maubos tayahin.

Hangang nagsusulit ang curang halimao,
ang batang babaye'y nag-utos na tunay
n~g palihim pa n~ga confesor tauagan
sa caniyang bahay siya'y saclolohan.

Caya n~ga't nag-abot ang dalauang ito
sa bahay n~g bata, cura at clérigo,
dito na minulan yaong pagtatalo
tungcol sa gagauin n~g tunay na tauo.

Ang uica n~g cura, sa bata ang tin~gin
icao ay sumamang madali sa aquin,
dito na tumugón clérigong mahinhin
aniya'y turan mo cung ano ang dahil.

—Siya'y nagtaanan sa aquin convento
nilibac ang utos Santo sacrificio,
caya n~ga at n~gayon aco'y naparito
upang parusahan sa dahil na ito.

Sagot n~g clérigo'y icao ay tumahan
huag cang humanap n~g lilong dahilan,
cung caya ang bata sa iyo'y nagtanan
dahil sa ang ibig puri ay in~gatan.

Sapagca't icao n~ga'y di dapat tauaguing
ministro n~g Dios, lubhang maauain,
dahil sa asal mo'y totoong napuing
sa hatol n~g lan~git na ualang cahambing.

Sinisira mo n~ga bilin n~g cánones
nilalabág mo pa sampuo pa n~g leyes,
¿hindi mo ba tantong doo'y nacatitic
na baual sa clero ang asal bulisic?

¿Hindi mo ba alám ang dapat asalin
n~g sino mang fraile, anomang marating?
¿di ba sa breviario may tunay na bilin
sa clero'y ang linis, ang dapat gamitin?

Cung ito'y alam mo ¿baquit mo hinamac
ang mahal na bilin n~g leyes na lahat,
sanhi sa nais mo na nasa n~g oslac?
hayop ang sa iyo'y dapat na itauag.

Tumugon ang curang may impoc na galit
tiguil sinun~galing, icao ang bulisic
marunong sa lahat, pati pa n~g lan~git
ibig pang maabot n~g haling na isip.

Sumagot sa gayon, doroong clérigo
n~g uicang mamaya magquiquita tayo,
tutun~go sa Juez at isusumbong co
ang causa criminal na iniimpoc mo.

Alam cong icao n~ga't di ibang tunay
siyang nagpasunog sa caniyang bahay,
doon n~ga rin naman tupóc na namatay
ang ina n~g batang ualang casalanan.

Pagcauica nito'y umalis na agad
yaong Juzgado ang siyang hinanap,
sa bagay na ito'y ang cura'y nasindac
caya't natiguilan sa sandaling oras.

Mapamayamaya dumating ang juez
clérigo'y casama't sa bahay pumanhic,
dito n~ga inabot ang curang bulisic
na hinihimuyot ang bata sa lihis.

Pagpasoc n~g juez doon sa pintuan
pagdaca'y nagsulit sa cura sa bayan,
aniya'y sumama sa aquin n~ga icao
sa n~galan n~g ley bilango cang tunay.

Ang tugón n~g cura di cana nan~ganib
na aco'y bilango sa aqui'y isulit,
di mo ba tantong ang gayon ay lihis
aco'y cahalili n~g Dios sa lan~git.

¿Hindi baga alam may capangyarihan
ang sino mang fraileng magcura sa bayan,
na gobierno't leyes dapat na gumalang
ang gayon ay hatol n~g sangcalan~gitan?

Sumagot ang juez n~g sagot matigás
aniya'y itiguil ang bibig mo oslac,
acala mo yata aco'y nagugulat
sa isang paris mong, catulad ay ahas.

Papa man sa Roma'y pipiiting co rin
cung siya'y suminsay sa leyes na bilin,
pagtupad na ito ay utos sa aquin
n~g lan~git at lupa; ¡oh! ¡tauong haling!

Icao po'y magsulit sabi sa clérigo
ang tanang nangyari'y n~g matalastas co,
clérigo'y tumugón ang batang narito
ang lalong mabuting magsabi sa iyo.

Dito na minulan n~g batang babaye
ang lahat n~g bagay, at tanang nangyari,
sa bagay na itó'y ang cura'y nagsabi
na yao'y di tunay lilong pamarali.

At ang sinabi pang parang idinugtong
iyan ay bun~ga n~ga ng isip na pusong,
naritong clérigo na may nilalayong
mahalay sa bata ... ¡oh asal ulupong!

Clérigo'y sumagot sa ganitong turing
¡oh fraileng halimao, tauong sinun~galing!
cung ano ang puti n~g hábitong angquin
sa dugó mo naman ay siyang ca-itim.

¿Nahiga ca na ba't humilig na cusa
sa piling na ualang caparis na sama?
¿di na ba naumid ang lilo mong dila
sa halay n~g sulit na ualang camuc-ha?

¿N~gayon ba't sala mo'y mapaparusahan
ang ibig mo naman aco ay idamay?
sa sama mong quilic, pati n~g catouiran
ibig mong bulaguin ... ¡mahalay na asal!

Cung dito'y manaog ang tunay na Dios
at cusang masilip ang asal mong hayop,
sa iyo'y icacapit, sa laqui n~g poot
bagsic n~g parusang ualang maca ayos.

Sa bagay na ito'y ang doroong juez
sa curang may sala ay cusang lumapit,
at saca nag-uica n~g ganitong sulit
dumating ang oras, maghari ang matouid.

Sa hiya n~g cura ay nagpacamatay
sa oras na yaong hindi namalayan,
nino mang doroon cundi napaquingan
ang putoc n~g isang revolver na taglay.

Caya't n~g maquitang siya ay patay na
clérigo'y lumapit sa batang dalaga,
aniya'y masdan mo't tunay natupad na
justicia n~g Dios, totoong justicia.

At saca iniutos, ang patay ilibing
ang juez naman n~ga'y umoui n~g tambing,
at saca ang causa'y tinapos naman din
n~g tama sa utos n~g matouid na bilin.

Clérigo'y umoui at bata'y iniuan
sa guitna n~g isang toua, at casayahan,
dahil sa natapos pan~ganib na taglay
n~g caniyang puring inin~gat-in~gatan.



Ito ang nangyari, nabasang capatid
ititiguil co na't bahalang mag-isip,
cung ang fraile'y dapat tauaguing mabait
ó tauong uala na ni puso ni dibdib.

Masdan mo rin naman, cung dapat quilanling
ministro n~g Dios fraileng sinun~galing,
cung ito ay lihis bahalang touirin
n~g lalong marunong may bait na angquin.

Ang bun~ga n~g cutad na isip cong taglay
bun~gang namuco n~ga sa ualang capantay,
na pagmamasaquit sa bayang linac-han
bayang mapagtiis tanang cahirapan.

At sa catunayan nitong hinanaquit
di aco titiguil amomang masapit,
hindi magsasauang manin~gil na tiquis
sa m~ga umapi sa bayan cong ibig.

Fraile, at castila, maputi't maitim
hangang mangyayari'y aquing sisisihin,
at hindi tutugot anomang marating
ang puri ni Ina'y aquing hahabulin.

Fraileng ualang puso, ni habag munti man
fraileng camag-anac n~g lilong si Satan,
fraileng mananagot sa isang hucuman
n~g tunay na Dios; Justiciang maran~gal.

Caya n~ga't di sucat, itong sinasabi
sa tula cong ito, na unang bahagui:
¡Nasaan ang Dios! carugtong na huli
nitong sinulat co na samà n~g fraile.

At cung sacali n~ga'y susulat na muli
tungcol din sa fraileng pilipit na budhi,
hindi rin titiguil, cahi ma't mamuhi,
sa aquin ang papa, cardenal at hari.

At icao nabasang capatid na irog
guilio cong camuc-ha't casanib na loob,
huag lamang baguhin sacali ma't capos
ang tulang mahirap na sa iyo'y handog.

Sucat na sa icao magpunó'y bahala
sa balang mamasid na mali cong cathà,
at tuloy gamitan n~g isang salitang
lumabac sa sulat, umayon sa nasa
.

UACAS.


Man~ga casamahan nitó:


¡Nasaan ang Dios!

Si Emilio at si María.

Ang hatol nang lan~git, (comediang tagalog).

Marami pang ipalilimbag na pauang maririquit at paqui-quinaban~gang basahin.







End of the Project Gutenberg EBook of Justicia Nang Dios, by Mariano Sequera

*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK JUSTICIA NANG DIOS ***

***** This file should be named 13683-h.htm or 13683-h.zip *****
This and all associated files of various formats will be found in:
        https://www.gutenberg.org/1/3/6/8/13683/

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG
Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by
University of Michigan.


Updated editions will replace the previous one--the old editions
will be renamed.

Creating the works from public domain print editions means that no
one owns a United States copyright in these works, so the Foundation
(and you!) can copy and distribute it in the United States without
permission and without paying copyright royalties.  Special rules,
set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to
copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to
protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark.  Project
Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you
charge for the eBooks, unless you receive specific permission.  If you
do not charge anything for copies of this eBook, complying with the
rules is very easy.  You may use this eBook for nearly any purpose
such as creation of derivative works, reports, performances and
research.  They may be modified and printed and given away--you may do
practically ANYTHING with public domain eBooks.  Redistribution is
subject to the trademark license, especially commercial
redistribution.



*** START: FULL LICENSE ***

THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE
PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK

To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free
distribution of electronic works, by using or distributing this work
(or any other work associated in any way with the phrase "Project
Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project
Gutenberg-tm License (available with this file or online at
https://gutenberg.org/license).


Section 1.  General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm
electronic works

1.A.  By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm
electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to
and accept all the terms of this license and intellectual property
(trademark/copyright) agreement.  If you do not agree to abide by all
the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy
all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession.
If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project
Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the
terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or
entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8.

1.B.  "Project Gutenberg" is a registered trademark.  It may only be
used on or associated in any way with an electronic work by people who
agree to be bound by the terms of this agreement.  There are a few
things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works
even without complying with the full terms of this agreement.  See
paragraph 1.C below.  There are a lot of things you can do with Project
Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement
and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic
works.  See paragraph 1.E below.

1.C.  The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation"
or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project
Gutenberg-tm electronic works.  Nearly all the individual works in the
collection are in the public domain in the United States.  If an
individual work is in the public domain in the United States and you are
located in the United States, we do not claim a right to prevent you from
copying, distributing, performing, displaying or creating derivative
works based on the work as long as all references to Project Gutenberg
are removed.  Of course, we hope that you will support the Project
Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by
freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of
this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with
the work.  You can easily comply with the terms of this agreement by
keeping this work in the same format with its attached full Project
Gutenberg-tm License when you share it without charge with others.

1.D.  The copyright laws of the place where you are located also govern
what you can do with this work.  Copyright laws in most countries are in
a constant state of change.  If you are outside the United States, check
the laws of your country in addition to the terms of this agreement
before downloading, copying, displaying, performing, distributing or
creating derivative works based on this work or any other Project
Gutenberg-tm work.  The Foundation makes no representations concerning
the copyright status of any work in any country outside the United
States.

1.E.  Unless you have removed all references to Project Gutenberg:

1.E.1.  The following sentence, with active links to, or other immediate
access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently
whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the
phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project
Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed,
copied or distributed:

This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever.  You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org

1.E.2.  If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived
from the public domain (does not contain a notice indicating that it is
posted with permission of the copyright holder), the work can be copied
and distributed to anyone in the United States without paying any fees
or charges.  If you are redistributing or providing access to a work
with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the
work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1
through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the
Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or
1.E.9.

1.E.3.  If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted
with the permission of the copyright holder, your use and distribution
must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional
terms imposed by the copyright holder.  Additional terms will be linked
to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the
permission of the copyright holder found at the beginning of this work.

1.E.4.  Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm
License terms from this work, or any files containing a part of this
work or any other work associated with Project Gutenberg-tm.

1.E.5.  Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this
electronic work, or any part of this electronic work, without
prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with
active links or immediate access to the full terms of the Project
Gutenberg-tm License.

1.E.6.  You may convert to and distribute this work in any binary,
compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any
word processing or hypertext form.  However, if you provide access to or
distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than
"Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version
posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.org),
you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a
copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon
request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other
form.  Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm
License as specified in paragraph 1.E.1.

1.E.7.  Do not charge a fee for access to, viewing, displaying,
performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works
unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9.

1.E.8.  You may charge a reasonable fee for copies of or providing
access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided
that

- You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from
     the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method
     you already use to calculate your applicable taxes.  The fee is
     owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he
     has agreed to donate royalties under this paragraph to the
     Project Gutenberg Literary Archive Foundation.  Royalty payments
     must be paid within 60 days following each date on which you
     prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax
     returns.  Royalty payments should be clearly marked as such and
     sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the
     address specified in Section 4, "Information about donations to
     the Project Gutenberg Literary Archive Foundation."

- You provide a full refund of any money paid by a user who notifies
     you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he
     does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm
     License.  You must require such a user to return or
     destroy all copies of the works possessed in a physical medium
     and discontinue all use of and all access to other copies of
     Project Gutenberg-tm works.

- You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any
     money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the
     electronic work is discovered and reported to you within 90 days
     of receipt of the work.

- You comply with all other terms of this agreement for free
     distribution of Project Gutenberg-tm works.

1.E.9.  If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm
electronic work or group of works on different terms than are set
forth in this agreement, you must obtain permission in writing from
both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael
Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark.  Contact the
Foundation as set forth in Section 3 below.

1.F.

1.F.1.  Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable
effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread
public domain works in creating the Project Gutenberg-tm
collection.  Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic
works, and the medium on which they may be stored, may contain
"Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or
corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual
property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a
computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by
your equipment.

1.F.2.  LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right
of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project
Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project
Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project
Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all
liability to you for damages, costs and expenses, including legal
fees.  YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT
LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE
PROVIDED IN PARAGRAPH F3.  YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE
TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE
LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR
INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH
DAMAGE.

1.F.3.  LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a
defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can
receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a
written explanation to the person you received the work from.  If you
received the work on a physical medium, you must return the medium with
your written explanation.  The person or entity that provided you with
the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a
refund.  If you received the work electronically, the person or entity
providing it to you may choose to give you a second opportunity to
receive the work electronically in lieu of a refund.  If the second copy
is also defective, you may demand a refund in writing without further
opportunities to fix the problem.

1.F.4.  Except for the limited right of replacement or refund set forth
in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS', WITH NO OTHER
WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO
WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE.

1.F.5.  Some states do not allow disclaimers of certain implied
warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages.
If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the
law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be
interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by
the applicable state law.  The invalidity or unenforceability of any
provision of this agreement shall not void the remaining provisions.

1.F.6.  INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the
trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone
providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance
with this agreement, and any volunteers associated with the production,
promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works,
harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees,
that arise directly or indirectly from any of the following which you do
or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm
work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any
Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause.


Section  2.  Information about the Mission of Project Gutenberg-tm

Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of
electronic works in formats readable by the widest variety of computers
including obsolete, old, middle-aged and new computers.  It exists
because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from
people in all walks of life.

Volunteers and financial support to provide volunteers with the
assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's
goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will
remain freely available for generations to come.  In 2001, the Project
Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure
and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations.
To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation
and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4
and the Foundation web page at https://www.pglaf.org.


Section 3.  Information about the Project Gutenberg Literary Archive
Foundation

The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit
501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the
state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal
Revenue Service.  The Foundation's EIN or federal tax identification
number is 64-6221541.  Its 501(c)(3) letter is posted at
https://pglaf.org/fundraising.  Contributions to the Project Gutenberg
Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent
permitted by U.S. federal laws and your state's laws.

The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S.
Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered
throughout numerous locations.  Its business office is located at
809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email
[email protected].  Email contact links and up to date contact
information can be found at the Foundation's web site and official
page at https://pglaf.org

For additional contact information:
     Dr. Gregory B. Newby
     Chief Executive and Director
     [email protected]

Section 4.  Information about Donations to the Project Gutenberg
Literary Archive Foundation

Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide
spread public support and donations to carry out its mission of
increasing the number of public domain and licensed works that can be
freely distributed in machine readable form accessible by the widest
array of equipment including outdated equipment.  Many small donations
($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt
status with the IRS.

The Foundation is committed to complying with the laws regulating
charities and charitable donations in all 50 states of the United
States.  Compliance requirements are not uniform and it takes a
considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up
with these requirements.  We do not solicit donations in locations
where we have not received written confirmation of compliance.  To
SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any
particular state visit https://pglaf.org

While we cannot and do not solicit contributions from states where we
have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition
against accepting unsolicited donations from donors in such states who
approach us with offers to donate.

International donations are gratefully accepted, but we cannot make
any statements concerning tax treatment of donations received from
outside the United States.  U.S. laws alone swamp our small staff.

Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation
methods and addresses.  Donations are accepted in a number of other
ways including including checks, online payments and credit card
donations.  To donate, please visit: https://pglaf.org/donate


Section 5.  General Information About Project Gutenberg-tm electronic
works.

Professor Michael S. Hart was the originator of the Project Gutenberg-tm
concept of a library of electronic works that could be freely shared
with anyone.  For thirty years, he produced and distributed Project
Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support.

Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed
editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S.
unless a copyright notice is included.  Thus, we do not necessarily
keep eBooks in compliance with any particular paper edition.

Most people start at our Web site which has the main PG search facility:

     https://www.gutenberg.org

This Web site includes information about Project Gutenberg-tm,
including how to make donations to the Project Gutenberg Literary
Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to
subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks.

*** END: FULL LICENSE ***